43 | Titanomachy

38 2 0
                                    

Ngayong araw ay medyo nahuli na nga ako ng gising dahil mukhang napa-sarap ang naging pagtulog ko, lalo na't sobrang sakit pa rin ng aking katawan mula sa naging activity kahapon. Nararamdaman ko pa nga ata ang mga naging suntok ni Ced, grabe rin talaga ang isang 'yun eh.

Tsk, and I'm really not in my best today thinking that I'm down again to zero for still not having my abilities back. 

Nakatulala nga lamang ako rito sa hapag habang tinutulak-tulak ang aking pagkain at pinapakinggan ang kaliwa't-kanang kuwentuhan ng aking mga kasama. Umagang-umaga ay para na akong pinagsakluban ng langit at lupa, habang itong mga 'to ay punong-puno talaga ng energy.

Hindi ko alam ngunit wala rin talaga akong ganang kumain kaya kanina pa ako pamuni-muni lamang dito.

Napa-angat naman agad ako ng tingin sa aking katabi na si Irys nang bahagya niyang tapikin ang kamay ko. "Beh, anyayare sa'yo? Kanina mo pa ginaganyan 'yang pagkain mo. Keri pa ba?" nag-aalala niyang bulong sa'kin.

"Masakit lang likod." maiksi kong sagot at saka uminom ng aking kape.

"Sameee. Pa'no ba naman ang bongga kasi ni Lein kahapon, parang hindi friendship eh. Ano ba ako? Punching bag?" pagku-kuwento niya habang minamasahe ng bahagya ang kanyang kanang braso.

Napa-iling na lamang ako sa kalokohan niya habang patuloy na nakikinig sa usapan nilang lahat.

"So, it's ten years right? That's actually cool and terrible for some huh." pahayag ni Zero tungkol sa nagtagal na sampung taong digmaan sa pagitan ng mga gods at titans.

At dahil umabot na kami noong nakaraan sa lecture tungkol sa mga iyon ay ito na nga ang naging usapan nila ngayong umagahan, lalo na't mamaya sa history ay iyang parte sa digmaan na rin ang magiging klase namin.

"Well, they're an above being among us. So, the concept of terrible is not on their vocabulary." sarkastikong sagot ni Lein.

"Ay nakaka-shunga rin minsan ang topic na 'yan eh, sampung taon ba naman. Ang tatag lang." natawa naman kami nang mag-komento si Irys.

Nang matapos ang lahat sa pag-aalmusal ay bumalik naman muna ako sa aking kwarto dahil may trenta minutos pa palang natitira bago ang history namin.

At nang makita ko nga ang aking kama'y parang gusto ko na lang bumalik sa pagtulog dahil napapagod talaga ako.

Pabagsak akong nahiga at tumitig sa kisame ng aking kwarto. Napapatanong na lamang ako sa aking sarili sa kung ano bang meron nitong mga nagdaan at mukhang pagod na pagod na ako sa buhay.

Sa tingin ko nga'y ito na 'yung epekto ng pagkawala ng aking ability. Nasabihan naman ako ni doktora na malaki talaga ang magiging pagbabago ng aking katawan matapos nang nangyari, lalo pa't nasanay na rin daw ako sa aking ability kaya't ngayo'y talagang naninibago na naman ang sistema ko.

Pabago-bago ha, nakakapagod.

Napansin ko ngang bumalik sa dati ang lagay ko, kung saan mas mabilis talaga akong mapagod at masaktan kumpara sa mga panahong nag-eensayo ako ng aking abilidad. Kaya pakiramdam ko tuloy ngayon ay para akong nagbalik sa aking naging buhay sa mortal realm, tsk.

Bumalik lang talaga 'tong lintik na lakas na'to maghahalo talaga ang balat sa tinalupan kapag nagkaharap-harap ang lahat, lalo na iyang traydor na 'yan, lintik lang ang walang ganti.

Maya-maya nga'y isang katok galing sa labas ng aking kwarto ang bumasag sa aking pag-iisip kaya't agad naman akong tumayo at pinagbuksan kung sino man iyon.

Tumambad ang pagmumukha ni tuod na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa na agad kong tinaasan ng kilay. Itong lalaking 'to, parang sa kada araw na lang na ginawa ng mga nasa kaitaasan, hindi na ata mawawala ang matahin niya ako na para bang ka-judge-judge ang buo kong pagkatao.

Hemitheos: Eternal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon