40 | The Graeae

74 3 0
                                    

Irys's POV

"Do you think I should stay too?" nag-aalalang tanong ni Blair kay Zero.

"It'll be fine, don't worry we'll be looking after her." naninigurong saad ni Zero.

Ito na nga ang ganap, naghahanda na kami ngayon para sa quest na ibinigay ng Headmistress. Bale, lahat kami'y aalis, well maliban kay Izell at Zero na nag-volunteer mag-paiwan para may magbabantay kay Ely, pero dapat talaga ay si Javi ang maiiwan, pero wala na siyang nagawa dahil sa epek ni Headmistress.

"You are the leader of the Aurum, so you need to make sure that all of you will come back here alive." ayan, 'yan ang sabi ni Headmistress sa kanya. Oh di'ba kabog sa pressure para kay Javi, 'de jok lang.

Hindi niyo na maitatanong eh si Javi ang tinitingala namin bilang isang magaling na leader, oo nga't si Luna ang mukhang mas may potential, pero kapag si Javi ang humahawak ng mga quest ay paniguradong malupit ang kakalabasan. Si Luna na rin mismo ang nagsabi sa amin noon na mayroong kung ano sa masungit na iyon, kaya go lang kami.

Sinigurado muna namin na ayos na ang lahat bago kami tuluyang lumabas, pero nakita ko pa ang sandaling pag-uusap nila Javi at Zero. Uy ano naman kaya 'yun? Eh, bahala sila. So, mabalik na tayo, bale 13 kami ngayon at overseas ang gora namin today. Wondering kung bakit ang dami namin? Well, we just don't want to underestimate this quest, mamaya hindi namin alam this is the end na pala, okray siyempre echos lang.

Alam niyo ba kung anong gagawin namin? Siyempre hindi, para namang ewan, echos.

Ito na nga, ang quest for today's video ay ang maghanap ng tatlong hukluban, jok. Ang hahanapin namin ay ang 'The Graeae'. They were the daughters of the sea gods Phorcys and Ceto, and sisters of the Gorgons. The names of the Graeae are Deino (dread), Enyo (horror), and Pemphredo (alarm), which reflected their ominous nature. Each name was a manifestation of fear and terror, underscoring their role in the myths as harbingers of challenges and obstacles. They are known as the three haggard old sisters in greek mythology, who shared one eye and one tooth among them, and they took turns using their eye and their tooth. Oh di'ba ang dugyot. The eye, as a symbol of knowledge and power, and the tooth, representing age and wisdom, were central to their ability to foresee and influence events.

At ano nga bang gagawin namin? Ito na nga ang next chika. Gustong makakuha ng information ng council about sa mga nangyayari ngayon sa academy, kahit anong information basta may connect sa mga kaganapan ngayon or kung anong puwede naming gawin to prevent future disasters, well desperado na rin kami dahil nakakapagod din ang ganitong set-up 'no.

To be honest we can get naman ng info from the mamsi and papsi of us, ang kaso ay out of coverage nga ang mga magulang namin. I tried to talk to my momsi, but unfortunately wala akong natanggap na anumang senyales mula sa kanya, maski ang mga kasama ko'y nagtawag na rin pero wala talaga. Nalaman naman namin na nakausap pala ni Blair ang mama niya nito lang, pero sa panaginip nga lamang at wala naman talaga silang naging maayos na interaction doon.

So, the academy is really hoping na we can get an info sa matatandang iyon. Well, I am too, is really having a high hope for this quest dahil we don't have any choice, lalo na't ang mismong god of the prophecy ay hindi ma-contact ng kanyang mga junakis.

Nga pala nabalitaan ko 'yung nangyari kay Lein kahapon, nasa grounds kasi ako no'n kasama sila Vera habang nagte-training kasama ang mga familiars namin. Narinig ko kay Blair 'yung ginawa na naman ni Lein sa sarili niya. Oo tama kayo ng basa, dahil ilang beses niya ng ginagawa 'yun sa kanyang sarili. Simula no'ng makilala ko siya ay may instances talaga na siya'y nagiging bayolente, hindi lang sa iba kundi pati sa kanyang sarili. At sa mga ganung panahon ay pati kami'y nagpa-panic dahil sa maaaring mangyari sa kanya, pero with the help of Blair I can say na Lein's much better than before, na nung bata pa lang kami ay aakalain mo talaga na siya'y tao na tinubuan ng init ng ulo, jok lang love ko 'yun.

Hemitheos: Eternal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon