First Kiss ko si Crush.

2 0 0
                                    

After nung klase namin sa umaga, hindi na kami pumasok sa 2pm class dahil nagkayayaan kaming magkakagroup noon sa Film na uminom sa condo ni Mac. Siyempre ako naman tong si Gaga. Go pa rin ng go kahit na pinilit ko pa si Annie para sumama sa'kin. Siyempre expect na kasama si Rudolf dun. Sampo kami. 6 na Babae at 4 na lalaki. So kumuha na sila ng Tanduay Ice sa Ref ni Mac para makapag-umpisa na. Oh diba? Tanghaling tapat! HAHAHA. Inabot kami ng gabi dun at yung iba nakatulog na. Pero hindi pa rin nakakatulog si Mac. Ewan ko nga e. Pero nung tinanong ko siya, hindi pa naman daw siya inaantok. Nagoffer ako kung gusto niya ng water at ice cream at Oo naman yung sinabi niya kaya pumunta ako sa Kitchen niya para kumuha ng tubig at ice cream. Pagkatapos niyang kainin nakatulog naman na siya. So ako parang baliw that time at parang may espirito ng baliw na sumapi sakin. Naisip ko. Wala pa akong First kiss dahil hindi pa ako nahahalikan ni Rudolf nung kami pa. Minaintain ko kasi yung Virginity ng Lips ko pero sa pagkakataon ngayon, parang sinayad ako at may kagagahang pumasok sa isip ko. Tinignan ko kung tulog na yung iba at for sure tulog na talaga sila. Pumunta ako sa Kitchen bitbit yung baso at yung kutyarang ginamit ni Mac. Inamoy ko yun, ang bango as in! Dinilaan ko yun at pinasok yung exact na naipasok sa bigbig niya kanina. Ewan ko kung lasing ako pero tinuloy ko pa rin yung kagagahan ko. After nung kutsara, isinunod ko naman yung baso at tinapat sa mismong nadampian ng mga labi niya. After kong masakto, ininom ko lahat ng natirang tubig kanina nung uminom siya. Emeghed nabaliw ako ng 1 night pero hindi ko pinagsisihan dahil atleast mga ate at kuya! FIRST KISS KO SI CRUSH. Kahit hindi lips niya atleast may saliva niya. Parang ganun rin lang naman pag true kiss kaya kahit nagpakagaga ako, Push na lang HAHA. Yucky man pero ang gwapppoo niya eh. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, baka pati sipilyo niya hindi niyo palalagpasin, Char! Natulog akong may ngiting napakalawak. Sino bang hindi liligaya diba? Yung pagpikit mo sa mga mata mo naalala mo yung mga ngiti niya. Back to Reality. So ayun natulog na ako dahil midnight na at bawal sakin ang magpuyat.
--------------

Ang aga-aga pa nung nagising kami para umuwi. Hula ko mga 4am pa lang. Di 4hours lang yung tulog ko. So bumangon na kami dahil nakakahiya naman kung abutin pa kami ng Breakfast dun at asikasuhin pa kami ni Mr. Adonis. Nauna na kaming lumabas ni Annie nung nasalubong namin si Mac.
Maayos ba yung tulog niyo? Tanong niya sa'min.
Ah Oo nakatulog ako ng mahimbing. Sagot ni Annie. Ikaw Aika nakatulog ka ba ? Tanong ulit ni Mac.
Ah- e Oo napasarap nga yung tulog ko. Sabay ngiti sa kanya.
Napatawa naman siya kaya nawirduhan kami ni Annie.
Ah ganun ba. Ang saya mo siguro kagabi sabay tapik ni Mac sa kaliwang braso ko.
Patay malisya naman ako at ngumiti nalang sabay nagpaalam at lumabas na para umuwi. Buong araw, wala akong ginawa kundi mag-isip ng mag-isip kung bakit ganun yung itinanong niya sa'kin. Posible bang nakita niya yung ginawa ko? Woaaah hiyang-hiya ako pag totoo nga yung hinala ko pero sigurado naman akong tulog na siya kagabi nung ginawa ko yun. Ang gaga ko kasi e. Bat ko ba ginawa yun. Pero kung nakita niya man, pano ako mageexplain ne'to?
Baka dahil dun hindi niya na ako pansinin o kausapin man lang. Ano ba tong pinasok mo Aika. Napapa-palmface nalang ako dahil dun. After ko namang mag-isip ng mag-isip, sinabi ko nalang sa sarili ko na Nevermind, don't think of it! Kaya mo yan. Think of happy moments. So pagkatapos nun hindi ko na binalikan yung moment na yun pero pilit pa ring nagsisink-in sa utak ko yung mga katagang "FIRST KISS KO SI CRUSH" Hihihihi.
#HARTHART ♥♥ .
@J.E.

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon