Remembering Kumag!

0 0 0
                                    

You broke-up. You move-on. Ganun naman talaga e. Pero merong mga araw na magsisink in pa rin yung mga memories niyong dalawa. Masayang alalahanin yung mga pinagdaanan niyo throughout your relationship. Yung kahit MU lang kayo diba. Pero meron pa rin yung kirot na nararamdaman mo. Napapaisip ka nalang kung saan ka nagkulang o kung saan ka nagkamali. Meron yung pagkakataong iiyak ka nalang bigla dahil naalala mo pa rin yung moment na iniwan ka nya. Diba ganun naman talaga yun pero I need to move on. Find destructions na pwedeng kumuha ng attention ko. Pero bakit ko ba iniisip yung walang kwentang kumag na lalaking yun! Arrrrgg naman Aika, focus lang muna sa pag-aaral. Inhale.. exhale....
Nakahiga lang ako sa kama habang ninanamnam yung hanging pumapasok sa may bintana. Thursday ngayon, walang pasok kaya gagala ako kasama ni Annie. Si Annie is yung Dorm-mate ko. 1st year ako nung nakilala ko siya. Mabait siya. Alam namin lahat ng sekreto ng isa't-isa at pati yung araw nga ng period namin e. memorize na HAHA. Pumunta ako sa 7/11 para bumili ng Breakfast namin. Nakapantulog pa rin ako kasi malapit lang naman. Who care's alangan namang magtodo outfit pa ako noh?
So ayun kumuha ako ng dalawang Vita Milk and Bacon. Tatlong Chocolate sabay abot ng bayad sa Cashier. Pagtalikod ko.. isang maputi, gwapooo, chinito, matangkad at supppeerrrr bangong lalaki na nakasmile sa ate niyo! Over! Si Mac !
Siya: Goodmorning Aika :) *labas yung pamatay niyang dimple*
Ako: Ah goodmorning Mac. Sige una na ako. S-sssi Annie kasi hinihintay na ako dun. Nauutal ako shems! (nakangiti pa rin siya in a Perepheral view)
Siya: Ah okay. Ingat :) sabay tapik at hawak sa braso ko.
Ngumiti nalang ako sabay labas. Aaaaaaaahhhh ang Landi ko. Halos magdadasal ako sa lahat ng santo. Bagong gising ako tapos si Crush yung una kong nakita (^3^). Emeghed!
So dali-dali akong pumunta sa dorm namin para magkwento. Pagbukas ko ng pinto, nagtititili agad ako sa sobrang kilig at tuwa. ↖(^▽^)↗↖(^ω^)↗.
Gulat namang tumingin si Annie na kasalukuyang nag-aayos ng higaan niya.
Siya: Anong nangyari sayo teh? Para kang sinapian sa mga ikinikilos mo. Hinahon nga, ganyan ba ang Conservative?
Ako: Heto naman, ngayon lang to noh. After yung break-up namin nung Kumag na Rudolf na yun, ngayon ko lang ulit naramdaman yung Sparks at Kuryente kanina, kaya maging masaya ka na.
Sabay abot ng pagkain sa kanya. Oh diba Happiness gurl.
Nagsalita ulit siya.
Sino ba yung nakita mo kanina hah? Artista ba ? Si Xander? Si Vhong Navarro? Sino? -
"Eh sino pa nga ba ate ang kinakikiligan ko? Siyempre si Mac noh!? My one and only sabay kain.
So yun nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan maghapon. Talk's about crushes. Ganun lang. Hindi naman kasi mahirap ma-fall lalo na kung talagang nakakalaglag panga at panty naman talaga yung crush mo. Mag gagabi na nung naisipan naming gumala papuntang North Edsa. Ewan ko kung bakit pero, parang may nag bulong sakin na pumunta ako dun. Nagwindow shopping lang kami Char! Kumain ng Popcorn, nanood ng sine hanggang sa mapagod kami kaiikot.
After nun pumunta ulit kami sa Jewelry Shop para tumingin tingin ng mga singsing. Mahilig kasi ako dun. Yung panaginip kong luluhod si Prince William sakin tapos iaabot yung singsing na napalilibutan ng sampung diamonds. Sabay halik sa pisngi ko, sa forehead, sa ilong at finally sa Lips. Tapos magpapakasal, magkakaroon ng anak tapos we will live happily ever after. Ganun parang fairytale.
Tinitignan lang namin yung isang singsing nang biglang pumasok yung lalaking sobrang pamiliar sakin. Sino pa nga ba ? Si Rudolf. At hindi niya ako pinansin huh? Diretso lang siya na para akong manikin na linagpasan lang niya.
Miss how much is this? *sabay turo niya sa singsing na paborito ko*
100K Sir. Bibilihin niyo po ba ?
Yes. Tingin mo ba, magugustuhan yan ng babaeng gusto ko? Tanong niya habang nakangiti, yung ngiti niyang ang sarap sampalin.
Oo naman sir. At nagawa pang magpacute nung Saleslady. Ang landi huh? Pero bakit ko ba nararamdaman tong feelings na to e, wala na nga kami diba? Pero---

Hinila ako ni Annie bigla dahil gusto niya na daw umuwi. E di umuwi kami habang hindi ko man lang narinig kung kanino ibibigay ni Rudolf yung singsing.
Bat nga ba ako nacucurious? Wala naman na kami ah. Bat ko ba siya iniisip ? Posible bang gusto ko pa siya? Mahal ko pa ba yung Kumag na yun? Wooah halos mabaliw ako nung gabing yun sa kaiisip sa walang hiyang lalaking yun. Hindi ko alam yung mga sagot sa tanong ko. Hindi ko alam kung may feelings pa rin ba siya sakin o nag-aasume na naman ako at sa huli Nganga ang aabutin ko.
Kinalabit naman ako bigla ni Annie.
-Hoy! Bakit ba tulala ka jan? Hindi ka ba nag-enjoy?
Siyempre nag-enjoy ako kaso nasira na naman dahil nakita ko si Kumag -.-
-Eh bakit ka ba naiinis sa kanya? Nakamove-on ka naman na sa kanya diba? Dahil ba sinaktan ka niya? Dahil ba iniwan ka niya? O dahil hindi ka pa rin nakakalimot sa mga pinagsamahan niyo? *rolled eyes*
Hindi naman nakamove-on na ako noh?! Ang ipinagtataka ko lang, sino yung bago niya ? Ang weird huh? Pero gumastos siya ng 100K para lang bumili ng singsing na panregalo? Kinabog niya pa si Mama at papa na 50k lang yung cost ng wedding ring. Mahirap ang buhay kaya huwag ng umarte. Siyempre go pa rin si Mama. Mahal niya e. Ganun talaga pag mahal, walang ayaw.. ayaw.. walang pero.. pero..
-Ay teh. Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan. Nakangising tili ni Annie.
Eh ano? Nakakunot noo kong tanong.
-Mahal mo pa noh? Ikaw naman kasi.. akala mo bato yang puso mo. Alam ko naman na mahal mo pa siya, pinipilit mo pa ring pakawalan siya kahit na madudurog yang puso mo pag nagkataon.
Ang drama natin, bat ba tayo nag-uusap sa mga walang kwentang bagay. Matulog na lang tayo.
-Sabagay. Pero sino ba ang nag-umpisa? Ikaw din naman diba?!
S:Goodnight Girl.
A: Goodnight. Pero hindi pa rin ako makatulog kaiisip sa kanya.
Yung mga memories noon na hindi ko makakalimutan * yung Video sa taas. Just watch it po*

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon