Chapter 2

167 19 7
                                    

Chapter 2

Limang araw ang lumipas hindi ko pa rin nababasa ang reply ni Agosto sa akin. Dahil sa bagyong dumaan sa lugar namin nawalan kami ng kuryente ng ilang mga araw at sarado lahat ng computer shop kaya naman ay inis na inis akong nakasalampak sa sahig habang inaantay ang kapatid kong umiigib ng tubig para sana ipampaligo namin. Lumilipad sa kung saan saan ang utak ko sa kakaisip kong ano nalang ang idadahilan ko kay Agosto kung bakit matagal akong nagreply. Mukhang mauudlot pa ata ang love story ko nang dahil lang sa walang kwentang bagyo.

Saka lang ako napabalik sa realidad nang batuhin naman ako ng baso sa ulo ng kapatid kong pawisan na at galit akong sinipa sa paa. Panay ang sermon niya sa akin isinumbong pa ako sa nanay ko na tila wala ako sa sarili sa kakaisip kay Agosto. Imbes na matakot sa masamang tingin sa akin ni nanay ay napangiti nalang ako haynaku Agosto kung alam mo ikaw ang laman ng isip at isipan ko. Ngunit kaagad din napawi ang ngiti ko nang sabihan ako ng kapatid ko na kailanman ay hindi ako magugustuhan ni Agosto dahil mukha akong adik sa kanto.

Napabalikwas na ako at tinulungan si nanay sa pagtutupi sa takot na baka mabalian pa ako ng paa at kamay. Mukha pa namang dragona si Mama kung magalit.

At nung makabalik naman ako sa pag-eskwela ay kinamusta ako ng mga kaibigan ko. Nagkabiruan pa kami hanggang sa mapunta ang usapan sa reply ni Agosto naikwento ko kasi sakanila na nagmessage ako sakanya. Pinahiram pa ako ng isa sa mga kaibigan ko ng cellphone para sabay na tignan ang naging reply sa akin ni Agosto at nang mabuksan ko na ang aking account tila nawala na ako sa sarili at nakatutok lang sa screen. Nireplyan ba naman ako ng like emoji.

Ang tamad naman magreply. Tamad na ngang sumulyap sa akin hanggang sa social media tamad pa din. Tinawanan ako ng lahat ng barkada ko animo'y tuwang tuwa sa naging reaksyon ko. Tinukso pa nila akong walang pag-asa at mas mabuting asikasuhin ko nalang daw ang pag-aaral. Siguro akala nila ay sobra akong nalungkot pero nagkakamali sila. Masaya na ako sa like na yun. Para lang din niyang sinabi na gusto niya ako. Diba sa Tagalog ng like ay gusto. Edi gusto niya ako. Ganyan nalang siguro ang pag-intindi ko para di ako masaktan sa like reply na hindi ko mawari kung ano ang koneksyon sa naging tanong ko sakanya. Answerable by yes or no lang naman sana iyon.

Saktong napadaan sa gilid namin si Agosto. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at tahimik na naglakad papalayo. Shet ang ganda talaga. Lalapitan ko sana para ayain maglunch kasama ang aking mga barkada mamaya kaso bigla namang pumasok ang terror prof namin at ibinagsak ang mga test paper sa mesa. Yun pala ay maraming bagsak sa test lalo na sa math at sa kasamaang palad ay isa na ako doon. At si Agosto naman ay nakakuha ng highest score. Bawas pogi points. Hays. Ano ba kasi ang kinalaman ng mga numerong yan sa buhay ko. Eh si Agosto lang naman ang dahilan kung bakit pa ako pumapasok para mag-aral.

Nag-assign si ma'am kung kanino kami magpapaturo at sa kabutihang palad binigay ako ni ma'am kay Agosto. Halos magtilian ang lahat ng mga kaklase ko at halos mamula mula na ako sa kilig buti nalang at napigilan ko ang sarili na gumulong gulong. Shipper din ata si ma'am ah. Natigil lamang ang ingay ng biglang sabihin ni ma'am ang rason kung bakit kay Agosto ako dapat magpaturo yun pala ay zero ako sa exam habang yung kinopyahan ko naman ay nakalimang puntos.

