20 - The One With The Help

162K 4K 4.1K
                                        




Bella Thorne as Athalia Anya Villareal(Tanya)



Bella Thorne as Athalia Anya Villareal(Tanya)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




----------


Chapter 20 - The One With The Help





"Welcome to my humble home." bungad ni Tanya pagkabukas na pagkabukas niya ng malaking pinto ng penthouse kung saan daw siya nakatira.


Tulala parin ako at hindi makapaniwala sa ganda ng lugar kung nasan kami ngayon. Sa totoo lang, kanina nung inalalayan niya ko sa mga hawak kong groceries papunta sa kotse niyang Mazda na mukhang mamahalin, ayaw ko na siyang paniwalaan na kanya yun. Tapos ngayon dadalhin niya ko dito sa penthouse ng pagkataas taas na building tapos sasabihin na kanya 'to?





Si Tanya ba talaga 'to o kamukha lang?





"Dito ko nalang ilapag 'tong mga groceries mo ha?" sabi niya sabay lapag nung mga groceries sa malapad na center table sa sala. Nasira yung karton na pinaglagyan kanina. Buti nalang eh may dalang tatlong malalaking eco-bag si Tanya sa kotse niya at doon namin yun nilipat.





"Hayan. Diyan muna sila. Oh ano na Sky, tatayo ka lang diyan? Pumasok ka dito." tawag sakin ni Tanya nang mapansin na nanatili ako sa labas ng pinto. Nagdududa parin ako na kanya 'tong penthouse na 'to.





"Sigurado ka bang dito ka nakatira?" parang walang tiwalang tanong ko sa kanya.





"Ay hindi. Sa totoo lang, nadampot ko lang 'tong susi ng unit sa kalsada. Nakiki angkin lang ako."seryosong tugon niya na nakapag pakunot ng noo ko. Di nagtagal eh bigla siyang natawa sabay lumapit sakin at hinila ako papasok.





"Seryoso ka ba, Sky? Tingin mo talaga nakiki angkin lang ako? Gaga! Bahay ko 'to." aniya habang hila hila ako papasok.





Osige na nga. Sabi niya eh.





"Ikaw talaga. Kung di ka lang teacher, iisipin ko talaga na maganda ka lang." dagdag pang komento ng bruha matapos akong iupo sa mahabang kulay itim na sofa na gawa sa leather dito sa may sala.





I glared at her because of what she said. Si Tanya nga 'tong gagang 'to!





"Make yourself comfortable, madam." parang siraulong sabi niya na may pag bow pa sa harap ko.





"S-salamat." mautal utal na sagot ko sa kanya kasi di parin nag sisink in sakin yung mga bagay bagay. Di pa nga nag sisink in sakin yung mga nangyare kanina, tapos dadagdag pa 'tong bahay ni Tanya.





The Moonlight LilacMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon