Chapter 3

100 13 2
                                    


Chapter 3

Nung magpunta ako sakanila nung Linggo ay hindi ko na mabilang kung nakailang lunok ako sa laway ko habang nakikinig at nakatingin sa amin ang daddy niya. Nasa sala kami nun abalang abala siya sa pagtuturo sa akin sa sobrang kaba ko ay himalang naiintindihan ko lahat kung paano isolve yung math problem. Hindi din ako nagtagal sa bahay nila umuwi na ako kaagad dahil sa hindi ko kayang magtagal pa. Ipinahatid niya lang din ako sa driver nila muli.

At nung pasukan ay maaga akong pumunta sa eskwelahan. Sineryoso ko na muli ang pag-aaral sa loob ng ilang oras hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko sa tuwing inaaya nila akong kumain ng recess o kaya'y sa tuwing inaaya nila akong magcutting classes nalang. Naghahanda talaga ako ng mabuti dahil sa pa second chance ni ma'am para sa exam namin ang sabi pa niya naman ay ipapasa niya ako kapag nakasagot at kung makakapassing score ako. Dahil sa ayoko din namang mapahiya at masayang ang pagtuturo sa akin ni Agosto.

Nalungkot ako nung malaman ko sa kanyang katabi na mukhang malabong makakapasok siya ngayon. Absent siya sa first and second subject puro mga major pa naman yun. Sayang may recitation pa naman kung nandito siya kanina malamang siya din yung makakakuha ng mataas na puntos. Samantala sa sobrang abala ko sa pag-aaral ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang lunch time.

Pagkagising na pagkagising ko ako nalang mag-isa sa classroom. Pambihira nga naman oh. Iniwan talaga nila akong mag-isa. Tumayo na ako para sana pumunta sa canteen dahil sa kumakalam na ang tiyan ko sa gutom. Ginusot gusot ko ang kamay mga mata ko papalabas hanggang sa may mabangga akong isang matigas na bagay. Yun pala ay nabangga ko si Agosto na papasok palang sa classroom.

Kaagad ko siyang dinaluhan , nagulat pa ako nung mapagtanto kong siya nga! Tinulungan ko siyang nakatayo at lubos na humingi ng pasensya. Para akong tanga sa harap niya na nagmamakaawa samantalang siya ay nakayuko lang at saka ako linagpasan ng tingin. Hindi ko nalang siya sinundan at kinulit. Napansin ko ang pamamaga ng kanyang mga mata kagagaling niya lang umiyak. Curious man sa kung napano siya ay mas pinili ko nalang manahimik at hinayaan siya. Matapos akong maglunch sa canteen kaagad rin akong bumalik sa classroom.

Napansin ko siya sa kanyang upuan. Hindi niya suot ang paborito niyang headset. Inihiga niya ang kanyang ulo sa armrest. Ano kaya ang nangyari? Malungkot na malungkot siya at parang walang gana. Di kaya ay napagalitan siya ng parents niya dahil sa akin? Lumapit ako sakanya at palihim na naglagay ng biscuit na Oreo sa bag niya na may nakalagay pang note na " cheer up" sinamahan ko na din ng panyo pampunas sa luha niya. Bahala nang isipin niyang jeje yun. Binili ko talaga ang Oreo kahit na hindi ko gusto dahil napansin kong palagi siyang kumakain nun tuwing recess. Sana maappreciate at magustuhan niya.

Nang makalayo ako sa kanyang upuan ay nakita ko ang panginginig ng kanyang mga balikat at narinig ko ang mahihina niyang hikbi. Ngayon ko lang ata siya nakitang ganyan. Mukhang malaki ang problema niya.

Ala una ng ipatawag ako ni ma'am sa office niya para sa second chance take ng exam. Natapos ako ng isang oras sa pagsagot. Hindi ako tumigil kakasolve hanggang sa makuha ko ang tamang sagot bago ko ipinasa kay ma'am. Inantay ko na din ang resulta sa exam at sa kabutihang palad na perfect ko ang exam ngunit ang sabi ni ma'am ay passing score lang ang kanyang ilalagay para hindi gaanong unfair sa mga kaklase ko. Hindi na ako umangal pa at tama rin naman siya.  She congratulated me. Nasabi din niya sa akin na dapat akong magpasalamat kay Agosto dahil sa malaki ang naitulong niya sa akin. I agree. She helped me a lot.

Hindi ko namalayan na uwian nalang pala. Hinanap ko siya sa classroom ngunit wala na akong naabutan doon. Lumabas na ako  at mabilis na tumakbo ko nang makita kong mag-isang papalabas si Agosto. Mag-isa lang siya at nakayuko habang naglalakad na para bang may maraming iniisip.  Hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa maabutan ko siya. Tahimik ko siyang sinamahan sa paglalakad , napansin niya ako pero hindi niya ako kinausap. Sanay na ako. Sinubukan ko siyang ayain sa park para magpahangin at makapgrelax biro lang sana yun pero hindi ko inakalang sumang-ayon siya at sumama na sa akin.

Umupo kami sa may bench mga ilang segundo kaming tahimik hanggang sa hindi ko na nakayanan na tanungin niya. Nung una ay hindi niya ako sinagot muling tumulo lang ang mga luha niya. The second time that I asked her this time she answered me between her sobs. Aniya nagkaroon ng malaking away ang pamilya niya and that she heard everything and that she's scared that her parents might decide to separate ways. At natatakot siya na baka ipadala siya sa Manila ng mom niya kasama ang mga relatives nila sa oras na magkahiwalay ang parents niya. Kahit ako ay natatakot din na mangyari yun.

She continued to sob. Hindi ko alam kung paano ko siya i-comfort so I stayed silent. Pinakinggan ko lang siya ng pinakinggan. I wanna hug her so bad pero ayoko namang isipin niya na sinasamantala ko ang pagkakataong ito.

The tough side of her faded. Hindi ako makapaniwalang may ganito din pala siyang side.It felt like I'm seeing the real her, emotional, soft and pure that what she is. I tapped her back.

Nagtagal kami doon sa park. Unti unting dumidilim ang paligid at kumukonti na din ang mga tao sa paligid namin. Tumatahimik na din ang paligid. Nang lingunin ko siya ay nakayuko siya at yakap yakap ang mga tuhod.

Halo halo ang emosyong naramdaman ko masaya at nalulungkot. Malungkot ako na malaman ang sitwasyon niya ngayon but at the same time I'm happy that I finally have a normal conversation with her without involving numbers or anything related to school stuffs. But I never thought that this would be so  heartbreaking.

My Dear August Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon