Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.
WARNING: NO SPOILER. NOT ON THE COMMENT SECTION, NOT ON ANY SOCIAL MEDIA APP LIKE TIKTOK. PLEASE GUYS, LET'S RESPECT OTHER READERS. LET'S NOT KILL THE FUN AND EXCITEMENT. THANK YOU ❤️
****
Chapter 54 - The One With The Unexpected Goodbye
Two weeks later...
"How much is that doggie in the window? Arf arf! The one with waggly tail? Arf arf! How much is that doggie in the window? I do hope that doggie's for sale, arf arf!" pag kanta ni Riley dun sa nursery rhyme na How much is that doggie in the window kay Teddy na noo'y nakahiga sa kama niya.
"Oooohh..." tanging reaksyon nung bata na nakabilog pa ang bibig. Parehas kaming napahagikhik ni Riley.
Ang cute cute ni Teddy sobra! May hawig talaga siya kay Leonardo DiCaprio nung bata bata. Hindi ko na maalala yung itsura nung lalakeng naka one night stand ni Riley, pero thankful ako at magandang genes ang napasa niya sa poging pogi kong pamangkin slash inaanak.
Nakadapa kaming dalawa sa kama ngayon. Ako sa kanan, siya sa kaliwa, nag papalipas lang ng oras. Pahinga na namin 'to si baby Teddy. Actually, halos lahat ng tao sa bahay, maski yung kambal, maski si Thera, stress reliever na namin ang bunso sa mansyon.
"Why so handsome baby boy? Manang mana talaga kay mommy yan ano?" pag ba-baby talk ni Riley kay Teddy sabay kiss sa lips. Tinignan ako ni Riley, nginitian ko nalang siya at kinimkim sa sarili ko yung sasabihin ko sana.
Hindi talaga, Riles, promise huhu. Wala talagang bakas mo si Teddy. Siguro pag laki saka palang lalabas.
"Bebe Sky, sasama ka ba kay Luna at tita Sophie mamaya na mag aayos ng papel ng restaurant niyo?" tanong ni Riley habang dinudutdot dutdot ang pisngi ng anak niya.
"Hindi. Dito lang ako. Mag tatapos pa ko ng lessons namin next week, tapos lilinisin ko yung kwarto ni Thera para naman bago siya makauwi galing London eh wala siyang kalat na dadatnan." sagot ko kay Riley.
One week siya sa London ngayon. Bakit? Ano pa ba, edi business matter na naman. Sa susunod na araw pa ang uwi niya. Kaya ayun, binabaling ko nalang kay Teddy ang atensyon ko para di ko siya mamiss ng sobra.
Pero miss na miss ko na siya. Tuwing nag vi-video call kami, gusto ko nalang pumasok sa phone. Ewan ko kung clingy lang ako o ang hirap talagang malayo sa partner mo pag nasanay kang lagi siyang yakap. Ang hirap matulog ng wala siya! Kaya dito ko natutulog sa kwarto ni Riley. Si Teddy nalang hug ko.
Apat kami dito ngayon sa loob ng kwarto. Si Riley, ako, si Teddy, tapos si Oreo; big brother ni Teddy si Oreo.
"Ah ganon ba. So, ikaw muna maiiwan kay Teddy ngayon?" tanong ni Riley na siyang nakapag pasalubong ng kilay ko.
"Ang kulit mo ano? Aalis ka talaga kahit sinabihan na kita na wag na muna dahil halos kakapanganak mo lang? Di ka talaga mapirmi sa bahay lang." naiinis na balik ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac
General FictionFor love, would you play the role of the hero or the villain? An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...
