We are Couples :)

1 0 0
                                    

After ng four years na paghihirap ko, napadalhan na ng invitation si Mama at Papa. Sa wakas makakapagmartsya na ako. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magtatatalon sa tuwa. After kong mag OJT sa Cebu Pacific. Sa wakas ay successful ito.
After 5 years
Natanggap ako sa isang malaking airlines sa Korea. Dun na ako titira dahil mas mapapadali yung trabaho ko dun. Ganun din si Annie pero sa Autrallia niya piniling magtrabaho kasama ng boyfriend niya. Oo yung boyfriend niya, si Rudolf. Correction! Kasama ko din yung Boyfriend ko and soon to be my Husband :)
Flashback:

Katatapos lang ng graduation. Nagdecide kaming magkaroon ng blow out party, same group pa rin. So excited ang bawat isa para dun. Sabay kami ni Annie na pumunta sa Salon bilang regalo na rin sa sarili namin. After ng curly curly and rebond rebond, natapos din. Dumiretso na kami sa venue. Nandun na lahat sila. Pati si crush na sobrang gwapo sa suot niyang coat and tie na nagpahala talaga aa maskulado niyang katawan. Oh my! Nandun din si Rudolf na medyo naiilang pa rin dahil dun sa nangyari. Pinapansin ko naman siya, nginingitian hindi nga lang madalas dahil shy type nga ako char! Nag-start yung party till midnight na at lasing na yung iba. Nagdecide na silang umuwi. Siyempre naiwan ako at si Annie. Si Rudolf kahit lasing na lasing andun pa rin nag-uusap sila ni Annie.
Samantalang ako? Forever alone!
Nagulat naman ako nung lumapit sa'kin si Mac.
Siguro Aika. Panahon na para magtapat ako sayo. *linapit niya yung mukha niya* konting dikit na nga lang magpapalit na kami ng mukha sa sobrang lapit. Naamoy ko rin yung hininga nya. Amoy alak pero mabango pa rin :). Kinikilig ako. Ewan ko kung ano yung sasabihin ko. Naiihi na naman ako lol. Gusto kong tanungin siya ng aneyen? Pero nahihiya ako.
Alam ko na yung tinatago mo Aika. (nakangiti lang siya sakin habang nakatitig.)
Parang gusto kong lamunin ng lupa at iduwal nalang pag wala na si Mac. Maghad! Sagad hanggang Kuko ang kalandian ko.
Siyempre sumagot naman ako. Baka kasi mahalata niya.
A: Huh? Tinatago? Wala naman akong tinatago e. (nakatingin lang ako sa side)
S: Kunyari ka pa . Alam ko kaya yung ginawa mo nung gabing uminom tayo kasama ng mga kagroup natin.
Halos magdadadasal na ako sa mga Santo. Nag umpisa na rin akong magdasal ng Apostle's Creed . Hindi ko alam pero parang nakakain ako ng bato tapos naipit sa lalamunan ko. Siyempre nagets ko naman na yung gusto niyang sabihin. Nauutal ako. Hindi ko kayang magsalita.
Sobrang nahihiya ako. Nahihiya ako sa Kagagahan ko. *landi*.
Pinagtakpan ko pa rin yung sarili ko. Ayokong mabuko noh? Nakakabawas dignidad yung ginawa ko. Babae pa naman din ako.
A: Hindi kita magets. Ginawa..? W-w-wala akong ginawa nung gabing yun.
S: *nakangiti pa rin* *tapos linawakan pa rin niya yung ngiti niya* Yung tungkol sa baso at kutsara ko. *tumawa siya* Oh my ghesh. Gusto ko ng kainin ng lupa ngayon. Hindi ko alam pero nanginginig ako. Wala akong masabi. Nakakahiya talaga. Pero pano niya nalaman? Sure naman ako na tulog na siya nung ginawa ko yun.
A: Huh? Kutsara at baso? P-pp-ero nakakahiya Mac. I'm sorry kung nagpakagaga ako nung gabing yun. Lasing lang ako at wala pa akong First kiss kaya ko yun nagawa. *paawa epek*
(Nakatingin pa rin ako sa side pero alam kong nakatingin pa rin siya sakin)
Siya: Okay lang. Naiintindihan ko naman eh. (Hinawakan niya yung right shoulder ko. Minsan kasi mag-ingat ka sa mga ginagawa mo. Buti ako lang yung nakakita. *tumawa siya*
A: P-ppp---pero pano mo nalaman? As in pano mo nakita? Nauutal pa rin pero nanguna yung curiosity ko. Maghash! Naloloka ako ng Bongga dito sa Sitwasyon ko ngayon. Parang gusto kong tawagin si Annie para umuwi na pero ewan ko kung ano yung pinag-uusapan nila ni Kumag!
S: Aika, nagpakabit ako ng CCTV sa lahat ng parte ng Condo ko for security. Except lang sa CR dahil for privacy din. Hindi ko naman alam na, gagawin mo yun. Napanood ko yun kinabukasan sa phone ko dahil connected lahat ng camera's dun. Hindi ko nga akalain e. Hindi ko alam kung may gusto ka sa'kin o ano. Suspetsya ko nga noon, baka crush mo ako. *napangiti siya*
A: Dahil sa hindi ko pag-iingat. Eh di eto? Nahuli ni Mr. Adonis ang kagagahang ginawa ko. Sorry Mac. "Ngumiti ako"
S: May gusto ka ba sakin? *seryoso na siya*
Kinilabutan na naman ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko din sa kanya na... Oo mac, gusto kita since nung Second year pa lang tayo. Ang gwapo mo kasi e. Pero hindi ko masabi. Tanging Oo lang yung nasabi ko. Nagtapat din ako dahil ayoko namang sa huli magsisi ako na sana nagtapat nalang ako noon. Tapos iiyak na naman ako. No.. no.. no.
S:* ngumiti siya* Ewan ko pero iba yung expression ng mukha niya. Gusto rin kita Aika. Noon ko pa gustong magtapat ng feelings sayo pero natatakot akong mabusted. Ang sungit mo kasi lalo na kay Rudolf kaya natakot akong ligawan ka.
Ang saya ko. Sobrang saya. Naalala ko tuloy nung nagtapat si Rudolf ng feelings niya sakin pero ibang-iba yung nararamdaman ko ngayon. Alam kong mahal ako ni Rudolf pero mahal ko si Mac at ayokong pakawalan pa siya.
Bago pa ako magsalita. Mac gave me a Passionate kiss and I liked it. Sa wakas! Noon sa baso at kutsara ko lang to pinangarap pero nagkatotoo. Ang lambot ng labi niya. Ang bango ng hininga niya. Walang privacy privacy nung time na yun. Basta ang alam ko masaya ako ngayon kasama yung pinakamamahal ko.
Umuwi kami ni Annie ng masaya. Ewan ko din kung bakit masaya rin tong babaitang to. Nagtext si Mac ng Goodnight Baby kaya mas lalong kinilig na naman ako ng Sobra Char!

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon