09

11 1 0
                                    


"Tita pwede po ba naming mahiram SI Franz?" Nakangiting Sabi ni cherry habang kausap SI mama. Pupunta daw Kasi kami sa tag maliligo ng dagat

"Saan ba kayo pupunta? Sinong kasama niyo?"Sunod sunod na tanong ni mama. Sa totoo lang sinabe ko na Kay mama na maliligo kami ngayon sa tagbirajan at possible na gabi na kami makauwi

"Pupunta Po aiming tagbirajan maliligo" paliwanag ni cherry "Kasama po namin SI laica, atenna, Cyrus, Adelle, SI ate Kyline ,Adi at Jaile po"

" Ah... Okay mag iingat kayo ha! "Sabi ni mama bago kami tuluyang lumabas ng Bahay. Nakita Namin sila Jai, Cyrus na nag aantay sa labas ng Bahay. Dala na Rin ni Adelle ang soft drinks at nag timpla din Siya ng nesty juice favorite daw kase Yun ni laica.

"Asan sila laica?" Tanong ko bigla dahil hindi ko Makita ang babae agad namang ngumiti sakin SI ate Kyline at sinagot Ang tanong ko. Tumango nalang ako. Sa motor ni Cyrus Ako nakasakay at sa likod ko naman ay Adelle. SI cherry Naman at ate kyline ay Kay jai. Unang umandar yung motor namin at nakasunod naman sila.

Tahimik lang kaming nakasakay ng biglang nahulog ang sumbrero ni Cyrus kaya sinuot ko ulit ito sa kanya pero dahil sa lakas ng hangin ay natatanggal parin. "Hayaan mo na Franz" sabi ni Cyrus at tumango naman ako "Grabe makatingin Yung sa likod eh!"

"Sino?" Tanong ko ng biglang may motor na sumingit sa daan kaya Agad akong napatingin. Sinamaan Naman Ako ng tingin ni Jai at nakangiti lang sakin si cherry at ate kyline.Ng nalagpasan na nila kami!Nakasunod nalang kami sa kanila Ngayon.

"SI Jai " maikli niyang Sabi at tumawa Naman si Adelle sa likod.

"Lagot ka mamaya cy kay Jai"asar Naman ni Adelle. At natawa naman ako. Malapit na kami sa mismong lugar at ready na ang camera ko!

"Basta pag na hospital Ako sa bogbog si Franz Ang papabayarin ko ng lahat ng gastos" walang kwentang sagot Naman ni Cyrus agad naman tumawa Ang nasa likod ko

"Sige ako ng magbabayad. Hwag kang mag alala" walang kwenta ko ring sagot. Tumawa naman Silang dalawa. Itong dalawang to may something dati pero siguro nakamove on na rin sila.

Napuno ang byahe ng asaran. Muntik pa ngang matapon ang nesty ni Adelle. Ng marating kami ay na dun na pala sila laica at tina. Wala nga SI loury gaya ng sinabe nila. Bumaba na ako sa motor at tinulungan si adelle na buhatin ang mga soft drinks.

"Franz" agad na salubong sakin ni laica at ngumiti naman ako sa babae "Buti pinayagan ka ni tita!"

"Syempre lakas Ako Kay tita" pagyayabang ni cherry kaya inirapan lang SI ni laica "Di gaya niyo"

Hinila ako ni laica palayo kay cherry " Naiinis ako sa mukhang Yun! "Sabi niya at mukhang naiinis nga ang mga mata niya na nakatingin Kay cherry

"What?" Takang Sabi ni cherry at itinaas pa nito Ang dalawang balikat sa pagtataka nginitiaan kolang si cherry at ngumiti rin siya sakin

"Hayaan mo na" bulong ko "Asan si Aicel at Shella?"pagbago ko ng topic

" Wala eh! Nasa surigao pa sila" malungkot niyang Sabi at umupo na kami sa may upuan.Tumango lang ako dito

"Tama na Ang chika" saway naman ni ate Kyline "May game tayo walang magrereklamo ha! "

" Okay! "Sagot Naman nila at ngumiti Naman si ate Kyline. Lumipat Naman Ang tingin ko kay cherry. Iba na Ang suot niya Ngayon! Naka White croptop na ito at Isang jersey short. Ng tingnan ko naman SI atenna busy lang ito sa pagpipindot ng selpon niya. Inagaw Naman ito ni ate Kyline

"Walang signal dito" Sabi niya at inirapan lang Siya ni atenna "Okay. Kita nyo tong box"

Yes, sa may table ay may red box. Nakalagay Ang kamay ni ate sa may butas nito. Andito nga Pala kami sa cottage Ang position Naman ng set namin ay sa may left side dun nakaupo SI laica, next Naman Ako, si Cyrus at si Adelle. Sa right side Naman ay kaharap ni laica si cherry bago Naman si jai,then si Tina at sa dulo SI ate Kyline.

My Destination is You (JuniorHigh Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon