13 - The One With The Confrontation

162K 3.9K 15.1K
                                        







Chapter 13 - The One With The Confrontation





Ang payapa talaga tignan ng paligid kapag hapon tapos papalubog na yung araw. Idagdag pa yung ganda ng garden sa mansyon. Sobrang nakaka relax, mabisang pang tanggal ng stress sa katawan.





Nakagawian na namin nung kambal ang mamasyal sa garden sa tuwing natatapos ang klase. Paminsan ay dito kami nag memeryenda o di kaya naglalaro ng mga outdoor sports. Sobrang lawak kasi ng garden na puno ng iba't ibang klaseng halaman, mga nag gagandahang bulaklak na siksik, liglig, at nag uumapaw ang natatanggap na pag mamahal kay manang Pam.





Simula noong nakabalik si manang Pam sa mansyon, lalo pang gumanda dito. Yung mga bulaklak naka ayos na base sa klase nila. Pati yung dark colors at light colors naka separate sa isa't isa. Di ko din alam kung paano niya nagawa yun mag isa. Maski yung mga grass sculptures lumabas yung mga tunay na porma kasi pinagtatabas niya.





Minsan talaga mabibilib ka nalang sa dedikasyon ng mga tao sa bagay na gusto nilang gawin. I know how much manang Pam loves gardening. Parang mga anak na ang trato niya sa mga halaman dito. Mula sa pinakamagandang bulaklak hanggang sa maliliit na dahon ng makahiya.





Sa sobrang love na binibigay niya sa mga halaman, feeling ko yung dahon ng makahiya di na nahihiya sa kanya. Komportable na din sa matanda.





"Ate Sky, dito banda yung laging pumipintig."





Bahagya akong nagyuko ng ulo upang tignan si AM na nakaupo sa kahoy na bench. Hinihilot ko kasi yung ulo niya at kaninang umaga pa nag rereklamo na masakit daw. Hinawakan niya yung kamay ko at nilapit doon sa parte daw ng ulo niya na laging pumipintig.





"Diyan, ate." sabi niya ng malapit ang kamay ko sa sintido niya.





Malamang yan yung laging pumipintig eh sintido yan.





"Di ka kasi ata natutulog sa tamang oras." pagbibigay ko ng rason kung bakit sumasakit ang ulo ng batang 'to. Bahagya kong idiniin ang magkabilang hinlalaki ko sa parteng iyon ng ulo niya at marahan itong hinilot.





Medyo may talent din ako sa paghihilot kasi nung bata ako, tinuturuan ako ng lola ko. Minsan ngang nagawi ako sa probinsya, halos pumila lahat ng kamag anak ko makapag pahilot lang sakin. Yung mga pinsan ko dun tinataliaan pa ko ng panyo sa ulo pag manghihilot tapos tawag sakin tata Domeng. Mga sira ulo.





"Paano kasi madaling araw na nag babasa pa ng libro." puna ni PM sa kapatid.





Di naman na dinipensahan ni AM ang sarili at ngumuso nalang. Guilty sa pagbabasa ng libro sa madaling araw.





Tinignan ko si PM na kanina pa nakatayo lang sa gilid namin ni AM at nanonood sa ginagawa ko. Wag mo sabihin saking kaya siya nakatayo diyan kasi hinihintay niyang matapos ako sa kapatid niya tapos siya next.





"You know what Ate Sky? I think you can earn money from this. Legit ang sarap mo maghilot. Parang kamay talaga ng professional massage therapist." pag compliment sakin ni AM.





Nambola pa nga. Akala niya diyan di ko napapansin na tuwing susubukan kong ilayo yung kamay ko para matapos na kami eh bigla siyang magtuturo ng bagong masakit na parte tapos hihilain yung kamay ko dun? Abusadong bata.





The Moonlight LilacMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon