Special Chapter

93 12 1
                                    


Special Chapter

Dumaan ang sampung taon. Naging maayos ang aking buhay nabilhan ko ng bagong bagay ang aking Inay at nagawa kong maipagtapos sa pag-aaral ang aking mga kapatid. Nabigyan ko sila ng maginhawang buhay gaya ng ipinangako ko. Humanga sa akin si Inay dahil sa hindi niya inakalang matutupad ang lahat ng pangako ko sakanya.

May maayos na akong trabaho. May sarili na din akong sasakyan, at bahay. Hindi ko ito inaasahan na magiging ganito ang buhay ko. Sinong mag-aakala na ang mararanasan ko pala ang pakiramdam na humiga sa malinis at malambot na kama. At kumain ng marami at mamahaling mga pagkain parang noon lang ay nasa panaginip ko lang itong lahat.

Lahat din ng mga naging kaibigan ko noon ay naging marangya ang buha nila. Paminsan minsan ay nakakapaggala kami kasama ang kanilang bawat pamilya. Masayang masaya ako sa buhay ko ngayon. Nabibili ko na lahat ng mga gusto kong bilhin lalo na yung mga mamahaling bagay na ninanais kong mabili. Marami ang nagsasabi sa akin na swerte daw ako. Na sa pamamagitan ng swerteng dala ko ay umangat kami sa buhay pero hindi ako naniniwala doon. Hindi swerte ang nagtulak sa akin upang magkaroon ng maginhawang buhay.

Sipag at determinasyon ang nakatulong sa akin yan ang totoo. Samantala marami naman ang nagtatanong sa akin na sa ngayong kaya ko namang makuha ang lahat ng gusto ko ay kailan nga ba ako mag-aasawa. Sa tuwing naitatanong iyan sa akin ay napapangiti nalang ako. Naaalala ko si Agosto parang nung kailan lang nung huli kaming makapag-usap.

Sa loob ng sampung taon sa paghahanap ko sakanya ay natagpuan ko siya. Ngunit nung mga panahong natagpuan ko siya ay wala pa akong pera para puntahan siya kaya naman ay kada buwan akong nagpapadala sakanya ng mga sulat at mga regalo na kanya namang ipinagpapasalamat ng marami. Maayos na maayos ang buhay niya sa Japan huling balita niya sa akin ay naging art teacher siya doon kahit pa na ayaw ng mama niya. 

Lagi niya akong kinakamusta kung okay lang ba ako kung nakakakain pa ba ako ng tama. Nasabi ko kasi sakanya na abalang abala ako sa pagtatrabaho para maibigay ko ang lahat ng gustong ipabili sa akin ng mga pamilya ko kaya nag-alala siya. Palagi naman niya akong pinapadalhan ng mga gawa niyang mga damit gaya ng mga knitted jackets at knitted hats. Sakali man daw na kaya ko ng makapunta sa Japan ay yun ang susuotin ko.

Alam ko ang paghihirap niyang paghihintay niya sa akin sa loob ng sampung taon kaya naman ay wala na akong sinayang na oras pumunta ako ng Japan suot suot ang mga bigay niya sa akin. Una kong pinuntahan ang mama niya para kamustahin ito malayo layo kasi si Agosto sakanya. Nakita kong payat na payat na ito di kagaya noon nung hindi pa sila nagkahiwalay ng asawa niya. Binigyan ko siya ng ilang mga pasalubong galing sa Pinas. Puno ng kagalakan niya akong sinalubong, naalala niya ako. Niyakap ko siya ng mahigpit nang umiyak siya at humingi ng pasensya sa akin.  Sinabi ko nalang na okay lang naiintindihan ko naman siya bilang isang magulang.

Sinamahan ko siya ng ilang oras, bago ako tuluyang sinabihan ng nurse na nagbabantay na kailangan na niyang magpahinga. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay nang akmang aalis na ako. Hinaplos niyang mabuti ang aking mukha sabay sabing kanina pa ako inaantay ni Agosto at tiyak na matutuwa ang kanyang anak kapag nasilayan ako. Napangiti ako ng malapad at tumango. Siguradong magiging masaya yun nabasa ko sa mga sulat niya sa akin dati at nung mga nakaraang buwan na hindi na siya makakapag-antay na makita ako.

Ako nga din ay hindi na makakapag-antay pa. Kumaway ako sa matanda bago ako tuluyang sumakay sa taxi. Napapikit ako nang tumama sa aking mukha ang malamig na hangin. Hindi ko na din mapigilang amuyin ang bulaklak na hawak ko para kay Agosto. Naalala ko naikwento niya sa akin na gusto niyang magdala ako ng white camellia flower para ibigay sa kanya at ako naman ay bibigyan niya ng yellow camellia flower. Mahilig talaga siya sa mga bulaklak.

Tatlong minuto ang lumipas bago ko narating ang kinaroroonan ni Agosto. Makailang beses akong nagbuntong hininga bago ako tuluyang pumasok. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang papalapit ako sakanya nakangiti siya at mababakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong kasiyahan at lungkot.

Umupo ako sa harap niya at marahang hinaplos ang kanyang mukha ibinigay ko sakanya ang dala kong bulaklak. Tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Sampung taon...kay tagal ng panahon niya akong hinintay at ngayon narito na ako kaharap siya. Hindi ako makapaniwala humingi kaagad ako ng pasensya sakanya kung bakit ako natagalan. Nakita ko kaagad ang bulaklak na sinasabi niyang gusto niyang ibigay sa akin ngunit namatay na ang bulaklak dahil sa katagalan.

Kinuha ko ang larawan niya sa gilid at nilinis ito at saka itinabi sa patay na bulaklak. Hinaplos ko ang kanyang lapida. Mahigit limang buwan na nung mawala siya dahil sa sakit niyang leukemia. Masakit man sa akin ang nangyari sakanya ay pinilit ko itong tinanggap. Dahil nangako ako sakanya na kung ano man ang mangyari ay tatanggapin ko ng buo. Hindi ko siya kaagad na naabutan bago siya namatay dahil sa kailangan kong bantayan si Inay sa ospital dahil palagi siyang inaatake ng hika.

At bago siya nawala hiniling niya sa akin na sana  sa pagkalipas ng limang buwan matapos siyang mamatay saka lang ako dadalaw sakanya. Para kahit papano ay hindi gaanong kasakit ang mararamdaman ko. Pero kahit na limang buwan pa ang lumipas sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman ko ngayong kaharap ko na siya.

Yinakap ko ang kanyang larawan. Kuha ko ito nung magvideo call kami nakaupo siya sa kama kahit na hinang hina. Sabay utos sa akin na kunan siya ng larawan na siyang ilalagay ng mama niya sa ibabaw ng kanyang lapida. Labag man sa aking kalooban ay sinunod ko ang utos niya. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng kamera habang ang mga mata ay puno ng lungkot na nakatingin sa akin.

Natupad ko nga ang pangakong hanapin siya sa ibang lugar hindi ko naman siya naabutang buhay.

"Sa pagkakataong ito ako naman ang mag-aantay sayo. Hihintayin kitang sunduin ako kapag oras ko na at ikaw ay aking pakakasalan gaya ng ipinangako ko sa iyo. Maghintay man ako ng ilang taon bago masilayang muli ang iyong mukha.  Hanggang sa muli, aking Agosto."

***

Flower meaning according to google:

white camellia- waiting
yellow camellia- longing

Hi! Thank you for reading.

My Dear August Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon