32 | Explosion

59 3 0
                                    

"Thank you po, Doc Celine." matapos kong magpa-salamat kay doktora ay agad na akong pumasok sa kwarto ng apat na batang naririto.

Mag-isa lamang ako ngayong araw dahil may kanya-kanyang agenda kami ng mga kasama ko. Ngayon nga lamang ako muling naka-bisita sa mga bata at mabuti na lang ay weekend naman na. Nang maka-usap ko si doktora kanina ay nasabi niyang hindi pa raw dini-discharge ang mga bata dahil under observation pa ang mga ito lalo na't wala pa ring progress sa regaining ng memories nila. Wala pa ring idea or any background man lang ang health dept sa nangyayari sa mga ito, unusual daw na ganito ang naging resulta ng nangyari sa kanila kaya mas lalong nilang pinu-pursue ang case ng mga ito.

Nang makapasok ako sa loob ay sumalubong agad sa'kin ang tatlong batang naglalaro sa sahig, habang 'yung isa ay nasa kama niya at tahimik na nagbabasa ng libro.

"Ate Ely!" masayang bati sa'kin ni Yara at Trisha, kaya't napangiti naman ako ng bahagya, lalo pa't uluyan silang lumapit sa'kin at saka parehas akong niyakap, na siyang ginantihan ko sa pamamagitan ng paggulo ng bahagya sa kanilang mga buhok. Napatingin naman ako kay Pablo na nasa tabi nila na siyang nakangiti sa'kin habang kumakaway.

Inabot ko naman sa kanila ang dala kong dalawang paper bag na puno ng luto nila Avery at Vera sa dorm, kaya't hinayaan ko na silang pag-kumpulan ang mga laman niyon. Tahimik ko namang nilapitan ang batang busy sa kanyang sariling mundo. Naupo ako sa paanan ng kama niya at saka siya pinagmasdan, at talagang mahahalata mo sa kanya na tila wala siyang pake sa mundo, ngunit napapansin ko pa rin ang manaka-nakang sulyap niya sa kanyang mga ka-edad.

"You should join them, I brought some food that your ate Avery and Vera made." saad ko habang nakatingin sa sinusulyapan niya.

Ibinaling kong muli sa kanya ang aking tingin at naroon na naman ang seryoso niyang postura na tila ba'y mas matanda siya kaysa sa'kin.

"What are you doing here?" seryoso niyang tanong.

Psh, wala man lang ate, grabe naman.

"Ate, what are you doing here... po." pagtatama ko sa sinabi niya, ngunit inirapan niya lamang ako na siyang ikinangiti ko na lang.

Natatawa kong kinuha sa kanya ang librong binabasa niya at saka ito ipinasok sa maliit na tukador na nasa gilid ng kanyang kama.

"Mamaya na 'to. Kumain ka na bata." anyaya ko sa kanya.

Matapos niyon ay lumapit na akong muli sa iba pa na nag-tipon sa coffee table na naririto, at pa-ikot silang naupo sa sahig habang inihahanda ang mga tupperware ng pagkain. Tumulong na rin ako sa mga bata habang patuloy na nakikipag-kulitan sa kanila. Napangiti na lang ako ng mapansin ang paglapit nung isa na siyang naupo sa aking tabi. Nang maka-ayos ay hinainan ko na rin sila ng mga putaheng naririto at sabay-sabay kaming nagsi-kain, s'yempre isinama ko na ang sarili ko, dahil hindi pa ako nagu-umagahan. Nagsimula naman silang magkuwento ng kung ano-ano, lalo na ang tungkol sa kanilang excitement na makalabas na upang pumasyal sa buong academy.

"Gusto ko na po talagang lumabas. Miss ko na po ang dorm ko ate." kunwaring naiiyak na reklamo ni Yara habang tumatawa.

"Ako din po gusto ko ng lumabas, hindi pa po namin nakikita ng maayos ang academy eh." ani naman ni Pablo.

Maya-maya pa'y tinanong ko naman 'yung tatlo kung ano bang mga nilo-look forward nila sa magiging karanasan nila rito.

"Makikipag-interact po sa iba pang ka-edad namin dito! Excited na po akong magkaroon ng marami pang friends." mabilis na sagot ni Pablo.

"Ahm— siguro po 'yung mga classes na gagawin namin." nahihiyang bulong naman ni Trisha.

Napatingin naman ako dun sa isa sa paghihintay sa kanyang magiging sagot. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, mukha kasi siyang timang dahil para bang sinasabi ng ekspresyon sa mukha niya na bakit siya kasali sa pinag-gagagawa ko. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay at ang loko ay sinamaan naman ako ng tingin.

Hemitheos: Eternal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon