42 | Hide and Sneak

39 2 0
                                    

Tahimik lamang akong nakikinig sa mga kuwento ni Blair habang naka-angkla sa'kin ang kanyang mga braso. Pakiramdam ko nga ay sinusumpa na ako ni Blaze dahil ako na naman ang kadikit nitong girlfriend niya.

To sum up the happenings, tatlong araw na ang nakakalipas simula nang magising ako mula sa aking pagkakahimlay, at sa mga lumipas ding araw na iyon ay wala namang masyadong intense na mga kaganapan. Sa isipan namin ay balik normal lang ang lahat, kahit na alerto pa rin talaga kami sa maaaring mangyari.

Patuloy pa rin naman ang mga klase na kahit papaano'y nakapag-papagaan sa loob ng mga estudyante, ngunit kaakibat niyon ay mas naging doble pa ang pagbabantay lalo na't wala pa ring depensa ang akademya, because I also heard that the orb can only be activated by the end of this month, which is also the day of the first lunar eclipse of this year.

So much for a coincidence right?

Medyo malapit na rin iyon, that means there's so much to prepare in case something unexpected happens.

It's already second of the ber months now, and the others told me that Blair's birthday is on the 29th, which is two days before the eclipse and the academy's founding anniversary. I just really hope that she can spend her debut in peace, because this girl really deserves to be happy no matter what.

Nasabi rin nila sa'kin no'ng isang araw kung anong nangyari sa naging quest nila, medyo nakakapang-hinayang nga na hindi kami nakasama nila Zero at Izell sa Turkey, kung saan nila pinuntahan 'yung The Graeae.

Na-ikuwento rin nila 'yung tungkol sa parang propesiya na sinabi ng mga iyon sa kanila, at talagang nakadagdag nga iyon sa isipin ng bawat isa sa amin, ngunit ngayo'y sigurado na talaga kami na maaaring magpatuloy pa ang mga kaganapang ito.

Kasalukuyan ngang kasama ko itong lovebirds ngayong hapon dahil nanggaling kami kay doktora para sa checkup ko. At imbes nga na ako 'yung dapat na maging third wheel ay mukhang naging si Blaze pa, na siyang nasa tabi nitong isa at masayang nakain ng ice cream niya.

Magmula kasi nung araw na magising ako ay napansin ko na ang mas pagiging paladikit sa akin ni Blair na wala namang kaso sa akin, dahil alam kong sobra na ang pag-aalala niya sa mga nangyayari.

Makaraan ang ilang sandali ay bahagya naman kaming natigilan matapos marinig ang bulungan ng mga estudyante sa paligid.

Nang tingnan ko ng maiigi kung saan sila nakatingin ay tyaka ko lang napansin ang maliit na pagkakagulo sa grounds, kung saan naroon ang isang babae na marahas na dinuduro-duro sa balikat ang isa pang babae, ano namang nangyayari dun?

"That's Max right?" tanong ni Blair kay Blaze na tumango naman. Max? Ah! Iyong babae na minsan akong nabangga nung unang araw ko rito, at mukhang ngayon ko na lang ulit siya nakita, kung saan nagpapaka-maldita na naman siya sa isang kawawang estudyante.

"Oh, hindi ba't iyon naman 'yung pinsan niya?" pagtukoy naman ni Blaze roon sa itinutulak-tulak, what the heck? pinsan niya 'yun, bakit niya naman ginaganun?

Mukhang pamilyar nga iyong babaeng kawawa, siya iyong isa sa kasama rin niyong Max no'ng ako'y mabangga nila.

"I told you to stay away from me, you stupid! Don't you ever come near me again." dinig naming sigaw niya sa kanyang kaharap at saka iyon itinulak dahilan upang ito'y matumba, tapos tyaka siya tuluyang umalis, at naiwan doon iyong babae na maluha-luha habang pilit na iniiwasan ang tingin ng mapang-husgang mga tao.

At dahil nga ang kaibigan ko'y nuknukan ng kabaitan ay agad niya iyong nilapitan, kaya't kibit-balikat na lang kaming sumunod ni Blaze.

Nang makalapit ay marahan niya itong tinulungan na tumayo habang tinitingnan ang mga taong nag-bubulungan sa paligid, kaya't maya-maya pa'y nagsi-alis na rin naman ang mga ito ng makita kung paano sila tingnan ng anak ni kagandahan.

Hemitheos: Eternal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon