A/N : Last update ko na to, wag kayong magagalit okay? tatlong chapters oa lang kasi nasulat ko kanina. Try ko magsulat bukas. Love yahh
~~~~~
Pagkalabas namin sa hotel, pinasakay niya ako sa kotse niya. Bubuksan ko sana yung pinto sa may backseat pero pinagbuksan niya ako sa upuan sa may front set " Sa backseat nalang ako " sabi ko " Para maayos ang higa ko "
" Ayaw mo sa front seat? " tanong niya. Umiling naman ako, binuksan niya ang pinto ng backseat at ako naman parang reynang pinagsisilbihan na pumasok.
Dumeretso na ako sa paghiga, dahil nga pagod ako ( kunwari lang ) Ba't ba kasi di ako makatanggi sa kaniya?
Maya maya narinig ko naman ang pagpasok niya sa kotse " Komportable ka ba diyan? " narinig kong tanong niya
" Komportable naman ako basta pagod na " sagot ko
Nagsimula na siyang mag drive " Btw nag lunch ka na? " rinig kong tanong niya di ko naman siya sinagot " May mga junkdoods ako sa likod "
" Paano ako makakapagpahinga kung papakainin mo ako? " masungit kong tanong
" Need kasi kumain bago matulog " sabi niya. Btw sa mga naguguluhan, nakahiga po ako, tapos yung ulo ko nakaharap sa may driver seat kung saan siya nakaupo kaya di ko kita ang reaction niya at tanging boses niya lang ang naririnig ko.
" Gosh ang gulo! " tumayo ako at tiningnan ang pagkain sa likod ng sasakyan. May nakita ako dung box at may mga tsitserya at biscuit sa tabi nito.
Tiningnan ko ang laman ng box, may laman tong Yakult at Zes O. Kumuha ako ng yakult at isang junkfood " Kaninong mga pagkain yun? " tanong ko
" Kay Laicel, mahilig kasing kumain yun habang bumabiyahe. Pag naggo-grocery rin ako kahit ano ano pinapabili " sabi niya at ngumiti
Patuloy lang ako sa pagkain, maghilig yung bata kumain ng kumain.
Masyadong tahimik ang biyahe kaya may biglang pumasok sa isip ko " May tugtug ka? " tanong ko
" Meron pero baka hindi mo type yung nga kanta " sabi niya.
" Buksan mo nga " sabi ko at sinunod niya naman. Okay naman yung kanta
" Okay lang? papatayin ko paghindi mo gusto " sabi niya
" Wag, para naman makatulog ako " sabi ko
Nang matapos akong kumain, humiga na ako.
Alas 3 na pala ng hapon. Maganda ang naging idlip ko. Nagising ako na may jacket na nakatakip sa may paa ko. Bumangon ako at nakita ko naman si Jai na mahimbing rin ang tulog. Maggagabi na.
Napaka ayos ng tulog niya. Ang korean style hair niya ay tumatakip sa noo nito. Ganun pa rin ang itsura niya dati pero mas matured na siyang tingnan ngayon.
Nakatitig lang ako sa kaniya at inaaral ang buong postura ng mukha nito. Bigla naman itong gumalaw at nagising. Nag iwas naman ako ng tingin at binuksan ang bintana.
Tingnan ko kung anong meron sa labas. Nasa harap kami ng isang white na bahay. " Evening " bati niya
" Bahay mo ito? " tanong ko, di ko naman nakita ang reaction niya at patuloy pa ring nakatingin sa design ng bahay. Ang galing ng engineer na may gawa nito!
" Oo " sagot niya
" Anong oras tayo nakarating? " tanong ko at tiningnan na siya this time.
" 4:17 " sagot niya. Tiningnan ko naman ang orasan 6:37 na
" Ba't di pa tayo lumabas? " tanong ko
" Tulog ka, ayaw naman kitang gisingin. At ayaw rin kitang iwan kaya natulog na rin ako " sabi niya at kumindat
BINABASA MO ANG
My Destination is You (JuniorHigh Series 2)
RomanceFrancheska Ortega, with her extraordinary beauty, seems like a beacon of light in her surroundings. With every step, she brings joy and love from those around her, regardless of their age or background. She serves as an inspiration to others, a role...