Summer kaya magdedecide na naman si Mama kung saan kami pupunta. Ayoko sanang sumama dahil tinatamad ako pero napilit naman ako ng kapatid ko. Sinabi niya kasi na ipapakilala niya yung Girlfriend niya. Siyempre ate ako kaya kailangan kong makita yung GF ng kapatid ko. So sa Pugad Lawin kami pumunta at Pugo, La Union. Medyo malayo-layo din dahil 8 hours din ang biyahe from manila. 5am nung nakarating kami so Swimming agad. Nandun na yung Gf ni Mike that time. Maganda siya at halata na nagmula sa Well known family. Nag Hi lang siya sakin tapos nagbeso-beso. Nakaswimsuit siya ah! Infareness makinis siya. So hindi naman ako magpapatalo dun noh! Nagpalit na ako suot yung Red Two Piece ko na bilinili ko pa sa U.S. Char. Alam kong charming ako kaya halata ko rin yung ibang tumitingin sakin. Ang hindi ko lang akalain ay may kasabay pala kami sa Summer Vacation namin. Nakita ko si Annie at Rudolf na parang tuko maglakad. Magkadikit eh. Dikit na dikit. Nakalong Floral summer dress lang si Annie pero bagay pa rin sa kanya. Topless naman si Rudolf at labas ang Abs at maputi niyang katawan na ang hula ko ay ako yung unang nakakita nung time na sa Bathroom. *alam niyo yun* Nevermind. Nakita ako ni Annie pero nagkunwari lang akong nagsasun bathing . Hindi ako reading kausapin siya. Pero naramdaman kong papalapit sila sa direksyon ko. Tinuloy ko lang yung ginagawa ko hanggang sa kausapin niya na ako.
S: Oh Aika. Long time na hindi ka nag pakita. Kamusta? Im sorry again about nung nangyari noon. Nadala lang ako. Hindi ko naman yun plinano.
A: I went to U.S para lumimot and thanks dahil worth it naman. It's okay. Napatawad na kita noon pa. Binaon ko na sa limot lahat ng pangit na ala-alang nangyari. Oh nakakagulat pero kayo na pala ni Rudolf ah. *fake smile*
S: Thank you Aika tsaka niya hinawakan yung kamay ko. Ah yes. Linigawan ako ni Rudolf nung nalaman niyang wala na kami ni Mac. ( so naging sila pala ni Mac nung umalis ako? Tsss. Okay lang)
A: Ah see. (Gusto kong tanungin kung kamusta na si Mac pero ayokong isipin nila ma may feelings pa rin ako sa kanya, haay may feelings pa rin naman)
S: By the way. May surprise ako sayo. Friends naman na tayo ulit diba? I'm sure matutuwa ka dito.
(Siguraduhin niya lang)
A: Oh? Then ? Ano yun?
S: Tumingin ka dun sa Entrance.
*tumingin ako*
Si Mac. Nakatrunks lang siya at basang basa. Hindi ko alam pero biglang tumibok na naman yung puso ko. Yung tibok na naramdaman ko rin nung naging kami. Habang papalapit siya ng papalapit ay mas lalo naman akong napapafreeze sa kinatatayuan ko. Mas gumwapo siya ng sobra kumpara dati. Okay lang yung built ng katawan niya. Nagbalik bigla yung kalandian kong natulog ng 4years. Ang gwapooo niya. Mas pumuti siya at mas lalong naging mature. Ang singkit ng mata niya. In short Super Chinito niya! Lumapit siya sakin.
* Yung picture ni Mac na nakatrunks, nasa picture po sa taas*
Inabot ni Mike yung bulaklak kay Mac. I was so shocked. Parang lalabas na yung puso ko sa bunganga ko sa lakas ng pagtibok. Yung ipin ko halos lumuwa na dahil sa laki ng pagkanganga ko. Napanganga na lang ako sa bilis ng pangyayari. Alam ng magulang ko na pupuntahan ako ni Mac? Ang gulo. Gulong gulo ako. Hindi ko alam kung kikiligin, matutuwa, o maiinis ako sa ginawa nila. Inabot niya sakin yung Bunch of Red Roses. Alam niyang paborito ko to kaya tinanggap ko. Hindi ako makapagsalita ni makagalaw ay parang ayaw makisama ng mga muscles ng katawan ko.
A-aanong ginagawa mo dito? Tanong ko. Tinignan ko si Annie. Nakangiti siya. Alam kong heto na yung surprise niya.
Him: Nung nalaman kong, bumalik ka sa Pilipinas, hindi ko talaga inaksaya yung oras para makita ka. Nung araw na iniwan mo ako, narealize ko na ang tanga ko pala dahil pinakawalan ko pa yung kagaya mo. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sayo. Sinusubukan kong i-message ka sa mga Account mo pero wala kang reply. Sinubukan ko ring tawagan ka. Ginawa ko lahat Aika pero walang nangyari . Hindi ako sumuko at hindi ako nawalan ng pag-asa. Hindi ako nag-girlfriend for 4 years dahil hinintay kita. Araw-araw nagdadasal ako na sana bumalik ka na at upang maitama ko ang pagkakamali ko.
Naiyak ako sa mga sinabi niya. Alam kong kami na yung Center of Atrraction sa Resort pero nawala yung hiya ko.
A: Linoko mo ako Mac. Pinagkatiwalaan kita. Ibinigay ko yung puso ko sayo ng buong-buo. Nagtake ako ulit ng Risk para sayo. Minahal kita pero ano? Iniwan mo lang ako, linoko at sinaktan.
*umiiyak pa rin ako*
Hinawakan niya yung kamay ko. Alam kong desedido siyang balikan ko siya. Alam kong totoo yung feelings niya pa ra sakin. This time tinignan ko si Mama, tumatango lang siya senyales na Oo ang sabihin ko at magsimula kami ulit. Pinatawad ko siya at hinalikan niya ako sa labi. Halik ng pagkasabik at pagmamahal sa isa't-isa. Mahal ko pa naman si Mac. Nawalan lang ng ilang Percent yung 100. Pinatugtog na ng resort yung I'LL NEVER GO by Nexxus. I'll never go.. far away from you. Nagulat ako dahil lumuhod siya bigla. Inabot ni Rudolf yung Singsing. Yung singsing na binili niya nung time na gumala kami ni Annie. Yung singsing na pinapangarap kong ibigay sakin ni Prince William.
"Alam kong paborito mo tong singsing na to Aika," nagsalita naman si Annie. Uy friend sinabi ko kasi na nakay Rudolf yung singsing na gusto mo kaya binili ni Mac nung nalaman niya. *tsaka siya ngumiti* hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Magiging engage na ba ako? I dunno. Haha.
Aika, alam mong mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Alam mong kaya na kitang buhayin. *tumingin ako sa mga magulang ko pero nakangiti lang sila*
Aika, will you be my wife?
Hiyawan lahat ng tao at receptionist sa resort. Kinikilig naman si Annie kaya niyakap siya ni Rudolf. Masaya ako sa Bestfriend ko kasi nahanap niya na si The one pero mas masaya pa rin ako kasi makakasama ko na si Prince William ko.
Ako: Yes! Yes Mac. I love you too.
Yun lang yung nasagot ko tska niya ako binuhat at pinaikot ikot. Feeling ko, ako si Cinderella na nakatakas na mula sa madrasta niyang masungit at magkakaroon na ng Sweet life ever after. Hindi ko alam na after nung Proposal sakin ni Mike ay magpropropose din si Rudolf kay Annie.
After that, nagdecide na kaming magtrabaho sa isang Airline at natanggap naman kami kaagad.
End of Flashback.Ngayon masaya na kami ni Mac at nakaipon na para sa pagpapakasal namin sa susunod na buwan. Oo magpapakasal na kami ng sabay kasama sina soon to be Mr. and Mrs. Annie and Rudolf Monte Vargas.