Marami sa'tin ang nakaranas na ng hindi maligawan since Birth. Masakit yun, sagad sa Buto hanggang sa Bone Marrow. Pero hindi ka nanghihinayang kasi alam mong darating rin yung taong karapat dapat sayo. Yung The One who will love you untill Death. Ako si Aika, 4th Year College sa Kursong Tourism and Hospitality Management. At tama ang hinala niyo, ako ay isa sa mga taong hindi pa naliligawan since BIRTH. Ay hindi pala may naging Boyfriend ako kaso iniwan ako so I don't treat him as my Ex noh! -.- Iniisip niyo siguro na ang pangit ko, bungi, payat o kung ano-ano pa, pero, mali kayo. Maganda ako na walang ibang ginawa kundi mag-aral at tumambay sa library habang pinapakinggan ang tunog ng bawat pag-lipat ko sa pages ng libro ko. Sobrang Popular ko kaya.. kaso sa Library lang umipek yung ganda ko. 11am na nung naglalakad ako papuntang School. Maaga pa dahil 2pm pa naman yung klase ko. Naisipan kong pumasok ng maaga dala-dala yung makapal kong libro at suot yung Uniform kong sobrang Ikli ng pagkakatabas >.< . So ayun na nga dumiretso ako sa Mcdo para bumili ng Lunch dahil tinatamad akong magluto lalo na't wala yung Dorm-mate ko. Um-order na ako at naghanap ng mauupuan. Lunch nun kaya sobrang haba ng pila. Paakyat na ako sa taas nung mapansin kong puno rin pero at the same time nakahap rin ako sa tig-apat na table.
Oh my! Ang gwapoooooo! tinignan ko nalang yung lalaking paparating at ang hinala ko sa table ko siya pupunta. Woaaah over my dead georgeous body!
At ayun na nga totoo yung hinala ko. Napansin ko ring tinititigan niya ako at napapalm face nalang ako. Napansin ko ring tinititigan niya na yung lips ko. At ako naman, patay malisya pa'rin. Kunwari nagtetext HAHA. Tapos na ako that time nung biglang nagkatinginan kami. Siyempre nginitian ko. Ang gwapooo. Singkit yung mata, ang tangos ng ilong, ang puti niya, matangkad at ang labi niya?! Parang buble gum ang sarap halikan! At pagtingin ko sa Uniform niya. Same school kami! Eng. nga lang sa kanya. Nanlumo at bumagsak nalang bigla yung mundo ko nang magsalita siya. Halos gusto ko ng halikan yung table pero masyadong O.A.
Uy! Gurla! Ang ganda ng kulay ng Lipstick mo no? Bagay sayo Hihihi.
S---alamat! Yun nalang yung nasabi ko sabay baba. Hay Sayang!
Sa Lover's lane ng School ako dumaan kasi minsan konti lang yung tao dun. Quarter to one na naman kaya pumasok na ako. So after ng discussion, grinoup kami ni Sir at Punyeta! Napunta sakin yung Lintik kong Classmate! Kumukulo ang dugo ko sa taong to!
FLASHBACK :And it goes this way.. There's this guy, your typical Bad Guy. He walks arrogantly and talks boastfully with his tropa. Arrrg sarap upakan kung tomboy lang sana ako. He plays basketball well. He's into making girls cry and cutting classes to play Clash of Clans or tagay/yosi. Swear! hindi siya yung tipo ko! Nagtetext naman siya sa'kin pero di ko feel replyan (napapaisip pa ako kung san niya nakuha yung number ko).
Nagkakatinginan kami minsan pero ang sarap niyang suntukin dahil sa sobrang yabang ng aura. Yung ngiti niya palang is gusto mo nang ibato yung high heel mo sa mayabang niyang mukha!
Fast forward..Naging classmate ko siya sa ilang subjects and pati sa klase namin ay pasikat si Kumag. Hindi ko gusto yung sasagutin nalang niya yung Instructor sarcastically. Then one time, may group activity kami and nigroup kami ni sir. Guess what? Kagroup ko siya and no choice ako kundi makipagplastikan sa kanya kesa naman wala akong maitulong sa group. Inaabot kami ng gabi kaya minsan sa Mcdo na kami nagdi-dinner. Then one time nag-truth or dare kami. Nasakto sa kanya at tinanong siya ng classmate namin..
