Chapter 8Nalalapit na ang acquaintance party namin sa school kaya naging abala ang department namin. Maging si Agosto ay naging abala dahil sa siya ang naatasan sa paggawa ng survey sa lahat ng mga course namin sa kung ano ang gusto nilang lahat na theme ng acquaintance party. Sinamahan ko na siya sa paglilibot sa buong building. Mag-iisang linggo kaming nagsurvey sa mga estudyante bago namin tinignan ang naging resulta.
Tatlong araw nalang at magsisimula na ang acquaintance party namin. Sinamahan ko si Agosto sa pamimili ng kanyang susuotin sa party naantay lang ako sa labas dressing room. Nasa isang boutique kami na pagmamay-ari ng kaibigan ng mama niya. Tumagal ng kalahating oras ang pamimili niya ng mga damit bago niya ito naisipan na isukat. Binigyan naman ako ng isang baso ng wine ng isang sales lady habang naghintay kay Agosto.
Hindi nagtagal ay lumabas rin si Agosto suot suot ang isang pulang kasuotan. May slit ito sa gilid na nagpapakita ng legs niya. Maganda naman ang damit bagay sakanya kahit papano kaso hindi naman niya nagustuhan at parang nalalaswaan pa siya nung una. Sunod niyang isinukat ang isang black dress na kita ang kanyang likod umikot ikot siya sa harap ko habang tinitignan ang sarili malaking salamin. Natulala ako at hindi kaagad nakasagot nang tanungin niya sa akin kung bagay ba sakanya ang napili niya. Litaw na litaw ang ganda niya sa kasuotan nakalugay pa ang kanyang buhok at nakasuot ng di kataasang sandals.
Nag-iwas ako ng tingin at biniro siyang magpalit na dahil ang sakit sa mata. Sinimangutan niya ako at nagpalit na nga akmang kukuha na naman siya ng panibagong damit na isusuot nang pigilan ko naman siya. Sinabi ko na sa kanya na yung itim nalang ang isuot niya at kalaunan ay sumang-ayon din siya sa akin. Napagtanto niya kaagad na binibiro ko lang siya at ayoko lang talagang sabihin na bagay na bagay sakanya ang damit. Pagkatapos naming mamili ay dumaan muna kami sa sinehan para manood ng palabas at nang gumabi naman ay inihatid ko na siya sakanila.
Kinabukasan naman ay nagpunta ako sa mall para mamili ng susuotin kong damit. Kahit anong libot ko sa mall wala akong napili para bilhin. Hindi naman sa wala akong nagustuhan na tuxedo at sapatos kasi sa tuwing nakakapili ako ay kaagad kong tinitignan ang presyo. Masyadong mahal di kakayanin ng budget ko kaya sa huli ay nanghiram nalang ako ng tuxedo sa anak ng ninong ko. Mabait ang kanyang anak at binigyan pa ako ng bagong sapatos at relo bilang regalo at hindi na ako nakatanggi. Excited na excited ako sa papalapit na acquaintance party lalo na't naghahanda ako sa aking planong pag-amin at paghingi ng permiso kay Agosto kung okay lang ba sakanya na ligawan ko siya pero syempre uunahin ko munang tatanungin ang parents niya.
Naikwento ko ito sa anak ni ninong. Tinulungan niya ako sa mga paraan niya kuno kung paano ba ang tamang pag-amin at pagligaw.
Dumating na nga ang araw acquaintance party na. Makailang beses akong napabuntong hininga habang naghihintay kay Agosto sa sala. Nasabi sa akin ng isa sa mga katulong nila na nasa itaas pa siya at inaayusan. Nakita ako ng parents niya, pababa sila ng hagdan at nagtanong kung bakit tila napaaga ako. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pagkatapos ko silang batiin ng magandang hapon ay kaagad akong humingi ng permiso kung maaari ko bang ligawan ang kanilang anak. Nagkatinginan silang mag-asawa matagal bago sila nakasagot sa akin. Pinagpawisan ako ng malala nang alukin ako ng tatay niya na makipag-usap doon sa bandang terrace. Tinanong niya ako kung ano ang tunay kong intensyon kung bakit gusto kong ligawan ang anak niya.
Naging matapang ako at sinagot na mahal na mahal ko ang anak niya. Mahirap man ako ay tiyak ko namang ibibigay ang lahat para kay Agosto. Akala ko ay papahirapan pa niya ako pero nagulat ako nang pumayag kaagad siya. Ang saya saya ng puso ko! Sa wakas napapayag ko rin ang tatay niya!
Doble doble ang kaba ko nang pababa na nang hagdan si Agosto. Sumilay ang ngiti niya sa labi nang makita ako. Hindi ako nakapagsalita agad sa gulat. Ang ganda ganda niya para siyang dyosa. Bagay na bagay talaga sakanya ang nakalugay niyang buhok at ang dress na napili niya. Kahit sa kotse palang ay panay ang tanong niya sa akin kung okay lang ba ako at para na daw akong hindi mapakali. Sinabi ko nalang sakanya na nag-aalala ako na baka pagtawanan ako. Pabiro niya akong kinurot sa tagiliran aniya ay bagay naman sa akin ang suot ko at ang nakastyle kong buhok. Gwapo naman daw kahit papano. Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin kong mamula mula na ang aking pisngi at tenga.
Di ko inexpect yun. Hindi talaga. Wala na akong pakialam kung nagsasabi ba siya ng totoo o niloloko lang ako. Basta ang mahalaga gwapo ako sabi niya.
Inalalayan ko siya pababa sa kotse at maging sa pagpasok sa hall. Nang makapasok kami ay bumungad sa amin ang naggagandahang mga disenyo sa paligid. Binati kami ng ilang mga server nang makapasok at hinatid kami sa table 11. Nasa gilid ko lang siya nakahawak sa aking braso napapatingin naman sa amin ang iba. Namataan namin kaagad ang aming mga barkada nauna na pala sila sa amin. Panay ang panunukso nila sa akin sinubukan ko naman na hindi nalang sila pansinin kahit na sa loob loob ko ay kinikilig na ako.
Nang mapuno ang hall ay nagsimula na ang party. Unang nagperform ang mga first year kumanta sila at nagpasalamat sa lahat ng mga teachers na naroon sa party. Nagkaroon din ng panandaliang recognition para sa aming mga professors. At hindi naman nagpahuli kaming third year college na. Sumayaw kami sa stage at partner ko si Agosto walang tigil ako sa kakangiti , pinagmamasdan siya habang sumasayaw. Ganun rin siya sa akin. Para kaming may sariling mundo.
Sigurado na talaga ako na aamin na ako sakanya ngayong gabi pagkatapos ng party.
BINABASA MO ANG
My Dear August
Cerita PendekInlab lang talaga ako. Start: January 1, 2023 End: January 18, 2023