56 - The One With All Questions Answered

141K 3.5K 12.4K
                                        




Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.

Also, I recommend playing the song The Joke's On You during a particular scene in this chapter for a better experience.

Enjoy everyone! And PLEASE NO SPOILER


****

Chapter 56 - The One With All Questions Answered


-Third Person's Point Of View-


Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay naalimpungatan ang dalagang si Sky. Unti unti ay iminulat niya ang kanyang mga mata. Kahit hindi pa tuluyang gising ang kanyang diwa ay una niyang hinanap ang isang taong dapat ay mahimbing na natutulog sa tabi niya.


Teddy...


Simula nang mailibing si Riley dalawang araw ang nakakaraan, lagi ng kasama ni Sky ang bata. She couldn't sleep without Teddy lying beside him. For her, though it's impossible to totally mend her broken heart that was shattered because of Riley's death, being around Teddy, and seeing his innocent smile, somehow eases the pain.


Matapos ang di inaasahang pagkawala ni Riley, nagkasundo ang lahat ng malapit sa kanya na kay Sky muna ang bata. Bukod kasi sa mas nakasama niya ito dahil nakatira sila sa iisang bahay, siya lamang ang siyang nakakapag patahan dito.


Hindi tulad ng ibang sanggol na laging umiiyak, mas tahimik lang ito. Pero matapos mailibing si Riley, lumabas ang pagiging iyakin ng bata. Lagi na lamang itong umiiyak. Part of Sky thinks that maybe, unconsciously, the child knows that he lost his mother.


Agad naalarma si Sky nang hindi niya makita si Teddy sa tabi niya. Mula sa bahagyang pagka dilat ay mabilis nanlake ang mga mata niya. Akmang babangon na sana ang dalaga, ngunit natigilan siya nang mapansin ang mga gamit na nasa kama.


Sigurado siya na wala itong mga 'to sa kama bago sila matulog ni Teddy.


Sa may bandang dulo ng queen size bed ay naroon ang stuff toy ni Psyduck na sigurado si Sky na pag mamay-ari lamang ng iisang tao sa mansyon. Sa tabi ni Pysduck ay may iilang pang stuff toy ng dinosaur sa iba't ibang kulay at kung ano ano pang laruang pambata. Meron pa ngang remote control car.


Isang tao lamang ang alam niyang may koleksyon ng mga gantong klaseng laruan.


Thera.


Thera loves collecting toys.


Dahan dahan, bumangon si Sky mula sa pagkakahiga. Dahil sa biglang hilo na naramdaman ay hindi siya kaagad tumayo. Nanatili siyang nakaupo sa kama. Nang makaupo ay doon niya lamang natanaw ang isang pigura sa isang sulok nitong kwarto, malayo sa kanya.


Panigurado siyang hindi siya nakita nito dahil nakatalikod ito sa kanya. Bukod pa dun ay mukhang focus na focus ito sa ginagawa.


She saw Thera, wearing her purple robe while carrying Teddy with his head peacefully lying on top of her shoulder. Teddy's sleeping.  Marahang gumagalaw ang dalaga habang hinahaplos ang likod ng bata. Sobrang kalkulado ng bawat galaw nito, animoy natatakot magising ang sanggol na hawak niya.


The Moonlight LilacMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon