Padpaper o Ballpen? :*

1 0 0
                                    

Here we go! Start na ng exam and kampante ako dahil nakapagreview ako. Hanggang sa pagpunta nga namin ni Annie sa school e, nagtatanong siya tas sasagutin ko naman. Ganun lang yung routine na ginawa namin. Magtatanungan para makareview.
Nakaramdam ako ng nerbyos nung may kumalabit sakin sa likuran, siyempre test yun baka mahuli kami at palabasin. Di waley lahat ng nireview ko. Bagsak pa!
Aika tingin ka sa likod. Bulong nung isang classmate ko.
Tumingin naman ako. Nakita ko si Rudolf, nakatingin sakin. Siyempre awkward. Hindi ko pinansin. Destruction e!
Psssst! Pangungulit pa rin niya.
Ano ba! Sabi ko ng pabulong pero alam kong na lip read naman niya yun.
Kumindat siya, tapos ngumuso sakin. Ewan ko kung nagpapacute lang siya sakin pero naiinis ako sa mukha niya. Tinuloy pa rin niya yun. Destruction talaga >o< . Ngumuso na naman, tapos na-gets ko na yung padpaper ko pala yung nginungusuan niya.
Pahingi bulong niya..
Binigyan ko. Kawawa naman HAHA. Kahit na linoko ako ng topak na to, may kindness pa ring natitira para sa kanya dito sa puso ko. Alam kong ako lang yung pwede niyang hingian dahil nakafocus lahat ng classmate namin maging si Annie. Nagconcentrate na ako nung Psssst! Alam ko si Rudolf yun kaya hindi ko pinansin! Manigas siya noh! 10 sheets na yung binigay ko. Ano ako?, National Book Store ?! Psssst Aika, bulong ulit nung nasa likod ko. So no choice ako kundi tignan nalang kung sino. Alangan naman na magkunwari akong walang naririnig.
Pagtalikod ko, si Mac pala yung tumatawag sa'kin. Nahihiya ako. Shy type ako pagdating sa kanya Ei. Pwede bang humiram ng Ballpen? Tanong niya sakin habang nakangiti. Ewan ko, parang nakuha ata niya ako sa alindog niya kaya nahipnotize ako bigla. Kinuha ko yung Lotus sa bag ko para ibigay sa kanya. Pinagulong ko kasi hindi naman pwedeng tumayo yung isa sa amin. Thanks! Sabay ngiti niya. Ewan ko pero parang nagsink in lahat ng minemorize ko sa utak ko. Ginanahan ako magtest hanggang sa matapos na lahat ng answer sheet. Inspired ang ate niyo ! So after the test, nakalimutan kong kunin yung ballpen ko. Nakakahiya naman na sabibin ko sa kanyang "Mac yung Ballpen ko, kukunin ko na" hindi ako yung 'clingy' na type ng babae. So hinayaan ko nalang. Nag decide si Annie na uuwi daw muna ng probinsya para bisitahin yung Mama at Papa niya. Vacation naman na after the test kaya after nung result umuwi siya. Good news naman dahil matataas naman yung naging resulta after all my hardworks and pagpupuyat. So I decided then na umuwi sa bahay. Sa Makati pa, kaya medyo malayo layo din yung biyahe.
Mga 9pm na din siguro nung nakarating ako sa village. Si papa yung sumundo sa'kin gamit yung kotse niya. Nung nasa gate na ako, sinalubong naman ako ni Mama kasama yung Little bro. ko, si Mike. 3rd year high school na siya sa FEU ngayon. Yinakap ako ni Mama tsaka kami pumasok sa loob para mag dinner na. Ayun nagkwento ako about college life. Sinabi ko na ang hirap tapos sa kalagitnaan ng pagiging madaldal ko, nabanggit ko si Mac. Nacurious ata yung kapatid ko kaya nagtanong.
Siya: Sino si Mac ate?
Ako: Ah si Mac. Wala yun, Classmate ko.
Siya: (tinitignan ako sa mata) Classmate lang ba ?
Ako: Tigilan mo nga ako. Ikaw Mike huh! Kung ano-anong pumapasok sa kokote mo. Classmate ko lang siya and wala na yun lang. (sabay hiwa nung karne)
Siya: Oh Chilax lang ate. Why so defensive? Tawang tawa siya habang inaasar talaga ako.
Tapos naman na kaming kumain kaya pumasok na ako sa kwarto ko. I miss my Bed! Its scent, and also my Aircon. I miss my Life size bear too. Walang kayang aircon sa Dorm namin at tanging yung electric fan nga lang na malapit ng magretire yung meron kami dun. Napapaisip rin ako kung maayos banng nakauwi yung babaita sa probinsya nila.
Maganda kami kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Pumasok naman bigla yung kapatid ko ng hindi pa kumatok.
Siya: Buti gising ka pa. May tatanungin sana ako. Kung pwede? Seryoso siya huh?! Infareness mas gwapo yung kapatid ko pag seryoso. Naalala ko tuloy si Mac. Pero parang may bumubulong naman ng Rudolf •﹏•.
Ako: Ano?
Siya: Saan kayo mahilig na mga babae? (Seryoso pa din siya. Nakakatakot na hah!)
Ako: Kami? Bat mo natanong ?
Siya: Dalii sagutin mo na kasi.
Ako: Umm kami? Mahilig sa chocolates, bunch of flowers, manood ng sine, romantic date with matching violin music. Mahilig din kaming lumabas at maglakad-lakad. Sa teddy bear, mag star gazing, sa jewelries at sa shirt ng lalaking gusto namin with matching his scent too. Oh okay na ?
Siya: Thanks. I have an idea na. Goodnight. Matulog ka na ate. Para kang nalosyang jan sa itsura mo ngayon.
Ako: Aba ang sweet niya mag thank you huh! Arrrg. Totoo namn yung sinabi niya. Sunod-sunod din naman kasi yung pagpupuyat ko. Pero may girlfriend kaya yung Mokong kong kapatid? Kung meron buti pa siya.
Hindi pa rin ako makatulog. Ewan ko kung bakit pero baka may Special someone na nag-iisip sakin! Haha. Nag open muna ako ng Instagram ko. Kinamusta ko si babaita kung buhay pa.
Ako: Annie, how are you na. Nakarating ka ba ng buhay jan?
(After 1 minute)
Siya: Yeah. Thanks god maganda pa rin ako kahit ang init dito. Oh siya good night at matutulog na ako. By the way basahin mo yung post ni Rudolf girl. Sweet dreams.
A: GOODNIGHT TOO. ^_^
Syempre tinignan ko agad yung post.
Rudolf Monte Vargas posted:
After being single for many months, finally nahanap ko rin yung babaeng mamahalin ko. I love you Honey, always and forever Muaaah :)
#I'mInloved:*

Sino naman kaya yung bago niya?
HAAY Ewan. Time for my beauty rest na. Kung talagang mahal niya ako. Di naghintay sana siya hanggang sa patawarin ko.
-----------

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon