KABANATA 11
"Mahal"
···Lucas···Kadarating lang ni Jaypee dito sa bar pero heto at nakaka-sampung bote na ng beer. At ang nakakapag-taka iyak lang ng iyak sa VIP rooml. Ramdam mo yung galit sa mga mata niya. Damn ano bang nangyari? Shit this is bad. Too bad. Ang totoo ay ngayon ko lang nakita si Jaypee na nagkaganito. Iinom nga lang ito dahil ipatatawag ni Arex ee! Tsk. Yung dalawang ito. Bakit ba sila pa ang pinaglaruan ng pagkakataon? I know it's about Kris. Kung bakit siya nandito at bakit siya nagpapakalasing. Hinayaan ko nalang muna dahil mukhang ayaw paistorbo. He needs to be alone. After ipa-reserve yung room at madala yung inumin bigla nalang ni-lock yung pinto. That Kris na dapat ay contract wife ni Arex pero minahal naman agad nito, at ang Kris na matagal ng mahal ni Jaypee. Damn. Ang gulo ng buhay pagibig ng mga gago! Pero teka kung umiinom ngayon si Jaypee at umiiyak mag-isa? Hindi kaya? Teka hindi kaya si Arex ang pinili ni Kris? Shit! Kung kailan naman atat na atat akong malaman ang totoo tsaka ayaw sumagot ng phone ni Arex. Mas lalo ko tuloy gustong makilala yang Kris na yan. I'm curious about her. Akalain mong si Arex na playboy e mapatino? At ang torpeng si Jaypee e mapalabas sa kanyang shell! Tsk. Kakaiba. Tama sila Bladd. Matawagan yung mga mokong.
"Hoy Bladd?!"
"Tae ka Lucas! Bakit? Hmm babe sino ba yan?" Hanep. Walangya katanghaliang tapat nakikipaganuhan? Bugok talaga.
"Mas tae ka! Sino yang kasama mo ha?"
"Haha. Chix pare!"
"Pagkatapos mo dyan. Punta ka dito! Bilisan mo! Problemang malaki!"
"Bilis mo akong ma-miss haha." Gago lang.
"Ugok! Umiinom mag-isa si Jaypee dito! Baka kailangan tayo! Geh na! Kahilig mo!" Pinatay ko na agad yung tawag, alam na niya yun.
"Hello Kevin?"
"Problema mo pare?"
"Busy ka ba?"
"Bakit yayayain mo ba akong makipagdate? Haha, sorry pare babae lang pinapatulan ko!"
"Sapakin kaya kita? Fuck you!"
"Hindi ka na mabiro haha ano nga?""Nandito kasi si Jaypee sa Bar. Umiinom mag-isa. Nag-lock sa VIP room, may palagay akong dahil yun sa contract wife ni Arex."
"Tae-na, naloko na. Sige papunta na 'ko dyan." Ayos ganun sana. Haha. Di katulad ni Bladd nakikipagsawsawan pa. Tsk.
···Jaypee···
Nung maghiwalay kami ni Kris ay dito ako dumeretso sa bar ni Lucas. Alam kong magtataka sila pero gusto ko munang mapag-isa sa ngayon. Alam kong malalaman din nila na si Arex ang pinili ni Kris pero shit! Kahit kailan hindi ko yun matatanggap. Torpe ako oo! Pero wagas akong magmahal! Kahit kaibigan ko pa si Arex babawiin ko si Kris! Lahat ay gagawin ko para maghiwalay sila and eventually? Sakin din mauuwi si Kris. Sa akin ka lang Kris! Akin ka lang! Dammit. Nakakagigil. Nakakainis. Kris is mine. I want her for myself damn. Nakakagago pero ang sakit. Putcha ang sakit pare! Tagos hanggang bone marrow! Kung kinakailangan kong tawagan lahat ng naging fling ni Arex tuwing may lakad sila para lang magselos si Kris gagawin ko! Para lang masira sila. Langya! Hindi ako masamang tao! Nagmamahal lang ako! At dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Kris, hindi ko na maisip kung tama o mali ang gagawin ko! Basta ang alam ko lang na tama sa ngayon ay ang mahal ko siya! Pero may plan B ako kung sakali. At yun ang abangan ni Arex. Sisiguraduhin ko na bago pa matuloy ang kasal ay kasama ko na si Kris.
BINABASA MO ANG
MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)
RomanceDahil sa pagiging iresponsable, playboy, at happy-go-lucky ni Arexon, napilitan ang kanyang ama na si Ramon Alcaraz na makipagkasundo sa kanya. Within one year at hindi pa siya nakahahanap ng babaeng pakakasalan, mapipilitan ang kanyang ama na ipaka...