Non Verbatim
C: May pag-asa bang magseryoso ka sa babae?Akward silence and nakatitig lang siya sakin. Patay malisya naman ako, kunwari nababasa ng messages. Ano ako hilo? Nakakahiya kaya noh! Pero yung totoo, hinihintay ko sagot niya.
Him: Meron, kung may babaeng magpapaseryoso sakin.
(Nakatitig pa rin)After ng 8months na panliligaw niya sakin, Sinagot ko siya. Binibigyan niya ako ng bulaklak. Kumakain kami sa labas and nag sstar gazing pa kami minsan habang magkatabi. So ayun nagbago siya. Masaya lang kami. Kakain ng Ice Cream tapos meron pa nung may ice cream pala sa lips ko, pinunasan niya. Ang sweet, yung wala kang prinoproblema. Yung inspired kang pumasok araw-araw. Bumibisita siya sa Dorm ko, minsan yung Dorm-mate ko na nga yung kinikilig. Pero after 1 year and a half months he left me nalang hanging. Ang hirap mag move-on nung mga panahong iyon. Mahal na mahal ko na siya e. Sabi ng parents niya pumunta siya ng Canada para dun mag-aral. Iyak nalang ako ng iyak. Hindi ako pumasok for almost one week. Kinocomfort naman ako ng Parents niya kaso hindi ko talaga kaya dahil pati parents niya ay ayaw niyang sagutin pag tumatawag. So ayun Break na kami. Nag move-on ako, kinalimutan ko siya and nagfocus sa pag-aaral. Tapos 1 time nalaman ko nalang na bumalik na siya sa Pilipinas para dito na ulit mag-aral. Kinausap niya ako para mag-sorry. Umiyak ako nun kasi nandun pa rin yung pain nung iniwan niya ako. Nag explain siya. Sinabi niya na marami daw siyang problema ganito ganyan kaya nag-states siya. Pinatawad ko naman siya but Starting never again. Hindi ko na siya binalikan.
So back to the topic..
Gagawa kami ng Short film kaya kailangan ko na namang pansinin ang kumag dahil siya ang magrerecord ng video. Plastic, plastic lang ganun. So naging leading man ko yung crush ko si Mac. Siyempre alam ko nagseselos si Rudolf (yung walang hiyang ex ko but i don't treat him my ex, I called lang char!) We start taping minsan, sa mall ginagawa naming Airport HAHA. Sa labas lang naman. So after nung shooting nagcoffee kami sa Starbucks. Treat ni Mac kaya Nainlababo na naman ako sa pagiging Kind niya. One hundred Fifty yung isang baso Oy! at sampo kami. Wala lang nagtatawanan lang kami, minsan nagkakatinginan kami pero hindi ako nag-iisip ng kung ano kasi alam kung Friend niya lang ako. Hanggang sa tinanong siya ni Rudolf bigla. Siyempre kinilabutan ako.
Him: Bro may girlfriend ka na? (tapos tinignan ako ni Rudolf) kinikilabutan pa rin ako kasi parang iba yung nararamdaman ko.Mac: Wala nga Bro. Still searching parin. Sagot niya habang nakangiti. Ako naman nabuhayan ng Litido sa katawan dahil Single pa yung crush ko *Landi*. Napaisip ako kung bakit natanong yun ni Rudolf. Bakla ba siya? Haay Nevermind. Natapos yung taping mag-mimidnight na. Ang bilis noh? Kasi may cooperation. Wala lang hanggang tingin lang ako kay Mac. Kasi naman ang manhid niya. Pakiramdaman mo naman yung Feelings ko Please. *tugdug.tugdug.tugdug* HAHA.
------------
Huwag niyo po sanang kakalimutang magvote o magcomments for some reactions. Sa isang vote niyo po, masaya na po ako dun. Salamat HAHA. :) Wala pa po sanang BASHERS please ;*