KABANATA 25
"Is it a dream?"KINABUKASAN...
···Arexon···
"Arggghhh." Shit! Ang sakit ng ulo ko. Ilang beses pa ba akong gigising ng ganito na parang binibiyak ang ulo ko? Pero ito naman ang kailangan ko hindi ba? Kahit para paano ay makalimutan ang sakit. Shit! Sabi ko na nga ba at panaginip lang ang lahat e! Damn umasa na naman ako. Akala ko pa naman nasa harap ko na siya! Akala ko yakap ko na talaga siya. Akala ko kasama na talaga siya nila Jenny kagabi! Pero hindi. Damn. Kailan ka ba babalik sakin mahal? Hanggang kailan pa ba ako mangungulila? Pero bakit ganun? Pakiramdam ko totoo lahat ng nangyari kagabi? Shit! Sana hindi nalang ako nagising! Sana yakap ko pa si Kris. Sana kasama ko pa.rin siya ngayon kahit sa panaginip lang. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa pangungulila ko sa kanya. Mahal nasaan ka na ba. Miss na miss na kita. Sobra. I look at the clock and to my surprise alas otso palang ng umaga. Kukuha na sana ulit ako ng alak pero bumukas yung pinto.
"Tsk hoy Arexon! Ano pa bang ginagawa mo? Dapat ay maligo ka na at suyuin si Kris!?" Ano bang sinasabi nitong si Bladd? Tsaka bakit kay aga ee nandito na itong mga ito? Hindi ko sila pinansin at nagbukas nalang ako ng alak. I need to be drunk. Para kahit paano ay makalimutan ko itong sakit na nararamdman ko. Para mapanaginipan ko ulit siya. Para mayakap at makita ko ulit ang mahal ko. Damn. Umiiyak na naman ako.
"Kailangan mo?"
"Aisst. Bahala ka na nga! Kevin ipaliwanag mo nga dito! Aalis na ako, may date pa ko e! Balitaan niyo nalang ako sa panliligaw nitong si Lover boy haha." Tae, ano bang tinira nitong si Bladd?"Oh pare? Hindi ka pa nakakaligo? Grabe pare kapangit mo! Mag-ahit ka man lang nga! Baka hindi maniwala si Kris na minahal ka niya e!" Si Kevin. My eyes open wider. Naalala ko yung panaginip ko kagabi? Pero panaginip nga ba? Fuck! Hindi panaginip ang lahat?
"Hindi panaginip na narito si Kris?!" Hindi ko na siya hinintay sumagot at tinakbo ko yung guest room na tinutulugan niya pero bakit wala siya dito?
"Pare hindi ka nananaginip kagabi okay? Dahil sa kalasingan mo, natumba ka nung yakapin mo si Kris haha epic. Pero pare may problema tayo e. May amnesia si Kris remember? At wala siyang maalala."
"Pero paano? Naaksidente ba siya?" Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Shit. Kinakabahan ako.
"Kung puntuhan mo na kaya siya kila Jenny at ipaalala ang lahat ng meron kayo? Pero bago yan pare pwede bang maligo ka muna? Nangangamoy ka na e." Inamoy kong bigla yung sarili ko at tama siya! I glared at him. Kulang nalang kasi magpagulong-gulong siya sa harapan ko pssh. Naligo ako ng mabilis. Nag-ahit na din ako. Sobrang bilis ng mga paggalaw ko dahil natatakot akong hindi ko na naman siya makita. Baka umalis na naman siya o hindi ko siya abutan. Damn. Sobrang kinakabahan talaga ako. My heart was racing so fast na parang may mga elepante na sa dibdib ko.
"Oh anak? Nagmamadali ka? Pupuntahan mo na ba si Kris?"
"Yes Mom teka alam niyo na?"
"Naikwento na sakin ni Bladd at Kevin kanina. Goodluck anak. Kung kinakailangang ligawan mo si Kris gawin mo. Hindi ka man maalala ng isip niya ay sigurado akong maaalala ka ng puso niya."
"Thanks mom."
"Don't forget na bilhan siya ng mga bulaklak. Pero isipin mo anak ah? Ngayon mo palang liligawan si Kris, pagbutihan mo at ng matuloy na ang kasal ninyo." Ngumiti nalang ako kay Mommy. Tama siya. Kung kinakailangang ligawan ko ulit siya gagawin ko pero paano? Anong alam ko sa panliligaw? Takte! Sumakay agad ako sa sasakyan ko.
"Hello Jenny. Si Kris?"
"Ha? Ee ano tulog pa ee."
"Okay papunta na ako dyan." Damn! Kung pwede ko lang paliparin ang sasakyan ko para lang makarating agad sa bahay nila Jenny! Dapat ata yung bigbike ko nalang ang sinakyan ko e! Tsk. I miss her. Sobrang gusto ko na siyang makita at mayakap. Pakiramdam ko yung minuto na hindi ko pa siya makita ay taon na ang katumbas. Dumaan muna ako sa flower shop gaya ng sabi ni Mommy. Naaksidente ba siya kaya hindi siya nagpakita ng dalawang buwan? Kaya hindi niya kami matandaan. Pagkababa ko palang ng sasakyan pakiramdam ko nanginginig ang mga tuhod ko. "Tao po."
BINABASA MO ANG
MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)
RomanceDahil sa pagiging iresponsable, playboy, at happy-go-lucky ni Arexon, napilitan ang kanyang ama na si Ramon Alcaraz na makipagkasundo sa kanya. Within one year at hindi pa siya nakahahanap ng babaeng pakakasalan, mapipilitan ang kanyang ama na ipaka...