Chapter 4

94 7 0
                                    

Chapter 4

Days had passed, it's been five days since August and I talked. Hindi na siya pumasok pa sa school walang excuse letters, walang message. Our professors tried to contact her but she's not unreachable at the moment. Hindi din macontact ang parents niya. Nag-aalala na ang mga prof namin dahil sa dumadami na ang mga namissed niyang activities, assignments and group projects. Nag-aalala dahil sa apektadong apektado na ang mga marka niya.

Sinubukan ko siyang pinadalhan ng mensahe. Unang araw na nagmessage ako hindi niya binasa. The second day na nagpadala ako ng mensahe binasa niya pero na siya nagreply. Hindi ako sumuko pinadalhan ko siya ng mensahe ulit pati na ang mga namissed niyang mga lectures, activities and assignments. Lahat ng yun hineart react lang niya. Kahit na ganun ay masaya ako na binabasa niya ang mga message ko. From time to time nag-uupdate ako sakanya hanggang ngayon.

Walang araw na hindi ako napapatingin sa silya kung saan siya palaging nakaupo at nakatambay. Ang recitation na puno ng kasiyahan ay naging boring na. Walang nakakasagot. Walang nakakapuntos. Nakakawala ng gana sa totoo lang. Marami ang naapektuhan sa pagkawala niya ng ilang araw. Siya lang naman kasi ang palaging nagsasalba sa mga hindi nakakasagot sa recitation na laging pinapatayo.

Samantala naging masaya ang ilang mga professors ko sa naging improvement ko sa school. Tumataas na ang marka ko compared before. Masaya sila na paminsan minsan ay nakukuha ko ang mga sagot. Kung sana ay nandito lang si Agosto ipapakita ko sa kanya kung gaano ako kasaya sa naitulong niya sa akin.

Simula nung hindi siya pumapasok naging maaga na ako sa pagpasok ng paaralan. Nililinis ko palagi ang pwesto niya. Naging abala ako sa pag-aaral sa mga lessons di gaya noon na minsan ko lang ginagawa dahil panay lang ang tulog ko at sumama pa sa pagcutting classes kasama ng mga walang kwenta kong mga kaibigan. Noon ako pa yung nag-aaya sakanila na magcutting classes at ngayon ako na ang umaayaw sakanila. Nagulat pa sila nung una sino daw ba ang sumapi sa akin at tila nag-iba ako. Panunukso pa ng kaklase kong si Ace talagang tinamaan ako ng masyado kay Agosto. Tinawanan ko nalang siya. Tama nga naman. Iba na talaga ang epekto niya sa akin.

Intramurals na ng school namin. Hindi pa din pumapasok si Agosto hindi din niya binasa ang huling mensahe ko sakanya. Sinabi ko pa naman sakanya na masaya dito sa school ngayon at ang daming mga activities na mapagsasalihan. Kasali ako sa mga naassign na magbenta ng iba't ibang flavored shakes sa gilid ng quadrangle. Marami rami ang bumibili kaya naging abala kami ng ilan kong mga kaklase. Dumadami na ang mga estudyante sa quadrangle nakabaang sa basketball competition ng bawat department. 

Habang nakamasid sa gitna sa quadrangle nagulat ako nang mamataan ko si Agosto nasa gilid ng jail booth. May kausap siyang isang matanda, hula ko ay ang dean ng department namin. Nakadress siya at nakalugay ang buhok nakangiti habang tumatango sa matanda. Ikinaway ko ang aking kamay nang mapatingin siya sa gawi ko. Nag-iwas man siya ng tingin sa akin ay nakita ko namang napatawa siya ng mahina.

Pagkatapos niyang makipag-usap ay pumunta siya sa harap ng stall namin at umorder ng mango shake. Gaya ko ay nagulat ng bahagya ang mga kaklase namin kaagad nila siyang nilapitan at isa isang niyakap. Panay ang ngiti niya sa kanila isang bagay na nakakapagtaka. Hindi naman siya ganitong masiyahin, hindi din siya sanay makipag-usap sa iba naming kaklase. Para bang nag-iba si Agosto.

Napapahiyang napakamot naman ako ng ulo ng tuksuin kami ng mga kaklase namin. Hindi ko namalayan na ilang mga segundo na pala akong nakatulala habang titig na titig sakanya. Mga bwiset talaga. Pag etong si Agosto nagwalk out lagot talaga sila sa akin alam naman nilang ayaw na ayaw niya na tinutukso kami pareho. Akala ko ay mahihiya siya o magwawalang kibo gaya ng ginagawa niya noon kapag tinutukso pero ngayon ay nakita ko siyang nakisabay.

Mamula mula na akong mukha ko sa hiya. Kinindatan niya lang ako na siyang lalong nagpahiyaw sa lahat ng kaklase at mga schoolmates namin.Totoo ba to? Hindi ako makapaniwala.

Palihim ko pang sinampal sampal ng mahina ang sarili ko. Hindi nga ako nananaginip! Hindi na nga ako makaget over sa pagngiti niya tapos kinindatan pa ako! Ang puso ko parang sasabog na sa kilig parang teenager lang. Shet. Mas gusto ko ang version na toh ni August.

Sa di inaasahan inaya niya akong magmovie booth hindi na ako tumanggi pa. Chance ko na toh aatras pa ba ako syempre hindi. Magkatabi kaming dalawa habang nanonood ng " Hello, Love, Goodbye." Horror sana ang pinili niya kanina pero sinabi ko sakanya na baka di niya kayanin dahil sa takot kahit na ang totoo ay ako talaga ang matatakutin. At nung matapos ang palabas humirit pa siya hindi niya kaagad nasabi sa akin kung anong movie ang susunod naming panonoodin. Nagulat nalang ako nang biglang magplay sa malaking tv ang "Insidious".

Pinagpawisan ako bigla pakiramdam ko ay naisahan niya ako. Kakasimula pa lang ng movie parang gusto ko ng tumakbo sa cr para umihi pero hindi ko naman maiwan iwan si Agosto lalo na't gustong gusto niya ang palabas. Tinanong niya ako kung okay lang ba ako tumango lang ako sa kanya. Makailang beses pa niya akong tinanong kung gusto kong lumabas nalang at wag na naming tapusin ang palabas. Sinabi ko nalang na hindi dahil sa ayokong mapahiya sakanya.

Napuno ng halakhak at sigawan ang buong classroom na ginamit para sa movie booth. Halaklak ng mga kasamahan namin na tuwang tuwa sa naging reaksyon ko. Napapasigaw kasi ako sa tuwing magpapakita ang multo sa tv screen. Panay na din ang inom ko ng tubig nang mapagtanto ko ang naging reaksyon. Nagpipigil naman ng tawa si Agosto sa aking gilid. Sabi na eh. Sinadya niya akong ipasok dito.

Napapahiyang naiyuko ko ang aking ulo nang matapos ang palabas. Hiyang hiya ako daig ko pa ang mga babae doon na kalmado lang sa panonood. Para tuloy akong baboy na takot na takot ihawin kanina pero di bale na napasaya ko naman kahit paano si Agosto.

My Dear August Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon