Chapter 43 - The One Where She Had To Make A Final Decision
"O.M.G. Wow. Ate, Sky. Wow." reaksyon ni AM matapos akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi hyper o excited yung paraan nang pagkakasabi niya ng mga salitang yun. Para siyang nawala sa sarili tapos napatulala lang sa mukha ko.
Nakangiti akong naglakad papalapit sa kanya, "Grabe naman maka react. Akala mo naman siya hindi sobrang ganda," sabi ko at tulad niya kanina ay pinasadahan ko din siya ng tingin mula ulo hanggang paa para i-appreciate ang ayos niya ngayong gabi.
She's wearing a pink asymmetrical dress that perfectly matches her wavy blonde hair and light makeup. Magaling yung makeup artist at stylist na nag ayos kay AM dahil nagawa nila siyang pag mukhaing mas mature sa edad niya, at the same time, hindi pilit tignan. She looks like a proper young lady. Mukhang pwedeng pwede na siya mag trabaho sa kumpanya nila sa ayos niya ngayon.
She looks stunning. Parang hindi siya yung malditang bata na malingkis.
"I know I'm beautiful, ate Sky. That is something that's not debatable. But you...look at you! You look phenomenal." pag puri niya sakin sabay pasada ulit ng tingin mula sa suot kong 5 inches stiletto paakyat sa nakaayos kong buhok. "How could someone look so sweet, innocent, simple, yet sensational? I'm telling you right now, you should expect massive attention once we go downstairs. I can already imagine a bunch of women tapping the shoulders of their men to stop them from drooling. And..." she paused and smirked, "Women questioning their choice of partners once they see you."
Unconsciously, I adjusted the strap of my black dress and pinned some strands of my hair in the back of my ears. I looked at the floor.
Kung ano mang itsura ko ngayong gabi, laking pasalamat yun sa stylist at makeup artist na sila ring nag ayos kay AM.
I've been crying, hardly eating, and sleeping these past few days. I can't deny the fact that I've been down the rabbit hole, going far down it day by day. I can't fool no one, depression is written all over my face. Kaya medyo nagulat din ako kanina matapos nila kong ayusan at humarap ako sa salamin. They definitely did some type of magic to make me look like someone who's enjoying her healthy relationship; blooming because she's in love.
Well, I'm in love. It's just that...
"Grabe, kahit sa lutang mode ate Sky, ang ganda mo parin. Iba talaga yung freshness mo ngayong gabi!"
Yung litanyang yun ni AM ang muling nag balik sakin mula sa pag mumuni muni na naman sa mga problemang di na ko nakawala.
Trying to hide what's really running on my mind, I smiled at her, "Grabe ka na mambola ha."
"Hindi yun pambobola, ate! I'm stating facts. I mean, mukha kang anghel ngayong gabi."
Bahagyang nag salubong ang dalawang kilay ko, "Parang sinabi mo namang demonyo ako noong mga nakaraang araw?"
"What? No! Baliw!" matawa tawang reaksyon niya, "What I mean is that you look like a literal angel tonight. People will be staring, but..." at bago niya ituloy ang sasabihin niya, umirap muna si gaga. "Someone will looking be looking away."
Bahagyang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang yun. Pero kahit hindi klaro, may ideya na ko kung sinong tinutukoy niya.
"...looking away because she wouldn't be able to bear this dumb decision she's about to announce to everyone, once she sees you looking like a dream." Pagkasabi niya nun ay mabilis nawala ang mga ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac
BeletrieFor love, would you play the role of the hero or the villain? An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...
