2 | Decision

201 3 0
                                    

After getting off of the bus, I immediately started walking through the peaceful street leading to our subdivision. Mabibilang na lamang ang mga nasa labas marahil sa naging pag-ulan kanina, at habang naglalakad ay agad ko namang kinuha sa aking bulsa ang cellphone ko para matawagan ang mahal na prinsipe.

"How are you? You're already home?" bungad na tanong ni kuya Kai nang masagot ang aking tawag.

"I'm fine. Wala pa, kakababa lang. Naglalakad na papasok sa subdi." mabilis kong sagot, at marahan naman akong tumango sa matandang guwardiya na siyang nagbabantay sa entrance at halos kilala na ako dahil sa madalas kong paglalakad sa subdivision kapag hindi ako nasusundo nila kuya.

"Hindi ka na naman nasundo ng kapatid mo? Umaambon pa naman, ingat ka pag-uwi ha." nakangiti niyang paalala sa akin na siyang ikinangiti ko na lamang, yumukod din ako ng bahagya bilang pamamaalam at saka nagpatuloy muli sa paglalakad.

Matapos ng pangungumusta pa ni kuya Kai at ng ilang sermon dahil nag-paulan daw ako, na siyempre ay nauwi rin sa paulit-ulit na paalalang mag-ingat pauwi, ay agad ko ng ibinaba ang tawag. Natigilan naman ako ng mapagtantong mahina na ang pagpatak ng ulan, kaya't inangat ko ang aking tingin sa kalangitan, sana'y hindi lumala ang nararamdaman ko at baka kaltukan talaga ako ni kuya.

Nang makarating naman ako sa gate ng bahay ay agad kong nakita si nanay na nasa porch habang umiinom siguro ng kanyang tsaa at nakatingin sa kanyang mga paboritong tanim na bulaklak.

"Yzabelle, naku umaambon iha." saway niya ng makita ako, so she hurriedly walked to open the gate and after that ay isinabit niya naman sa aking bisig ang kanyang mga kamay upang alalayan ako sa pagpasok sa bahay.

"Nagpaulan ka ba?" agad niyang tanong sa'kin matapos naming makaupo sa sofa, na siyang marahan na inilingan ko lamang. "Ayos ka lang ba iha?" tanong niya, marahil ay napansin agad niya ang aking pananamlay, inaantok na talaga ako.

"Medyo masakit lang po ang ulo ko pero kaya pa naman po, I'll just take some medicines po after dinner." nakangiting saad ko.

Pagkatapos kong makipag-kuwentuhan ng sandali kay nanay ay umakyat na ako sa aking kwarto upang makapag-pahinga, saglit din muna akong naglinis ng aking katawan bago dumiretso sa aking kama, bitbit ang librong hilig kong basahin ngayon.

Nang maka-ayos ay nagsimula na rin ako sa pagbabasa. Hanggang sa umabot na ako sa parte kung saan ay nagkakabukingan na kung sino ang villain ng story, at kanina pa ako may hinala kung sino iyon, suspicious kasi talaga ang nararamdaman ko sa kanya.

"I knew it!" I whispered as I grinned reading the revelation about the villain's identity, sabi na eh, ipinagpatuloy ko muli ang aking pagbabasa hanggang sa makaramdam na ako ng antok.

Masasamang tingin ang ipinukaw nila sa'kin pagpasok ko sa silid. Ilang bulungan ang aking naririnig patungkol sa akin, na puro patutsada at masasama na salita... anong nangyayari?

"She really did that? I thought pa naman santa-santita siya, turns out freak naman pala talaga." saad ng isa kong kaklase dahilan upang lahat sila ay matawa ng palihim, anong ginawa ko?

"Ms. Juarez, can you please come with me." dinig kong seryosong aya sa'kin ng adviser ko na kakarating lamang, sumunod naman agad ako sa kanya at laking pagtataka ko ng makarating kami sa harapan ng guidance office.

Hemitheos: Eternal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon