Chapter 6

77 7 0
                                    


Chapter 6

Habang tumatagal at bawat pagdaan ng mga araw at buwan tumatanda kami. Napansin kong unti unting nagbago ang aming pag-uugali kumbaga unti unti kaming nagmamature. Minsan nagkakaroon kami ng tampuhan at suyuan bagay na normal na nangyayari sa pagitan ng pagkakaibigan. Pero hindi naman kami dumadating sa punto na hindi kami nagpapansinan o di kaya'y magkagalit ng matagal.

Nasa akin man ang problema o sakanya ako na ang unang gumagawa ng paraan upang magkabati kami. Nung una kaming nagkatampuhan nang dahil sa kaklase kong niyaya akong magcomputer shop para maglaro ng games doon at nakalimutan ko na nag-iintay pala siya sa akin sa park dahil nangako ako na magdedate kami , friendly date kumbaga para ipagdiwang ang Valentine's Day as a friend. Haha. Nakalimutan ko pang dalhin ang gift ko para sakanya at naabutan ko siyang basang basa sa ulan habang nakaupo sa isang bench sa parke.

Nung lapitan ko siya ay kaagad akong naguilty at humingi ng paumanhin. Nakatanggap naman ako ng malakas na sampal sakanya na nagpamaga ng pisngi ko sa loob ng dalawang araw. Ininda ko ang sakit dahil sa kasalanan ko naman. Dalawang araw akong walang tigil sa pagsuyo sakanya sa chat hindi niya ako nirereplyan umabot pa sa bin-block niya ako kaya wala na akong nagawa kundi ay puntahan siya sakanila. Kahit na lumalalim na ang gabi bumisita ako sakanila at humingi ng pasensya sa parents niya and luckily pumayag silang makausap ko siya kahit sandali.

That night she cried so hard. Hinampas hampas niya ako sa dibdib ko while ranting about how mad she was when I made her stay for hours tapos wala man lang daw akong pake. Naguilty ako at nangako sakanya na babawi ako. Bilang ganti ay kinuha ko ang lahat ng ipon ko para pambili ko ng bagong sapatos, sa isip isip ko kaya ko namang mag-ipon ulit para sa sapatos. Nilibre ko siya sa mga street foods at binilhan ng mga paborito niyang libro. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko mapatawad niya lang ako at hindi nga ako nagkakamali pinatawad niya ako.

August 1, dinala ko din siya sa amin at ipinakilala sa nanay at sa mga kapatid ko. Buong puso naman nila siyang tinanggap at pinagsilbihan bilang isang bisita. Nung panahong yun ay nagsimula na akong magpakita sakanya ng motibo na gusto ko siya higit pa sa isang kaibigan. Pero masyado siyang manhid at naniniwala pa rin na biro lang ang lahat ng mga akusasyon sa akin ng mga kaibigan ko na gusto ko siya. Dahil sa ayoko naman siyang biglain at madaliin hindi muna ako nagconfess sakanya. Sa halip ay inalam ko munang mabuti kung ano ano pa ang mga bagay na mga hilig niya na hindi ko pa nalalaman.

Kay bilis ng panahon mga third year college na kami. Medyo abala na kami sa mga assignments, projects, and research. Naging mahirap sa akin ang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral ngunit sa kabila ng hirap kong schedule nagagawa ko pa din subukan na ihatid si Agosto papauwi sakanila kahit na minsan ay antok na antok na ako at kulang sa tulog. At sa tuwing mapapansin niya namang grabe ang pagod ko inaaya niya akong matulog sa guest room nila. Isang beses lang ako tumanggap sa alok niyang matulog sakanila sa takot na baka magalit ang mga magulang niya sa akin at isipin pa nilang sinasamantala ko ang pagkakataon. Ayokong isipin nila na ginagamit ko siya upang maranasan ko ang buhay marangya.

Napansin ko kay Agosto na mahilig pala siya sa pagtugtog ng gitara at pakikinig ng mga musika. Kaya nung magkaroon ako ng bakanteng oras ay inilalaan ko ito sa pagsusulat ng mga kanta at paggawa ng mga tula na maaari niyang basahin sa tuwing siya ay naiinip at nagpapalipas ng oras. Naappreciate niya naman ang mga gawa kong mga tula at mga alay kong kanta sakanya. Naiyak siya nung una kong iparinig ang mga alay kong kanta nung birthday niya. Marami ang mga taong nakatingin sa akin habang kumakanta at tumutugtog ng gitara. May pagkamahiyain pa naman ako at takot na tumugtog at kumanta sa harap ng maraming tao lalo na sa harap ng mga mayayaman.

Nawala ang lahat ng kaba ko nang makita kong nag-eenjoy siya sa pakikinig sa akin mas lalo akong ginanahan sa pagtugtog hanggang sa matapos. Puno ng palakpakan ang paligid at nakakabinging hiyawan ng lahat ng aming mga kaklase at schoolmates na kanyang inimbita. I was about to get my confession letter I hid behind me as I was approaching her when some guy appeared in front of her. He's not familiar to me but I heard from her mom's friend that he's her childhood friend.

Hindi niya ako nakita, natabunan na ako ng estrangherong lalaki. Napabuntong-hininga ako at naghanap ng mauupuan. Hinintay ko silang matapos sa pag-uusap nagtagal ata sila ng limang minuto hanggang sa hilain siya ng lalaki sa gitna at isinayaw. They were dancing like a real couple with so much spark in their eyes. Nakita ko kung paano niya suklian ng ngiti ang lalaki isang kakaibang ngiting kailanman ay hindi ko natanggap sakanya.

The crowd went wild when the guy handed her a bouquet of flowers. My eyes went directly to my left hand, ano nga ba ang maipanlalaban ko sa paboquet ng lalaking kasayawan niya ngayon. Eh isang kapirasong bulaklak lang ang hawak ko at isang walang kwentang sulat na nagpapahayag ng pagkagusto ko sakanya. Parang nalukot ang puso ko nang makita ko ang kakaibang saya sa kanyang pagmumukha. Hindi ko nakita na ganyan siya kasaya sa tuwing nakakasama niya ako.

Ayokong magmukhang tanga, ayokong mapahiya. Kaya hindi na ako nagtagal pa sa birthday party niya umalis ako nang walang paalam. Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko nakayanan ang lahat kong nakita at nasaksihan.

Bigla akong nanliit sa sarili ko, mayaman yun, mas gwapo, may sasakyan, at mukhang matalino. Ano nga ba ang laban ng lalaking kagaya ko na walang kaya sa buhay at nakapart time job lang?

My Dear August Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon