KABANATA 27
"I could not ask for more."···KRIS···
Matapos naming mailagay yung tinake-out namin sa sasakyan ay inakay niya agad ako sa World's of fun? T-Teka, huwag niyang sabihing kukuha ulit siya nung stuff toy? Grabe, parang kailan lang nangyari ang lahat, natawa tuloy ako sa isiping para talaga akong taga bundok nung unang pasok ko dito.
"Dito ka lang ha? Papapalit lang ako ng token." Tapos nag-smile pa siya sakin. As ussual! Parang may naghahabulang kabayo na naman sa dibdib ko.
"Sige." Nung makabalik siya, grabe ang dami niyang token na dala.
"Anong gagawin mo dyan?"
"Eto? Ikukuha ulit kita ng stuff toy."
"Dapat bumili nalang tayo? Mas mahal pa yang token kesa sa makukuha mong laruan e."
"Pero kasi, dati gustong-gusto mong ikuha kita ng ganun. Sabi mo kasi gusto mo yung pinaghirapang kunin. Pero naiintindihan ko, wala ka kasing maalala e." Tapos babalik na ata siya para ipapalit ulit yung token pero pinigil ko siya.
"Arex hindi naman yun ang ibig kong sabihin e."
"Okay lang naman Kris."
"Arex.."
"Tama ka naman eh, dapat ibinili nalang kita, tsaka nasa bahay pa naman yung stuff toy na ibinigay ko sayo ee, nasa kwarto mo pa din." Aissst! Halata namang nasaktan ko siya eee.
"Akin na yang token."
"Huh?" takang-taka lang? Haha. Ang cute ding magtaka nitong si Arex e.
"Ako naman ang kukuha para sayo. Sabi mo naikuha mo na ako. Ibig sabihin, may naibigay ka na saking pinaghirapan mo. This time ako naman ang kukuha para sayo." Hindi ko na siya hinintay sumagot, kinuha ko na sa kanya yung token at nagumpisang maglaro. Pero kainis! Nakakatwenty tries na ako wala pa din!
"Mahal hayaan mo nalang kasi.""Arex kaya ko ito noh? Trust me." Trust. Oo Arex magtiwala ka lang sakin. Pero sa tuwa ko! Sa wakas may nakuha ako! Waaah! Si Kerokeropi! Ang cute! "Yehey! Sabi sayo e! Makukuha ko! Haha. Aaah ang saya!" Nayakap ko pa siya sa sobrang saya ko. Napansin ko namang natulala siya sa ginawa ko.
'Haha tuwang-tuwa si Ate.'
'Bagay sila..'
'Ang ganda ni Ate, lalo pag ngumiti.'
Aissst, ayan na naman mga bulungan ng mga estudyante.
"Whui Arex, heto na? Nakakuha ako?" Pero niyakap niya lang ako. "Arex?" Hala naman, eksena naman ngayon sa arcade?
"Five minutes Kris, sobrang namiss lang talaga kita, two months mahal, dalawang buwan akong nagtiis." Naiintindihan ko siya kaya niyakap ko siya pabalik. Namiss din kita Arex.
'Ang swerte naman ni Kuya.'
'Oo nga! Ang ganda talaga ni Ate..'
"Shit! Hanggang ngayon ang dami pa ring nagkakagusto sayo kahit yakap na kita!" Natawa nalang ako.
"Oh, heto na." Sabay abot ko sa kanya nung stuff toy.
"Iingatan ko ito, mahal. Alam ko na, bigyan mo ng pangalan bilis!"
"Ha? Para naman tayong teenager?"
"Bakit, hindi pa naman tayo mag-asawa ah? Pakakasalan palang kita, pero teen at hearts pa rin tayo." Tapos kumindat na naman. O my! Di niya ba alam na nakakapanlambot ng tuhod yang pagpapa-cute niya?
BINABASA MO ANG
MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)
RomanceDahil sa pagiging iresponsable, playboy, at happy-go-lucky ni Arexon, napilitan ang kanyang ama na si Ramon Alcaraz na makipagkasundo sa kanya. Within one year at hindi pa siya nakahahanap ng babaeng pakakasalan, mapipilitan ang kanyang ama na ipaka...