Chapter 15 - The One With Unexpected Action Pt. 1
-Third Person's Point Of View-
"Pre, baka pwede kahit stop over lang sa 7/11? Gutom na gutom na talaga ko. Nasusuka na yung pakiramdam ko sa gutom." walang kabuhay buhay na suhestiyon ni James sa kaibigang si Mykel.
Tinignan ni Mykel ang kaibigang katabi sa paseenger seat na nakasandal na ang ulo sa bintana ng kotseng kasalukuyan niya minamaneho.
Mykel let out a deep sigh and focused his eyes on the road again. "Okay, sige." maikling sagot niya kay James at nagpatuloy sa pag dadrive upang humanap ng convenient store.
Simula pa alas sais ng umaga kanina ay rumuronda na silang dalawa ni James. Pasado alas onse na ng gabi at patuloy parin sila sa trabahong inatas sa kanila. Halos yata sa kabuuan ng araw na ito ay isang beses palang silang kumakain dalawa kaya naman magkahalong pagod at gutom na ang nararanasan nilang pareho.
Limang team na nahati sa dalawang tao ang naatasang rumonda sa kabuuan ng manila at mga kalapit na probinsya, mga malalapit na lugar kung saan naganap ang mga bagong krimen ng gumagalang serial killer, the moonlight lilac. Isa sa limang team na iyon ay sina Mykel at James.
Iisa ang goal nilang lahat. Ang inspeksyunin ang bawat itim na Toyota Corolla na makikita sa daan. Ang sasakyang posibleng gamit ng serial killer as a getaway car.
"Halos inisa isa na ata natin lahat ng Toyota Corolla sa Manila, pero wala namang kahinahinala. Hindi ba nagsasayang lang tayo ng oras at panahon dito sa ideyang 'to ni Luna?" tanong ni James. "Kel, yung ideyang isaisahin lahat ng ganong sasakyan na makita natin, napakalaking kahibangan talaga kung iisipin. Umamin ka, di ka ba natatangahan dun? Tapos tayo nagpapakahirap rumonda, siya andun lang sa office." dagdag pang reklamo nito.
"Hindi lang tayo ang nahihirapan, gung gong. Nandun nga lang siya sa office, pero grabeng pressure at tambak ng trabaho ang nakaatas sa kanya. Gusto mo palit kayo ng posisyon ha? Siya mag ronda dito, ikaw humarap sa mga nakakataas para magpaliwanag. Tapos ikaw ang magbasa at mag asikaso ng daan daang reports na binabato satin. Ano?" sagot ni Mykel sa pagrereklamo ng kaibigan.
Mula sa pagkakansandal ng ulo ay umayos ng upo si James at tinignan ang kaibigan. "Okay, okay, mahirap na ang trabaho niya. Pero wag mo sabihin saking sang ayon ka dito sa ginagawa nating tigilan lahat ng Toyota Corolla na makita natin sa daan? Pre! Ilang beses tayong nagmukhang tanga kanina. Nakakahiya! Para tayong mga sira ulong kumakatok sa pinto ng mga sasakyan. Di pa kasi nag request ng check point---"
"Andami mong reklamo! Atsaka anong nakakahiya? Trabaho mo yun at may badge ka namang pinapakita sa kanila. Ikaw lang nag iisip na may nakakahiya ginagawa mo." pagputol ni Mykel sa sasabihin pa sana ni James.
"Para sakin pointless parin talaga." pagdidiin ni James na nag cross arms pa't nagsalubong ang kilay.
"Gago! Daig mo pa babae mag inarte. Kulang nalang ngumuso ka diyan, pre." matawa tawang pang aasar ni Mykel.
"Gago ka din." balik sa kanya ni James. "Oy! Ayun, 7/11. Nagugutom na ko. Dun muna tayo."
Tinignan ni Mykel ang 7/11 na tinuturo ni James. Nasa kalagitnaan sila ng lugar kung saan maraming puno at iilan lang ang mga gusaling nadadaanan. Sa di kalayuan ay ang isang convenient store na nasa gas station na siyang walang kahit anong katabing bahay o building. Para itong gas station sa gitna ng kawalan.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac
General FictionFor love, would you play the role of the hero or the villain? An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...
