25 | Delphine

70 2 0
                                    

Ely's POV

I snap out of my thoughts, when I heard Lein's nagging about Luna's phone that suddenly died while she was talking with the boys on the other line.

"Hello— ay shet lowbat ka na pala Luna. Aish, itatanong ko pa naman sana kung anong hinahanap nila." dinig kong wika ni Lein.

"Let's just talk to them tomorrow. Now, let's move forward." utos sa'min ni Luna.

Mamaya naman, teka lang!

"Ely 'wag kang pumikit, mamaya ka na matulog." dinig kong utos sa'kin ni Avery. Hindi, ayaw ko na, inaantok na ako.

Narito kami sa may tabing kalsada. Kasalukuyan akong naka-upo sa sidewalk habang nakatungo at papikit-pikit na dahil sa antok at pagod. Mag-gagabi na rin kasi at kulang talaga ako sa tulog dahil sa naging byahe. Hindi rin kumpleto ang naging tulog ko kagabi, naiiyamot na ako.

"Shh! I'll be there, five minutes." giit ko, ngunit nagulat na lamang ako ng biglang higitin ni Avery ang aking kamay patayo kaya't wala na'kong nagawa kundi ang sumunod na sa kanila ng tuluyan.

"Halika na, kailangan pa natin libutin 'tong plaza na'to ih!" matinis niyang saad.

Narito na kami sa plaza at talaga namang pagod na pagod na kami kakahanap sa kung sino man 'yung hinahanap namin. Paano ba naman, walang impormasyon tungkol sa kanya, kaya talagang pahirapan!

"I messaged Prof. Fiona, unfortunately they also don't know much details about this person. The code is the only thing they've managed to get from her." ani Blair.

Tuluyang nagising ang aking diwa matapos marinig iyon. So, nakita na nila Prof 'yung babae noon?

"Shuta, bakit naman kasi hindi nila agad hiningi 'yung contact number. Edi sana hindi tayo nababaliw dito oh." nagre-reklamong saad ni Irys. Hmm, oo nga naman!

"It's going to be fine. Let's go na. Mag-libot na tayo, kung wala tayong makita today edi bukas naman." nakangiting saad ni Blair kaya't napa-ayos na ako ng tayo dahil nakakahiya naman, napaka-sipag ng mga kasama ko, tapos ako ganito lang.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad-lakad. Maya-maya pa'y napansin ko naman na medyo malapit sa'kin si Izell habang nag-lilibot kami, nang mapalingon siya sa'kin ay nginitian ko agad siya ng bahagya. Well, gusto ko kasi siyang maging ka-close, nakakausap niya na kasi 'yung iba dahil sa pagkaka-alam ko'y magkaka-kilala na sila noon pa man. Tinanguan niya naman ako bago itinuon muli ang pansin sa paglalakad namin, kaya't napangiti akong muli dahil kahit papaano'y hindi siya masungit.

Halos kalahati na nga ng plaza ang nalilibot namin, at nawiwili na akong panoorin ang mga tao na namimili rito. Madilim na kaya't medyo marami na ring tao na galing sa kanilang mga trabaho at mga estudyanteng kakatapos lang ng klase.

Napalingon naman kami sa gawi ng mga taong nagkukumpulan sa gitnang parte ng plaza.

"What's happening?" tanong bigla ni Luna.

"It's a magic show." sagot ko sa kanya. Karaniwan kasing may mga ganitong ganap dito tuwing gabi, paborito ko nga iyan no'ng bata ako eh.

"Talaga? Tara nood tayo!" aya sa'min ni Avery, aba para namang walang magic effects sa aming buhay at naghanap pa siya ng iba.

"We have no time Avery, let's go. I think I know where we can start." anyaya ni Luna sa'min. Napatingin naman kami sa itinuro niyang tent na malapit sa pinag-gaganapan ng magic show, kapansin-pansin naman ang nakalagay na sign sa itaas nito.

Hemitheos: Eternal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon