Chapter 5Unexpectedly, we become very close to each other compared before. Marami ang nagulat sa pagbabago niya who would have thought that the sole introvert in our class could become so jolly? No one expected it. No one. Maging ang mga professors namin na nakakita sa pagbabago niya ay namangha at hindi makapaniwala.
She had become more friendly. Halos lahat na ata ng mga kaklase namin naging kaclose niya na. Sumasali na din siya palagi sa mga group studies lalo na kung inaaya siya pa minsan minsan ay inililibre niya kami at mag-aayang pumunta ng mall para maglaro ng arcade. Ang hirap paniwalaan sa totoo lang pero masaya naman ako at mas nai-express niya ang sarili niya ngayon kesa noon na para siyang may sariling mundo at palaging nag-iisa.
Ugali lang ang nagbago sa kanya dahil patuloy pa rin naman ang pag-excel niya sa lahat ng subjects mas tumalino nga siya. Minsan napapaisip ako kung paano niya kaya nagagawa ang lahat ng bagay na iyon? Yung mag-aral ng mag-aral para makaperfect sa quiz at exams tapos isinasabay pa ang pagsama sa mga gala. Eh kami ngang nasa average lang halos magkaundagaga na kung paano pagsasabayin ang lahat ng activities at paggala. She never failed to amazed me. Masyado niyang ginagalingan ang hirap niya tuloy tapatan.
Mas lalo tuloy lumalalim ang nararamdaman ko para sakanya. Akala ko nung una simpleng crush crush lang na umaabot lang ng isang linggo o di kaya dalawang buwan pero ngayon umabot na ng isang taon at kalahati. Second year college na kami pareho at magkaclassmates pa rin kami dahil sa pagsasabay namin sa pag-enroll. Kahit nga na second year na kami patuloy pa rin ang panunukso sa akin ng mga kaklase ko. Ang alam ni Agosto biro lang ang lahat at katuwaan ng mga kaibigan ko.
Hayst. Kung alam niya lang na siya ang dahilan kung bakit araw araw na akong naliligo at sumisipag sa aking trabaho at pag-aaral. Grabe na ang epekto niya sa akin tumitino na ako. Natigil lahat ng mga kalokohan ko dati kasama ng mga kaibigan ko. Nagawa ko pahangain si Inay lalo na nung nag-announce ang dean namin last year na nasali ako sa dean's lister. Laking pasasalamat ng nanay ko at sa wakas tumalino na ako. Ewan ko ba kung masasaktan ba ako sa sinabi niya o hindi nalang.
At sa sobrang galak ni Inay nagawa pa niyang magpalechon at imbitahan ang lahat ng mga tao sa barangay. Animo'y nagkaroon ng malaking salo salo akala tuloy ng iba gagraduate na ako. Ginawan pa ako ng lasenggo kong tiyo ng tarpaulin na ang nakalagay ay "salamat, wala ng bobo sa pamilyang toh". Hinayaan ko nalang ang panunukso nila sa akin.
Nakapokus kasi ako sa pagcongratulate sa akin ni Agosto. Hatinggabi pa naman yun nag-inuman kami ng mga barkada ko nang matanggap kong biglaan ang mensahe ni Agosto. Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nawala ang pagiging lasing ko bigla at pagkahilo. Hindi matanggal tanggal sa aking labi ang ngiti nang mabasa ko ang mensahe niya. Laman ng mensahe niya ang pasasalamat sa akin na naging kaibigan niya ako at pasasalamat sa pagsama sakanya sa kung saan niya gusto at pagbati niya sa akin. Nireplyan ko siya agad agad kahit na hindi ako sure sa mga tinatype kong letra. Mas malaki ang pasasalamat ko sakanya sa pagtulong sa akin sa mga hindi ko naiintindihan na mga leksyon ng mga guro namin. Kung wala siya ay malamang bulakbol pa rin ako at matagal ng tanggal sa scholarship.
Nung magpasko naman ay inimbitahan niya ako sa bahay nila. Nag celebrate ako ng pasko kasama siya at ng mga magulang niya. Simple lang ang handaan nila hindi masyadong bongga at ganun pa din ang tatay niya sa akin minsan matatalim ang tingin sa tuwing napapasarap kami sa pag-uusap ni Agosto. Nang mapansin niyang pinagpapawisan ako ay dinala niya ako sa may bandang terrace nila di kalayuan sa sala. Nakatingin lang sa amin ang mga magulang niya nakabantay at panatag ang kalooban. Isa sa mga magandang nakuha ko ay ang tiwala ng mga magulang niya. Naikwento niya sa akin na noon ay hindi siya pinapayagang gumala kasama ng iba pang naging kaibigan niya pero nung makilala ako ng magulang niya at sa tuwing naibabanggit niya ang pangalan ko sa nakaplanong galaan ay agad agad siyang pinapayagan.
Habang nag-aantay na mag-alas dose para sa fireworks nakapag-usap kami sa mga plano ko sa buhay. Naitanong niya sa akin bigla kung ano raw ba ang gagawin ko kapag nakapagtapos na ako ng college. Napaisip ako nung una at kalaunan ay sinagot ko siya na siguro kapag nakapagtapos na ako ay uunahin ko munang maghanap ng magandang trabaho para mapaaral ang mga kapatid ko at papatayuan ng bahay si Inay. At kapag nabigyan ko na sila ng maginhawang buhay ay sarili ko naman ang pagpopokusan ko. Tawang tawa siya at sinabing baka napanot na ako sa kakatrabaho sa oras na maibigay ko man ang maginhawang buhay sa pamilya ko. Nakakatakot tuloy tumanda at baka magkatotoo pa ang pambibiro niya sa akin.
Nabanggit ko din sakanya na baka mag-asawa ako kaagad bilang biro sana kaso tinotoo niya at naniwala naman kaagad. Hindi ko na din pinalampas ang pagkakataon na tanungin din siya sa mga plano niya sa buhay. Hindi kaagad siya nakasagot na para bang wala pa siyang plano. Nag-antay ako ng ilang mga minuto, nakatingin lang ako sakanya habang ang kanyang atensyon ay nasa kalangitan. Abala sa panonood sa fireworks hindi ko namalayan na kanina pa pala nagsimula ang fireworks. Masyado akong naging abala sa kakanood sakanya na puno ng kagalakan ang pagmumukha.
Para bang nagslowmo ang lahat ng nasa paligid ko. Inaantay ko pa rin ang kasagutan niya sa aking katanungan. Masyadong mabagal ang oras, masyado siyang naging abala sa nakikita niya kaya nung gabing yun ay wala akong nakuhang kasagutan mula sakanya. Pero nangako naman siyang sasabihin niya sa akin ang mga plano niya kapag nakagraduate na kami. Naglalaro sa aking isipan kung ano ano ang mga plano niya sa buhay kapag nakapagtapos na kaming dalawa.
Kasama kaya ako? Hangal ka talaga Aki.
BINABASA MO ANG
My Dear August
Short StoryInlab lang talaga ako. Start: January 1, 2023 End: January 18, 2023