Chapter 10

85 9 0
                                    


Chapter 10

Days, months had passed. Hindi na kami muling nakakapagkita ni Agosto. I tried to send her messages in Facebook but she tried to read all of those. Ilang buwan na akong pabalik balik sa bahay nila kaso hindi na ako pinapapasok ng guard sa village utos daw ng mommy niya. Kaya ang ginagawa ko sa tuwing out ko sa trabaho ay abangan siya sa labas ng village nila hanggang sa maabutan ako ng umaga. Hindi ako makatayming dahil sa tuwing magigising ako mula sa pagkakatulog sa gilid ng gate ng village nila ay sya namang pag-alis ng sasakyan nila.

Hanggang sa makausap ko ang mama niya nung isang gabi. Siya na mismo ang kumausap sa akin na layuan na ang anak niya. She wasn't mad. Pero mababatid ko sa kanyang boses na hindi niya ako gusto nung una palang. Wala na akong nagawa kundi tumigil na sa kakaantay doon kay Agosto.

Halos mabaliw ako sa loob ng ilang buwang hindi ko siya nakakausap. Wala akong tulog at palagi akong nasa computer shop kakaantay sa mga reply niya. Hanggang sa bigla ko nalang itinigil nawalan na ako ng gana kakaantay.

Muling nagbukas ang enrollment for first semester sa  fourth year college. Maaga akong nagpaenroll wala akong kasabay. Sa pagdaan ng panahon ay kumalas na kami sa aming mga barkada pero paminsan minsan ay nakakapag-usap naman kami. Ewan ko nalang kay Agosto. Hindi na kasi ako nagtanong pa sa mga kaibigan namin patungkol sakanya.

Isang linggo bago ang pasukan nang makatanggap ako ng message sa aking Facebook. Galing sakanya gamit ang bagong Facebook account. Sabi niya sa akin na pinatawad na niya ako sa nagawa ko at muling nagpaliwanag sa totoong nangyari. Tama nga siya nagkamali ako nung akala kong hahalikan siya ng lalaking yun. Sinabi niya din matagal na niya akong pinatawad. Hindi na ako nagreply, nahiya ako sa aking nagawa. Nahihiya ako na ako pa ang nakasira sa pagkakaibigan namin dahil lang sa maling akala.

Sa di inaasahan mayroon kaming isang subject na kung saan classmates kami at the same time magkatabi din ang upuan namin which is arranged by our professor. Sa isang buwan na yun hindi kami nakakapag-usap ng matagal para kaming hindi magkakilala. Ngunit kapag may pagkakataon naman na kami ay magkakatinginan ay tumatango lang kami sa isa't isa. There's this awkwardness sa pagitan naming dalawa and everyone in the classroom noticed it.

Nung magsecond semester naman ay sinubukan kong ayusin ang pagkakaibigan namin. Nung alokin ko siya na kung maaari kaming mag-usap sa rooftop ay hindi na siya tumanggi pa. Nag-usap kami doon lahat ng mga dapat pag-usapan ay wala kaming pinalampas. Umamin ako ulit sakanya sa tamang paraan sinabi ko lahat lahat ng mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Napaiyak siya nung iabot ko sakanya ang papel na pinunit niya noon. Humingi siya ng pasensya sa nagawa niya.

Hindi ko inakala ang sunod niyang sinabi sa akin bago kami matapos sa pag-uusap. Inaamin niya na din na gusto niya ako, matagal na. Nang marinig ko yun naging masayang masaya ako pero nawala ang saya ko nang sabihin niyang pareho man kami ng nararamdaman sa isa't isa ay hindi kami pupwede. Buong puso kong tinanggap ang sinabi niya masakit man sa pakiramdam. Di bale na ang mahalaga alam ko ngayon na pareha kami ng nararamdaman sa isa't isa.

Tinanong ko siya sa rason kung bakit kahit na may hinala na ako. Pero mas pinili niyang hindi na sabihin sa akin. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay naging magkaibigan kami uli ngunit di gaya ng dati ay hindi na kami gaanong close. Naiintindihan ko naman. Nagdaan ang apat na buwan graduate na kami sa college kakatapos lang ng graduation nang magkita kami sa labas. Hinahanap ko ang si Inay sa labas para sana ay umuwi na kami at nagkataon namang papasok na siya sa kotse nila nang naisipan niyang lapitan ako.

Nagtanong siya sa akin kung pwede ba kaming mag-usap sa kahuli hulihang pagkakataon. Nalukot ang puso ko nang banggitin niya na ito ang huli naming pag-uusap. Aalis ba siya? Saan siya pupunta? Ito ay mga katanungan ko sa aking isipan.

Hinawakan niyang maigi ang aking kamay. Aniya handa na siyang sabihin sa akin ang mga plano niya sa buhay. Nagulat ako nang maalala ko na hindi nga pala niya nasabi sa akin noon. Kinakabahan ako, ang lakas ng tibok ng puso ko habang inaantay siyang magsalita muli. Tumutulo ang luha ko habang tumatango sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. 

Matagal na pala niyang planong umalis ng bansa kaso nung magkausap kami sa parke nagbago ang isip niya at nagmakaawa siya sa mga magulang niya na kung pupwede magtapos muna siya dito ng kolehiyo. Pinasalamatan niya ako sa pagiging kaibigan niya sa loob ng tatlong taon at kalahati. Sa sobrang lungkot ko sa aking narinig ay hindi na ako nakapagsalita pa at agaran siyang hinila papalapit sa akin upang yakapin siya ng mahigpit. Matagal bago ako kumalas ng yakap nag-iyakan kaming dalawa sa loob ng dalawang minuto.

Natapos lang kami nang marinig namin pareho ang pagbusina ng mama niya. Mapait akong napangiti habang hawak hawak ang kanyang mga kamay at ginawaran siya ng halik sa likod ng kanyang palad.

Dito na ba magtatapos? Makakaya ko kayang ipagpatuloy ang buhay ko nang wala siya? Kailanman ay hindi siya nawala sa aking mga plano sa buhay. Pero hindi ko naman hawak ang tadhana at ayokong pilitin din siya na manatili dito.

Bago ako pinakawalan ang kamay niya ay bumulong ako at nangako sakanya. Na hahanapin ko siya sa kung nasaan man siya pagkalipas ng ilang mga taon. At sa pagkakataong mahanap ko siya ay papakasalan ko siya at aalagaan. Sumang-ayon siya sa akin. Makapaghihintay naman daw siya kahit pa na ilang taon man ang lumipas.

At nang tuluyan na siyang tumalikod sa akin ay unti unting rumehistro sa aking isipan ang mga alaalang ginawa naming dalawa simula nung maging magkaibigan kaming dalawa.

"Handa akong maghintay ng ilang taon basta ipangako mo lang sa akin na hindi ka mamamatay. Hanggang sa muli, paalam"

----
End.

My Dear August Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon