22

12 1 0
                                    

Hindi ako makatulog, kahit ano-ano nalang naiisip ko. Kahit ano ano nalang pumapasok sa isip ko. Bigla namang tumunog ang aking celphone.

3 am na? Anong kailangan ni mamita?

"Hello mamita? " I answer

"Buti naman gising ka pa iska, okay kalang ba diyan? Yung hotel comportable ka ba? " Tanong niya

"Oh yes mamita I am. Yung meeting po pala kanina na cancel may nangyari lang kasi" Sagot ko

Tumayo ako at umalis sa aking kama. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref

"Yeah nabanggit nga sakin ni Rafael iska. Natapunan ka daw ng juice. " Sabi niya at napabuntong huminga. Uminom ako ng malamig na tubig "Nabanggit sakin ni lala na bumisita ka daw kay ate "

"Opo, namiss ko na po kasi sila mommy. Pero hindi naman po ako nagtagal " Sagot ko

"Iska baby, please wag mong iiwan ang mamita mo huh. Minahal na kita, at ngayong tapos ka na sa pag aaral sana hindi mo parin ako iiwan " Nagbago ang boses siya "Please stay on my place "

"I-i will po. Don't worry about it mamita. I will never leave you and papito " Nakangiti kong sagot

"Ahm, sige matulog ka na. " Inend niya naman agad ang tawag.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw.
" Lala" Tawag ko "Where are you? "

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko naman si Lala na nakaupo sa sala with a boy in the kitchen na nagluluto ata. Nakatalikod siya.

"Oww kasama mo pala boyfriend mo lala " Sabi ko. Bigla namang tumingin sakin si lala

"Good morning madam iska. Actually—" Sabi niya hindi natuloy dahil nagsalita yung lalaki.

" Morning Paris " Nagulat naman ako ng humarap siya sakin. Na NAKANGITI!!

"PAALISIN MO ANG LALAKING YAN LALA " Sigaw ko

"Madam si sir jaile po kasi-" Sabi niya hindi natuloy dahil nagsalita ako

"Mr. Monticello anong ginagawa mo dito sa hotel ko? Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng Trespassing? " Tanong ko sa kaniya

"Nagpaalam naman ako sa secretary mo. And also I'm here to be your cook. Hindi ka naman kasi marunong magluto diba" Paliwanag niya

"I don't care. I can buy my food using my money. Hindi kita kailangan. Just GET OUT " Sagot ko

"Pero mas ligtas to kasi ako mismo ang nagluto. " Sagot niya Tinaasan ko siya ng kilay.

Lumapit ako sa kaniya. "Get out " Mahinahon kong sabi. "Please "

"Pero hindi pa ako tapos. "Sagot niya at pinakita ang niluluto niya

" Iwanan muna yan at umalis na dito ngayon mismo kung ayaw mong tumawag pa ako ng guard " Naiinis kong sabi

" Namamaga ang mata mo. Umiyak ka ba kagabe? " Bago niya ng topic at tiningnan ng maigi ang mga mata ko

" Ano ba!! Gano ba katigas yang kulitin mo? Peste ka ba? I said layas na umalis ka na dito. Wala kang pake sakin wala rin akong pake sayo kaya please. " Mabilis kong saad

I really hate him, kinalimutan ko na siya tapos babalik nanaman. Ano ba? Ganto ba ako ka mahal ng universe kaya pinaglalaruan ng ganto?

" Kaya kong mag order or bumili ng pagkain ko. Nakayanan ko ngang mabuhay ng hindi ka kasama diba. Professional na ako ngayon, see. Hindi ka naman kasi kawalan so please lang lumayas ka na at iwan muna ako." Sabi ko at pinipilit na maiyak

Nagbago naman ang ekspresyon niya. Bigla namang may namuong luha sa mga mata niya " Bat ka pa kasi nagpakita? Sana hindi ka nalang lumapit sakin. Nakakainis ka na! Lumayas ka na nga! " Sigaw ko

Hindi parin siya gumagalaw. Unti unti namang tumulo ang mga luha niya sa mga pisnge niya " Anong iniiyak iyak mo diyan? " Tanong ko. At naiyak na rin ako.

Tinulak ko siya papuntang pintuan. Medyo mabigat siya pero ginawa ko parin siyang itulak. "Lumayas ka na hindi na kita kailangan. I don't need you " Sabi ko

Ng nasa harap na kami ng pintuan tinulak ko siya palabas at pumasok na. " Wag ka ng babalik " Sabi ko bago sinirado ang pinto.

Narinig ko naman ang mga hampas niya sa pinto " Paris I'm sorry please. I know na may naging kasalanan ako. Kaya nga andito ako at bumabawi, because I want you to comeback on me. I really miss you " Hindi ko siya pinakinggan.

Nakita ko namang nakatingin sakin si Lala. "Wag mo ng papapasukin ang isang yun " Sabi ko

"O-opo madam " Sagot niya

Pumasok na ako ng kwarto ko. Bigla namang nag ring ang phone

" Ahm hello Rafael? " Bungad ko. Pinunasan ko naman ng tissue ang mga luha ko

" Yung meeting, susunduin nalang ba kita? " Tanong niya

"Ahm. No needed kaya ko na sarili ko. Anong oras nga ulit? " Sabi ko at pinunasan ang luha sa mukha ko "At yung venue? "

"Are you crying? " Tanong niya

"No HAHA I'm not. So saan nga yung venue? " Pabago ko

"I think you need to rest. Do you have problems? " Sabi niya

"Nothing. Ahm see yah text mo nalang sakin yung venue at time "

Hindi ko na hinintay ang reply niya. At binagsak ulit ang aking sarili sa may kama.

My eyes were ewan basta namamaga!! Tumingin ako sa malaking salamin sa aking harapan. How? Pano ako ngingiti nito kung ganto itsura ko?

Subrang maga talaga niya. Halatang galing sa iyak. Ahh!! Puro nalang problema ang dala ng isang yun sa buhay ko.

"Tapos na po kayong magbihis madam?" Tanong ni lala at sumilip mula sa may pintuan ng aking kwarto.

"No,mag re-retouch lang ako kunti" sagot ko at inayos ang sarili.

Nilagyan ko nalnag ng foundation ang aking mukha at para hindi mahalata yung pamamaga ng mata. Mapapagkaman na talaga akong intsik dahil dito.

"By the way madam,yung mga niluto ni sir itatapon ko nalang ba? At mag order nalang ng kakainin mo?" Tanong niya. Napaisip naman ako sa sinabe niya

Ano naman kung kakainin ko yun? Sayang naman kung itatapon. Bilin palagi sakin ni papa ay hindi mag aksaya ng pagkain. Luto niya yun. Kung kinain ko yun baka mag assume siya na kailangan ko pa siya.

Baka magbalik yun pag nabalitaan niya mula kay lala na kinain ko yung luto niya. Malay ko bang may connection na yung dalawa! Omg,nae-estress nanaman ako.

"Keep it. Kakainin ko nalang " sagot ko. Nagpatuloy na ako sa pag ayos sa aking sarili.

"Please don't tell him about it. If may connection kayo or what. I don't wanted to know na may nire-report ka sa kaniya ng tungkol sakin " dagdag ko

"Okay madam" sagot niya at sinara na ang pintuan.

Ng matapos akong mag ayos lumabas na ako para kumain. I started to chew his food. At yung lasa hindi parin nagbabago,halatang luto niya talaga. Tahimik lang naman si lala na pinapanood ako habang kumakain.

"Ba't hindi mo ako sabayan lala" ayok ko agad naman siyang umiwas ng tingin

"Kumain na po ako kanina pa. " Sagot niya. "Madaling araw palang kasi andito na si sir jaile para ipagluto ka madam. At sabi niya mauna na daw akong kumain sayo " sagot niya

Madaling araw pa siya andito? So nagising ako ng 10 tapos hinintay nila akong magising. Impossible namang walang napagkasunduan ang dalawa sa oras na yun. They have a lot of hour to talk on their plans.

" Who's care? " Sagot ko "Pake ayos nalang yung mga papers na dadalhin natin please. Malapit na rin akong matapos dito "

"Sige po madam " nagmadali naman siyang umalis sa harapan ko.

Nagmadali na akong kumain. THAT BRAT!! Anong akala nila sakin uto² hindi niya na ako makukuha kahit kailan. Kahit pa...mahal ko pa siya.

My Destination is You (JuniorHigh Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon