3 | The Day

160 3 0
                                    

Mas minabuti kong hindi mag-alarm kagabi, dahilan upang magising ako ng tanghali ngayong araw. I just want to give myself a break after what happened last night, so I really chose to be asleep 'til this afternoon to calm myself... well, sleeping is my best companion in times like this, stress<sleep.

Hindi man halata pero, excited din naman ako para bukas kahit na... mas lamang ang kaba. I am really looking forward on what's gonna happen to me, lalo na't I'm getting more curious about that academy.

Pagkababa ko sa kusina ay si nanay lang ang naabutan ko. Umalis raw sila kuya Kai at pumunta sa trabaho upang asikasuhin ang ilang bagay para sa kanilang pag-alis... speaking of pag-alis, tsk, magkakahiwa-hiwalay na naman kami.

Habang magana akong kumakain at nakikipag-kuwentuhan kay nanay ay bigla namang may nag-doorbell, kaya't agad siyang tumayo para pagbuksan kung sino man iyon.

"Iha, may ipinadala ang bago mong school." wika ni nanay habang bitbit ang isang magarang kahon, na halos kasing laki ng kahon ng prutas. Ano naman kaya 'yun?

"Pakilagay na lang po d'yan nay, mamaya ko na lang po bubuksan. Tara na po kumain na muna tayo." masayang pag-aaya ko sa kanya.

Nang magpatuloy ako sa pagkain ay hindi ko naman maiwasang matulala sa kakaisip sa mga nangyayari, at sa kakaisip sa iba't-ibang posibilidad na maaaring mangyari sa pagbabagong ito.

"Sa tingin niyo nay, magiging ayos lang kaya ako do'n sa academy na iyon?" mahina kong tanong sa kanya, malambing naman siyang ngumiti bago sumagot.

"Nasa sa'yo naman kung paano mo ipaparanas sa iyong sarili iyan, kung paano mo nga bang talaga mararamdaman na ayos ka lang sa eskwelahang iyon... pero para sa akin ay magiging ayos lang ang lahat para sa'yo," malumanay niyang saad. "Alam kong kakayanin mo iyon, dahil tiwala ako sa'yo iha at base na rin sa mga sinabi ng kapatid mo kagabi ay mas mabuting magtiwala na lang tayo." nakangiting paliwanag ni nanay.

Hoo, nanay is right. It'll be fine, alright exhale na muna nga ako... bukas ko na lang paiiralin ang kaba ko.

Matapos naming mananghalian ni nanay ay agad ko ng hinugasan ang aming pinagkainan. Nagkuwentuhan rin muna kami ng ilang sandali, bago ako umakyat sa kwarto ko dala ang kahon na ipinadala ng academy.

Ano naman kaya 'to? Pagkabukas ko nito ay tumambad sa'kin ang katulad na sobre na inabot sa'kin ni kuya kagabi, at sa ilalim naman niyon ay may mga nakabalot pang kung ano, mamaya ko na lang siguro bubuksan. Binuklat ko naman agad ang laman ng sobre at napag-alamang letter of acceptance pala ang nakapa-loob dito.

 Binuklat ko naman agad ang laman ng sobre at napag-alamang letter of acceptance pala ang nakapa-loob dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

To: Ethereal Yzabelle Juarez

Congratulations! We are thrilled to inform you that you have been accepted as a certified transferee to Eternal Academy, with the recognition of your outstanding academic and personal achievement. We are looking forward to the unique and extraordinary contributions we know you will make to the intellectual and extracurricular life of our academy. We want you to shape Eternal, just as you will be shaped by your experiences here.

Hemitheos: Eternal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon