Magkahalong excitement, kaba at saya ang nararamdaman ko sa papalapit na pagpapakasal ko at maging si Annie. Sabi nila mamalasin daw kayo habang buhay kapag pasukob pero hindi kami nadala. Kung mahal niyo ang isa't-isa there is no such thing to called pasukob. All we need is to love each other and the very important is don't CHEAT anteeey, ancle.
Nagkaroon ng Bridal shower kung saan ang Mama namin ni Annie ang nag-asikaso. Si Tita Estella( mama ni Annie) at si Mama Clarisse (mama ko). Wala lang, ewan ko kung ano yung pakulo nila pero alam kong mag-eenjoy pa rin ako. Naisipan kong bumalik to my
Dear Alma Matter for some reasons at balikan yung mga lugar na madalas ko noong puntahan. Tumambay ako sa Lover's Lane, pumunta ako sa Starbucks at P.Noval. then dinaanan ko yung dating condo ni Mac kung saan ko ginawa yung pagnanasa sa Kutsara at Baso noon hahaha. After ng gala-gala , tinext ako ni Annie.
A: Asan ka?
I: Here at mall. Why?
A: Hindi mo man lang ako sinabihan. Exact location? Sasama ako. I'm kinda bored here.
Binigay ko yung location then hinintay ko sa isang fastfood chain. Dumating naman siya agad. Gumala lang kami maghapon, kumain, nagpasalon then dumiretso na kami sa LittleItaliano kung saan yung venue.
We look for the sign reserved but we saw nothing so we decided to ask the waiter.
I: Hi kuya. May place ba dito na pinareserved ni Ms. Clarisse and Estella Castro? tanong ko na noo'y busy.
H: Yes po. Pero Pina-cancel nila dahil sa isang Bar nalang daw po sila. By the way nag-iwan po sila ng address nung Bar. Heto po *inabot niya*
I: Thanks kuya.
Tsaka kami lumabas para pumunta sa Address na nakalagay. Nakarating kami sa Exotic Night Bar tapat ng Seven Eleven. (Kung alam niyo, wag niyo ng sabihin HAHA).
Nacurious kaming dalawa dahil puro poster ng lalaki yung nakalagay sa labas.
Ano tong pinili nila mama? Umfth. Parang gay bar!
Reklamo ni Annie.
Pumasok kami sa loob at naabutan namin sina mama na kumakaway. Nandun yung mga malalapit kong kaibigan, pinsan at mga malalapit sakin na tita ko. Nandun rin yung mga kamag-anak ni Annie galing probinsya.
Nag-start yung program. Nagsimulang lumabas yung mga machong lalaki na hula ko ay mga 18-22 taong gulang. May tig-iisa silang hawak na Rose. Nagmacho dance lang sila sa harapan namin habang binibigay yung rose. Grabee ma! Hindi ba magagalit ang mga magiging asawa namin neto? Tanong ko.
-Anak, huling pagkakataon niyo na to. Sa tingin mo ba kapag kinasal ka na, magagawa mo pa to? *nakangiti lang si mama* sabagay may point naman siya.
Sinayawan lang kami nung mga lalaki. Parang linalandi na rin. Pero naalala ko si Mac. Ano naman kaya yung ginawa nila? Sinasayawan din ba sila ng mga Babae ngayon? Woaah hindi pwede ! Pero unfair naman kung kami lang. Naguguluhan ako pero nag-enjoy din ako sa huli.
Medyo maaga pa nung natapos at madami pang open na Massage center kaya pumunta kami dun. Nagrelax lang kami pero ang saya. Natanggal lahat ng pagod dahil sa pamamasyal namin buong araw. Midnight na nung natapos kaya nagsiuwian na kami. Sina Annie, may sarili namang condo kaya no problem sa tutulugan ng mga relatives niya. Kami naman umuwi kami sa bahay. 2 days na lang ikakasal na ako. Kinakabahan pa rin ako dahil parang ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Sinalubong ako ni Mac na tuwang tuwa. Nacurious tuloy ako.
I: Oh? Bat parang ang saya-saya mo? Teka. Anong ginawa niyo maghapon dito? Sunod-sunod kong tanong.
H: Wala.. nagshot lang kami nila father in law at mga tito mo. Bawal ba asawa ko? *nakangiti niyang tanong*
Ewan ko pero parang naiirita ako sa Endearment niyang Asawa ko. Hindi ako sanay. :3
I: Hindi naman, nacurious lang po. Hinalikan ko yung pisngi niya sabay lumakad papunta sa kwarto namin pero hinawakan niya kamay ko.
I: Oh bakit? Mauuna na akong matulog. Akala ko ba, magshoshot pa kayo?
H: Oo pero nakalimutan mo kasi yung Kiss ko sa Lips. *nakangiti pa rin siya*
I: Kiss? Huh. Amoy alak ka kaya! Next time nalang cutie pie :) *sabay halik ko ulit sa pisngi niya.
H: Okay pero babawi ka ah! 1 hour . Tsaka siya tumawa .
I: Okay! Kahit 2 hours pa! Sabay sarado ng pinto.