Good News o Bad News?

6 0 0
                                    

Nasa Starbucks ako ngayon, hinihintay yung Bruha kong kaibigan. Sharp 3 yung napag-usapan namin pero 4:30 na wala pa rin. San ba nagsususuot yung gagang yun?! Halos nakaubos na ako ng two cups of coffee kahihintay @( ̄- ̄)@. Wampepti pa naman yung isa -.-
So finally dumating din siya. Infareness nagawa pa niyang mag retouch huh!

"Hoy Gaga! San ka ba pumunta at ang tagal mo? Huwag mong idahilang natraffic ka dahil lalakarin mo lang to from school to here!" Nagawa mo pa atang lumandi sa daan. PUCHAAA Pero imbis na sagutin niya yung tanong ko, nagawa pa niyang magsalita.
H: Alam mo may dapat kang malaman. May good news and bad news ako sayo. Ano gusto mong unahin?
I: I prefer bad news muna, ano ba yun?"
H: Kasi nung naglalakad ako palabas ng school, nakita ko si Rudolf may kasamang babae, may suot na singsing yung ring finger nung girl pero infareness mas kinabog niya yung ganda mo! I guess yung singsing na binili niya last time, sa kanya niya binigay.
Napanganga nalang ako kaya "So?" lang ang naisagot ko. Dahil din naman sakin kaya nagbago yun. Haaay siguro kung hindi ko yun nakilala, tambay pa'rin siya sa mga Computer Shops near the University , tumatagay, nagyoyosi.
-Heto pa Aika, mas kakabugin ka neto ng bongga! nung malapit na ako dito, nakita ko rin si Mac, may kasamang Babae. Holding hands sila, ang alam ko Diliman nag-aaral yung girl. Ang ganda huh? Ang sexy pa! Tapos sumakay sila sa Car ni Fafa Mac. Todo outfit, hula ko, they will having a date! A Romantic date.
I was shocked! Nainis nalang ako. Ewan ko kung bakit. Gusto ko si Mac e, pero may gusto na siyang iba. Si Rudolf naman may gusto na ring iba o ano. Alam mo Annie, napapaisip rin ako minsan. Siguro kung binigyan ko ng Second Chance si Rudolf, siguro masaya pa rin yung Lovelife ko kasama niya. Siguro mas gumanda pa yung dating kami. Hindi siguro ako nasasaktan dahil may kasamang babae yung Crush ko. Hindi siguro ako umaasa na balang araw mapapansin ako ni Mac. Mas matatag na sana yung relationship status namin ngayon. Pero hanggang Hindi Siguro nalang ako dahil huli na ang lahat. Ako tong si tanga, ang magagawa ko nalang ay umiyak.
Tapos naalala ko, may Good News pa pala. So ayun tinanong ko.
Ako: E. Ano yung Good news?
Siya: *Tumatawa*, Gurl huwag kang magagalit ah, Buntis ako!
Ako: Hoy Babaita! Huwag mo nga akong pinagloloko. Ano yan nabuntis ka with a random guy? E wala ka ngang Boyfriend. Yung totoo?
Siya: Heto na talaga. Yung mga sinabi ko sayo friend, JOKE LANG YUN!

Nagulat ako. Parang gusto kong manabunot at manampal nalang bigla!? NGANGA. Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Nagdrama ako at muntik ng umiyak pero atlast joke lang pala. Gusto kong sabunutan si Annie at buhusan ng limang basong mainit na kape dahil sa ginawa niya. Napaniwala pa naman niya ako. Kung hindi ko lang to kaibigan, kinalbo ko na siguro tong gagang to! Maganda bang biruin niya ako ng mga ganung bagay. Okay lang naman na mabuntis siya kasi malandi rin naman pero yung about my crush and kay kumag, No way! Naiinis pa rin ako sa Joke niya pero kung totoo kaya yun? Ano nalang ang gagawin ko? Over! hindi ko kayang sikmurahin kapag nangyari yun 0.0 .

Dumaan muna kami sa school dahil kailangan naming kunin yung mga Photocopies and books para magreview for the incoming exams. Dumaan kami sa Lover's Lane dahil dun yung mas magandang short cut papunta sa Room. Biglang nacurious naman ako sa nagtitiliang babae malapit sa may benches. Mixed engineering, architecture, businesss ad. at yung iba classmate namin. So lumapit kami ni Annie para makita yun.
Paglapit ko " mga hindi ko masabi ay idadadaan nalang sa kanta... idadadaan nalang sa kanta....... " boses lalaki pero nung lumapit ako si Mac. Nabuhayan ako bigla. Hindi ko alam yung gagawin ko pero parang biglang naiihi ako at namamasa bigla yung mga kamay ko. My gosh! My nerves can't take it. Ang gwapo niya talaga. Kinikilig ako habang pinapanood siyang tumutugtog ng gitara. Parany gusto kong magtatatalon sa tuwa tapos kakanta ng Fallen by Janno Gibbs. I wish na para sakin yung song pero hindi ako yung assuming type of girl. Yung iba pa fling fling lang pero hindi ako ganun. Hindi niya ako gusto noh? Assuming lang ang peg? Charot! So hindi na namin tinapos dahil mahirap ding makipagsiksikan sa panonood. Hindi ko akalaing ang galing niya ring kumanta. At ang pinakamalala sagad sa veins ng puso ko yung bawat lyrics na binibigkas niya.
--------

After ng pagmememorize ko sa mga parts ng eroplano, kinds of airplane, kung ilang comfort room ang meron sila, mga capital city ng mga bansa naman. My god! Ikaw ba na naman magmemorize ng different languages like hangul, mandarin, korean tapos latin. Halos naloka yung cerebrum and cerebellum ko sa pagmememorize. Inantok naman si Annie at ewan ko kung nakapagreview na yun. Tapos kailangan ko pang magready para sa training. Ang buong akala nila, yung mga kumukuha ng tourism pagpapaganda lang yung alam at walang utak pero mali sila. Mahirap kumuha ng tourism. Bukod sa kailangang 5'4 above yung height mo, kailangang complete yung ipin mo, makinis, maganda at walang peklat. Bukod dun kelangan pa naming tumalon ng 40feet sa training para malaman nila kung marunong kaming lumangoy, titikim ka din ng napakaraming liquor at ikakabesa ang pangalan nila, as in lahat sila na sobrang lalasingin ka . Tapos magmememorize pa gaya ng ginagawa ko ngayon. Kaya hindi totoo na ganda lang ang meron kami. May utak din kami noh! Hindi lang pagpapaganda dahil minsan todo make-up ka tapos lalangoy ka sa pool ng hindi handa. So maraming pagsubok. Sa pagmememorize ko, nakatulog na rin ako. Oks lang dahil ready naman na ako for the exam HAHA :)
GOODNIGHT TO ME!

Huwag niyo pong kalimutang mag-vote o magcomments for some reactions about this part HAHA. Salamat po :'>

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon