Chapter 9

86 7 0
                                    


Chapter 9

Halos di na ako nakapagpokus sa party ni hindi nga ako makakain ng maayos sa nakahandang pagkain sa harap namin. Pagkatapos ng kainan ay nagkaroon pa ng paraffle at bigla nalang din tinawag ang pangalan ni Agosto. Yun pala ay isa siya sa mga kakanta. Bahagya akong nagulat dahil wala naman siyang binanggit sa akin patungkol doon.

Inihatid ko siya papunta sa stage. Nagpalakpakan ang lahat nang magsimula na siyang kumanta. Vinideohan ko siya hanggang sa matapos siya sa pagkanta. Hindi ko alam na maganda pala ang boses niya. Binigyan pa siya ng bulaklak ng emcee bago makababa sa stage. Tinukso ko siya nung makabalik siya sa kanyang pwesto.

Samantala matagal natapos ang party namin. Magtatatlong oras na ata kami doon pero ang sabi naman sa amin ay malapit na matapos may last dance pa kaming lahat na kung saan pwede kaming makipagsayawan sa kung sino naman gusto. Nawala siya sa paningin ko nang magsimula na ang last dance. Luminga linga ako sa paligid hanggang sa makita ko siyang nasa di kalayuan sa akin malapit sa nag-ooperate sa sound system nakatayo at abala sa pagtipa sa kanyang cellphone.

Binilisan ko ang lakad papunta sana sakanya nang harangin naman ako ni Arra. Nakunot ang noo ko nang ilahad niya sa akin ang kanyang kamay at nang hindi ako nakapagalaw kaagad siya naman ang kusang naglagay ng kanyang kamay sa aking balikat at ang mga kamay ko sa kanyang bewang. Shet. Napagtanto kong gusto niya palang makipagsayawan hindi na ako nakaangal pa lalo na't nasa gitna na kami at nagsimula ng tumugtog ang musika. Nahihiya naman akong iwan siya dito sa gitna lalo na't marami rami ang nakatingin sa amin.

Medyo tipsy na siya at panay ang haplos sa aking pisngi.  Sinamahan ko naman siya sa cr nang sabihin niya sa akin na nasusuka siya pagkatapos ay bumalik din kami sa pasasayaw. Makailang beses ko siyang sinabihan na tumigil na muna kami at baka mas mahilo pa siya pero ayaw niya. Pinanggigilan niyang kinurot ang pisngi ko hindi pa siya nakuntento dumukwang at hinalikan ako sa pisngi. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na tumingin sa direksyon ni Agosto. Nakita niya ang pangyayari. Hinila ko pabalik sa kanyang pwesto si Arra iniwan ko muna siya sa table namin at sinubukang lapitan si Agosto.

Tinawag ko siya ng malakas narinig niya ako kaya napatingin siya sa akin pero kalaunan ay nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa pamilyar na lalaki. Teka anong ginagawa ng childhood friend niya dito?

Nang akmang hahawakan ko na siya sa kanyang braso nang hilahin naman siya ng lalaki papunta sa gitna at isinayaw siya. Kaagad na rumehistro sa aking pagmumukha ang inis. Napakuyom ang kamao habang nakatingin sakanilang masayang nag-uusap habang nagsasayawan lalo na nung makita kong bumulong ang lalaki at panay naman ang tawa ni Agosto. Napansin ko lang sa tuwing gusto kong umamin na kay Agosto ay siya namang pagsulpot niya.

Dahil ayoko namang magmukhang tanga kakaantay ay bumalik ako sa table namin at inubos ng isang lagukan ang wine na ibinigay sa akin. Hindi nawala ang tingin ko sakanilang dalawa. Sa isip isip ko ay nilait ko ang lalaki. Inis na inis na talaga ako lalo pa nung matapos sila sa pagsayaw hinila siya nito papalabas ng hall. Palihim ko silang sinundan nagtago ako sa gilid ng isang malaking speaker. Nag-usap sila at tumagal iyon ng limang minuto hanggang sa nakita kong dumukwang ang lalaki akmang hahalikan na niya si Agosto. Nakita kong sinubukan ni Agosto na umatras ngunit hindi niya nagawa dahil sa hawak hawak siya ng lalaki.

Sinugod ko ang lalaki at pinagsusuntok sa mukha at pilit naman akong itinutulak palayo ni Agosto sa lalaki. Mabibigat ang hininga ko nung malakas niya akong itinulak at napahiga ako sa sahig. Tumayo at pinagpagan ang aking damit nagtataka ako kung bakit nasa panig siya ng lalaki na muntik nang humalik sa kanya. Di ba nga ay dapat nga ay magpasalamat siya at hindi natuloy ang balak ng lalaki na masama. But instead she glared at me, she looks mad and disappointed. Inakay niya ang lalaki papunta sa parking lot nakasunod ako sakanilang dalawa and she was threatening me not to get close to them.

Hindi ko siya maintindihan! Pinasakay niya ito sa kotse at  humingi ng pasensya. Nang makaalis ito ay binato niya ako ng bag niya hindi na ako umilag. Galit niya akong dinuro at sinabihan na napahiya siya sa kaibigan niya sa inasal ko. Hindi ako makapaniwalang tinuro ang sarili. Paano naman ako ang naging masama niligtas ko na nga siya sa gagong yun.

And she reasoned out na mali ako ng pagkakaintindi sa nakita ko. Pero nanindigan ako sa nakita ko kanina nagulat siya sa ginawa sa lalaki mukha nga siyang natakot. Umabot na kami sa punto na nagsisigawan na kami hindi na kami magkaintindihan. Not until she asked me why am I acting like a jealous boyfriend. Doon na ako nasaktan sa sinabi niya. Minasama niya ang pagtulong ko. She then proceeded to blame me at saka ako tinanong kung bakit ko ginawa yun.

Hindi na ako nakapagtimpi. Sinabi ko na.

I told her everything. Sinabi ko sa kanya na gusto ko siya higit pa sa isang kaibigan at ang manhid manhid niya na hindi man niya iyon mapansin. Kasi akala niya biro lang ang lahat. I tried to hug her, nagsorry ako sakanya nang mapagtanto ko ang ginawa ko. I shouldn't have yelled at her. Inilagay ko sa kanyang kamay ang hawak kong bulaklak na naglalaman ng pag-amin ko. Tinulak niya ako umiiyak siya at saka sinabihan ng masasakit na salita.

Umiling siya at umatras sa akin. Hindi siya makapaniwala. Sinubukan ko siyang lapitan pero pinagbantaan niya ako. Hindi na niya ako pinatapos sa mga paliliwanag ko. Tinawag ko ang pangalan niya ng paulit ulit habang tumakbo papalayo sa akin. Hindi niya ako nilingon bagkus ay pinunit niya ang papel na hawak at itinapon sa gilid ng daan.

Fuck! I messed up.

My Dear August Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon