Habang naglalakad, ayown dumating na nga ang ulan. Wala namang masisislungan dito kasi puro lang highway kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong mabasa.
Hindi rin naman siya ano kasi may street light naman. Ang problema lang ay malalaki ang patak ng ulan kaya ang sakit nito sa balat.
Diretso lang ang lakad ko at hindi pinansin ang mga dumadaang tao. Habang naglalakad, nagulat naman ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod.
Naging estatwa ako sa nangyayari. Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya mula sa leeg ko " I don't wanna lost you anymore franz " bulong niya
Kinilabutan naman ako nang marinig ang boses niya at nakumpirmang siya nga talaga ang nasa likod ko. Di ko mapigilang maiyak. Ayaw niya ulit ako mawala tapos may iba siyang nililigawan?
" Bitawan mo ako Jai " sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya na nakayakap sa akin.
" No. Iiwan mo nanaman ako! " sabi niya " My life is hell without you franz " bulong niya. Ayaw talaga magpatinag ng lalaking to, ang higpit ng pagkakayakap niya.
Naiinis kong tinanggal ang kamay niya at hinarap siya " You know what, you are really nice at acting! " sigaw ko. Patuloy pa rin sa pagtulo ang ulan.
Basang basa na rin siya at ganun rin ako. Di man mahahalata ang luha nito dahil sa ulan pero kita pa rin ang lungkot sa mukha niya. Lalo na sa mata.
" Franz! Alam kong may kasalanan ako dati, pero sa maniwala ka o sa hindi aksedente yun. Lasing ako nun! " umiiyak niyang paliwanag
" Lasing pero ginawa pa rin? " naiinis kong tanong. " Gosh! tanga ka ba? tanga ka ba? "
Sumigaw ako ng sumigaw at patuloy na pinupukpok ang dibdib niya. Niyakap lang ako nito pero tinulak ko siya " Nung araw na yun! Valentine's day " simula ko habang umiiyak na. Di na rin maayos ang paghinga ko sa subrang paghikbi " Iniwan niyo ako! Wala man lang nag stay kahit na isa "
" Alam mo jai, ang bilis2 mo lang sabihin na 'patawarin kita' lapit ka pa ng lapit, at ginugulo mo pa ako! " umikyak kong sabi " Ikaw! "
Sigaw ko habang tinuturo siya " Ikaw nalang nag iisang pinagkakatiwalaan nun! Gusto ko sanang magsubong sayo pero anong ginawa mo? " tanong ko " Nag away kami ni laica dahil sa akin, at namatay si papa dahil sa akin! "
Patuloy lang siya sa paghikbi " Di lang ako nakapunta agad kasi inasikaso si papa may iba ka ng babaeng kasama! At hindi lang kasama, kahalikan pa! sigurado ka bang halikan lang ang nangyari sa inyo noon? " pag aakusa ko " Napaka unfair mo Jai! ang laki ng kasalanan mo sa akin pero ang lakas pa rin ng loob mo na lumapit ng lumapit! "
" May anak kayo ni Shella tapos may babae ka sa bahay mo tapos nililigawan mo ako? Wow ano ba jai! kailan ka ba titino! kawawa naman pamilya mo! " sigaw ko pero tahimik lang ito
" Mabuti pang hayaan mo na ako, wag ka ng lumapit sa akin at wag pakikilaman ang buhay ko! " sigaw ko sa kaniya
" Nagkakamali ka franz " nanginginig niyang sabi
" Ako nagkakamali? Alam mo, ito lang masasabi ko. Mana ka pala talaga kay tito " Tinulak niya naman ako papunta sa mayy dingding.
Kung nagtataka ka yung parang poste lang dun niya lang ako sinandig. Kita ko ang halo halong expresyon sa mukha niya
" Don't compare me to my dad! " umiiyak niyang sigaw. Hawak hawak niya ang dalawang balikat ko
" Bakit? totoo naman ah! mga babaero kayo! " sigaw ko
Nagulat ako ng bigla niyang tinikom ang kamay niya. At isusuntok na ito sa akin. Napapikit nalang ako sa takot,pero wala akong naramdaman na kamao sa mukha ko, kung hindi malakas na tunog lang galing sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
My Destination is You (JuniorHigh Series 2)
RomanceFrancheska Ortega, with her extraordinary beauty, seems like a beacon of light in her surroundings. With every step, she brings joy and love from those around her, regardless of their age or background. She serves as an inspiration to others, a role...