Parang may mali ata sa kinopya ko. Ang sama.
Gusto kong lumubog sa hiya ang saya saya ko pa naman na siya ang magtuturo sa akin simula ngayon.

Nung gabing yun ay nagmessage ako ulit sakanya. Tinanong ko siya kung kailan kami magsisimula ,kung kailan niya ako tuturuan. Kaagad naman siyang nagreply at nagtanong kung kailan ang vacant time ko. Sa tuwa ko ay sinabi ko sakanya na anytime kahit na ang totoo hindi ako sigurado dahil na rin sa part time job ko. Gagawan ko ng paraan. Napagdesisyunan namin na ngayong Sabado at Linggo niya ako tuturuan. Naks naman oh ang saya saya ko at sa wakas ay nagkausap kami kahit man lang dito sa Facebook.

Excited na tuloy ako.

Jeans at polo ang suot ko nang dumating ako sa pamamahay nila Agosto. Kaagad akong tinanggap ng mga katulong ng pamilya niya. Sa una ay akala nila mag-aapply bilang hardinero mabuti nalang at nagpakita si Agosto sa amin at inexplain na ako ang inaasahan nilang bisita. Dinala niya ako sa may sala nila at doon na tinuruan. Panay lang ang tango ko sa mga sinasabi niya sa akin , nakatitig lang din ako sa pagmumukha niya at napapaiwas ng tingin sa tuwing titignan niya ako.  Ang ganda din ng boses niya medyo mahina nga lang at mahinhin siya kung magsalita. Parang boses anghel. Kapag eto talaga niligawan ko. Naku jackpot talaga!

Kahit nakatitig lang ako sa pagmumukha niya nakuha ko naman kaagad ang gusto niyang ipa-intindi sa akin. Di lang talaga ako makapaniwala na magkalapit kami at kinakausap niya ako. Parang nasa panaginip ako... Kung sana ay ngingitian niya ako paniguradong basic nalang lahat ng math problems na pinoproblema ko.

Dalawang oras din ang lumipas bago kamin natapos at nung papauwi na ako ng bigla namang dumating ang parents niya kagagaling sa trabaho. Namawis at napaayos ako bigla ng tayo nang makita ko ang tatay niya. Shet. Parang si the rock. Ang laki laki ng katawan parang araw araw pumupunta sa gym. Parang kaya akong ibalibag papauwi sa amin.  Nanginginig ang tuhod ko nang ipakilala ako ni Agosto sa mga magulang niya. Yung mama lang ata niya ang ngumiti sa akin tapos yung tatay niya naman parang akong pinagpaplanuhan kung paano gugulpihin sa paraan ba naman ng pagtitig sa akin.

Nakakatakot naman umakyat ng ligaw kay Agosto. Sa tatay palang wala ng pag-asa. Uuwi siguro ng lumpo ang kung sino man ang magtangkang umakyat ng ligaw.

Mabuti nalang at masyadong mabilis ang oras. Natagpuan ko nalang ang sarili kong nanginginig ang tuhod habang papalabas sa pamamahay nila. Hinatid niya ako hanggang sa may gate at inutusan pa ang driver nila na ihatid nalang ako. Tatanggi pa sana ako dahil nakaramdam ako ng hiya ngunit nang makita ko ang pagsilip ng tatay niya sa may pintuan ng bahay ay walang imik at mabilis akong pumasok sa kotse.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ikwento sakanya na para akong gustong ibalibag ng tatay niya bago ako tuluyang nagpaalam. Hindi pa man nakakalayo ang sasakyang sinakyan ko ay nakita kong tila natawa at mapangiti ng patago si Agosto sa naging reaksyon ko.

Ngumiti siya. Ngumiti nga siya! Shet. Yung puso ko...

My Dear August Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon