KABANATA
"Stupid love"···Kevin···
"Pare ano bang kagaguhan ang ginawa mo?" Kaibigan ko si Jaypee pero hindi ko para kunsintihin ang kasalanang ginawa niya. Kanina nung binubugbog siya ni Arex, awang-awa ako sa kanya pero nung makita ko si Kris na hubad at walang malay? Pakiramdam ko nararamdaman ko din yung sakit na nararamdaman ni Arex kanina. Oo naaawa ako habang nasa loob siya ng mga rehas na bakal na yan, pero nagkasala siya ee.
"Oo nga naman Jaypee, kaibigan mo si Arex at kaibigan mo din si Kris." Si Bladd na parang maiiyak pa ata, Tae! maging ako man e. Pakiramdam ko ilang saglit lang bibigay na ako. Masakit makita na ang kaibigan mo ay nagkaganyan dahil lang sa isang babae.
"Ang kasalanan ko lang ay nagmahal ako." Si Jaypee na walang emosyon. Pero makikita mong nanggigilid pa rin ang mga luha niya.
"Oo nagmahal ka lang, pero gaano mo ba kamahal si Kris? Kung mahal mo talaga siya mas pipiliin mo ang maging masaya siya. At ang kasayahang yun ay kay Arex niya lang makikita. Jaypee sinira mo ang buhay ni Kris! Pinagkatiwalaan ka ng tao, alalang-alala sayo dahil ang tagal mong nawala tapos makikipag-kuntsabahan ka kay Jessa dahil lang sa selfish mong pagmamahal! Ngayong nangyari ito? Ano na? Kinamumuhian ka na ni Kris! Hindi ka naman niya minahal dahil sa ginawa mo hindi ba? Itinulak mo pa siya palayo sayo!" Alam kong tinamaan siya sa mga sinabi ko. Humahulgol siyang parang bata at talagang naaawa ako sa kanya. Nakasabunot pa siya sa buhok niya. Kung tititigan mo nga lang siya hindi mo mapapansing si Jaypee na pala itong kaharap namin. Napabayaan na niya ang sarili niya. Mahaba na ang buhok at may bigote pa! Tsk. Ganito ba ang nangyayari sa mga nagmamahal? Tae, parang mas gusto ko nalang habang buhay maging babaero kesa magseryoso ako tapos ganito naman ang mangyayari sakin. Sabagay, ibang kaso naman itong kay Jaypee. Si Jaypee kasi torpe na nagmahal ng may mahal ng iba. Alam mo yung minsan ka na nga lang magmahal ng totoo, magtapat ng nararamdaman at ipaglaban tapos huli na. Sa isang banda ay naiintindihan ko siya, masakit mareject kung kailan kaya mo ng ilabas ang nararamdaman mo! Shit! Masyado hugot ko! Tsk.
"Pare tama si Kevin dahil sa ginawa mo mas lalo lang lumala ang lahat. Hindi lang si Kris at si Arex ang sinaktan mo. Pati mismo ang sarili mo nasasaktan mo ngayon. Nakita mo ba ang itsura ni Kris kanina? Tulala lang habang umiiyak at akay ni Jenny. Ang tanga mo pare! Mahal mo? Tapos sinaktan mo!? Kung hindi ba matuloy ang kasal nung dalawa magiging masaya ka na? Pero anong napala mo? Mapupunta na ba si Kris sayo after nito? Hindi pare kasusuklaman ka lang habambuhay ni Kris." Langya, ngayon lumalabas ang pagiging kaibigan namin ni Bladd ah? Tama si Bladd, hindi naman din kasi siya sasaya.
"Sorry mahal na mahal ko lang talaga si Kris ginawa ko lang naman yun dahil mahal ko siya. Nakipagtulungan ako kay Jessa dahil akala ko kapag hindi natuloy ang kasal nila akala ko, mamahalin na din ako ni Kris, na pwedeng ako na ang mahalin niya. Ako naman ang nauna kay Arex ee! Ako ang unang minahal ni Kris pero nagkahiwalay kami!" Napailing nalang kami ni Bladd habang umiiyak si Jaypee. Tae! Ano ba namang tama ni Kupido yan! Bakit kasi sa iisang babae pa sila ni Arex tinamaan?"Hindi ko na alam ang sasabihin ko sayo Jaypee, pero hindi lang buhay ni Kris at Arex ang sinira mo. Pati buhay mo. Nakikita mo ba ang sarili mo? Pati kompanya niyo pinabayan mo! Ang papa mo na kagagaling lang sa pagkaka-stroke? Hinayaan mo siyang mamahala ulit dahil lang sa obsessed ka kay Kris. Pare hindi lang ikaw ang nasaktan, pati kaming mga kaibigan mo nasaktan mo na rin. Alam mo ba ang nararamdaman ni Kris ngayon? Pakiramdam niya, binaboy siya. Narinig mo naman ang sumbat niya sayo kanina hindi ba? Pinagkatiwalaan ka niya pero binaboy mo siya! Bakit hindi ka nalang naging masaya na kahit papaano pwede pa kayong maging magkaibiganl?" Pero mas lalo lang siyang napahagulgol sa mga sinabi ko. Tsk. Tae pati ako naiiyak na e! Kalalaki naming tao pero nagha-heart to heart talk kami!
BINABASA MO ANG
MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)
RomanceDahil sa pagiging iresponsable, playboy, at happy-go-lucky ni Arexon, napilitan ang kanyang ama na si Ramon Alcaraz na makipagkasundo sa kanya. Within one year at hindi pa siya nakahahanap ng babaeng pakakasalan, mapipilitan ang kanyang ama na ipaka...