Irys's POV
"Mami-miss ko kayo mga bes." echoserang paalam ko sa aking mga kasama na papasakay na rin sa dalawa pang inihandang aircraft ng academy.
Nilingon ko naman ang aking bff ng tawagin niya pa ako, "Bes ingat! Pasalubong ha!" sigaw niya sa'kin, at natatawa naman akong tumango. Ma-suwerteng babaita kasama na naman ang crush niya, talagang umuusbong na ang kanyang love life, aasarin ko talaga 'yun pagbalik namin.
Naupo na agad ako pagpasok namin sa aircraft kung saan si Ash ang piloto, yes, marunong siya. Malupit 'yan eh. Katabi ko naman si Lein, tapos 'yung dalawang love birds ay nasa unahan namin. Maiba na tayo, ito na nga ang chika. We're on a quest! To find three people who will help us to rebuild the barrier of the academy, and we are divided into three groups, kasama ko ngayon sina Ced, Avery, Ash at Lein.
We're going to Crete, isang kilalang isla sa Greece.
"You're going on a quest." seryosong saad ni Prof Fiona, kaya't napasinghal naman si Lein dahil doon.
"After what happened we're really going on a quest?!! When can we take some break." dismayadong bulong niya.
Hays, tama siya. Kailan nga naman kami makakapag-pahinga ng maayos. Narito kami ngayon sa opisina ng Headmistress. Nang magising si Ely na kahit hindi pa nakakabawi ng tuluyan mula sa kanyang pagkawala ng malay, ay agad na kaming pinapunta rito upang pag-usapan ang quest na ito, na sa sobrang importante siguro ay hindi na nila hinintay na maka-recover ang bawat isa sa amin.
"I know that all of you are very tired, but this matter is really important. The safety of each one of you is in your hands." ma-awtoridad na wika ni Headmistress, kaya't napatahimik kami lalo. "The administration is still investigating, our lead as of now is that there's really an outsider who entered our academy, and unfortunately they left no trace. This is something new Aurum, and I am sure that what's happening right now is really big and urgent." hindi makapaniwalang dugtong niya.
"Our main defense. The barrier is completely broken, and they might attack again if we don't do anything about that. We have the Orb of Protection and we were supposed to activate that days ago, but we can't," nanlulumong ani naman ni Prof Fiona. "Because we just knew that we need someone who has a connection to Hecate... we need someone who practices sorcery and magic." and because of that she really catches our attention na.
"We have a lead for three people and we already gave them a heads up, so they know you're coming. All you need to do is to fetch them... from Crete, Corinth, and Italy." saad ni Headmistress.
Naalala kong muli ang mga pinag-usapan kanina. Yes kanina lang, dahil gumora na kami kaagad para mabilis kaming makabalik, dahil kailangan na talagang maibalik ang barrier ng academy asap.
Sila Blair, Luna, Crein, Ishan at Vera naman ang pupunta sa Corinth. Tapos sila Izell, Shera, Zero, Ely at Javi naman sa Italy. Si Blaze naman ay nagpa-iwan para tumulong sa pag-paplano ng new construction sa nasirang mga parte ng academy at bilang katuwang na rin incase na may... mangyari ulit na hindi maganda.
Kung walang nangyayaring gulo sa buhay namin ngayon ay masaya siguro ang nararamdaman ko dahil pupunta kami overseas. Ibig-sabihin magaganda ang mga tanawin na makikita namin. Eh ang kaso, shuta naman ang mga happenings, ewan ko ba kung nangti-trip o ano eh. Parang mga sabog, sila kaya pasabugin namin, tingnan natin kung anong mararamdaman nila.
BINABASA MO ANG
Hemitheos: Eternal Academy
FantasyHemitheos Series #1 𝐇𝐞𝐦𝐢𝐭𝐡𝐞𝐨𝐬 - halfgod, demigod, offspring of a deity and a mortal. ↫♾↬ Set in a highland area of the city, obscures an impressive academy, a hidden treasure with an inviting beauty and wonders that flows from within. 𝐄𝐭�...