Chapter 12 - The One With Unknown Number
Tahimik kong pinagmamasdan si mama habang hinahainan niya ng kanin ang pinggan naming tatlo. Kanina pa ko walang imik simula nung nang galing kami sa sala at ibinida ni mama yung mga picture frames. Kasalukuyan kaming nakaupo sa hapagkainan para maghapunan.
Thera is sitting in front of me. She's also quietly watching my mom putting rice on her plate. I wonder what she's thinking. Kanina parin siya walang imik. Though being deadly hushed is her normal mode, I'm just wondering what's running through her mind now that she's about to have dinner at our house for the first time, and it's my mom who's serving her food. Ang weird paring isipin na nandito siya ngayon.
"Tama na ba yan, hija?" tanong ni mama matapos ang ilang sandok ng kaning nilagay niya sa plato ni Thera. Grabe naman yung dami! Parang bibitayin naman yung amo ko.
Thera politely nodded and smiled at her. "Yes, tita." dagdag pa niya.
Kita mo yan, napaka bait sa mama ko. Akala mo kung sinong sinapian ng santo. Buti nalang pala at never kong nakwento kay mama lahat ng mga katarantaduhang pinag gagawa sakin ng isang 'to, kung hindi, paniguradong hindi siya ita-trato ni mama ng ganyan. Si mama naman, kung makatitig din kay Thera akala mo nakatitig sa anghel.
Eh mukha naman kasi talagang anghel.
"Tama yan, kumain ka ng madami. Masarap 'tong luto kong sinigang. Kumakain ka naman ng sinigang ano?" tanong ni mama tapos umupo na siya sa tabi ni Thera.
Magkatabi sila sa upuan sa may kaliwang parte ng lamesa, ako lang nakahiwalay at sa kanang parte ako nakaupo. Mas close naman na sila kaya bahala silang magtabi. Ewan ko nga dito sa nanay ko, kanina pa ko di pinapansin. Nakalimutan na atang andito ako at ako ang anak niya.
"Yes. I love sinigang."
Edi yung sinigang na love.
"Very good." komento ni mama na akala mo eh batang maliit yung kausap tapos pinaglagay pa ng ulam si Thera sa mangkok.
Napailing nalang ako dahil sa ginagawa ni mamang pang dadaughter service kay Thera. Kinuha ko din yung mangkok ko at ako na nag kusang mag lagay ng ulam dun.
Edi sila na mag ina diyan!
"Ayan, kumain ka ng madaming gulay. Yan si Sky, hindi yan mahilig sa gulay. Napaka pihikan, kaya yan, ang payat payat. Parang pag pinitik mo sa likod ng tuhod, luluhod."
Napatigil ako sa pagkuha ng ulam at tinignan si mama na tumingin din sakin, sabay lipat ng pansin dun sa mangkok ko. "Oh yan tignan mo puro karne. Ang lungkot naman niyang sinigang mo, baboy lang saka sabaw. Lagyan mo naman ng sustansya yang katawan mo." puna niya dun sa ulam ko.
Di naman sa ayoko sa gulay, may mga gulay naman akong kinakain. Tulad nung gabi, eh walang gabi yung sinigang ni mama. I don't like green vegetables. Atsaka bakit ba may pakealamanan ng mangkok? Kanina lang parang di ako nag eexist sa mundo nilang dalawa diyan.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac
Aktuelle LiteraturFor love, would you play the role of the hero or the villain? An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...
