KABANATA 1: "The Groom"

8.9K 67 2
                                    

"My Contract Wife"
KABANATA 1
"The Groom"

···AREXON···

"Arexon! Huwag na huwag mo akong tatalikuran hindi pa tayo tapos mag-usap!" galit na galit na sabi ni Daddy.

"Yeah yeah. Para ano pa ba? Alam na alam ko naman na ang sasabihin niyo kaya niyo ako pinatawag!" I shouted.

"Bakit ba kasi hindi ka pa humanap ng matinong babae para naman may maiharap ka na sa simbahan! Para hindi na rin kita inihahanap pa ng ka-blind date! Gusto ko ng magkaapo! Anong malay mo kung isang araw hindi mo na ako mamulatang buhay?"

"Dad mas malakas ka pa sa sampung kalabaw kaya huwag mong sabihin yan. Paano naman akong makakahanap ng mapapangasawa? Sa dami ng nirereto niyo sakin wala na akong time maghanap ng babaeng gusto ko at mamahalin ko."

"Okay son. Let's have a deal. One year. Isang taon Arexon! Kung hindi ka makahanap ng babaeng ihaharap sa akin par1akasalan sa loob ng panahong ibinigay ko? Ipakakasal kita sa pinakaayaw mong babae sa lahat at yun ay si Jessa Martin."
   
"Fuck that! Hindi mangyayaring magpapakasal ako sa babaeng yun! She's a pain in the ass! Fine. After one year maghintay ka Dad!" At mabilis na akong umalis ng Mansion ng mga Alcaraz. Pinasibat ko ang big bike ko ng mabilis. Shit! Saang lupalop naman ako kukuha after one year ng babaeng pakakasalan ko? Ayokong makasal sa spoiled brat at clingy na babaeng yun. Never. Damn. Sabagay one year is too long. After a year ko na poproblemahin yang dare ni Daddy. Pssh. Nakakainis lang dahil lalaki ako! May karapatan akong ienjoy ang buhay ko! Sa ngayon gagawin ko ang gusto ko. I'll enjoy my freedom. Ie-enjoy ko ang buhay binata. I need to get drunk. Pinaharurot ko yung motor ko papunta sa Bar ni Lucas.    

By the way I'm Arexon Alcaraz. Nag-iisang tagapagmana ng mga ari-arian ng aking mga magulang na sina Julieta at Ramon Alcaraz. And when you say ari-arian? Mga clothing lines ni Mama. Mga Pawnshops. Mga lupang sakahin. Mga niyugan. Mga Resorts. Name it? We have it! Masyadong addict sa trabaho ang mga magulang ko kaya kung saan-saan ininvest ang mga kayamanan nila. Well pabor naman sakin! Kahit kasi hindi na ako magtrabaho? Alam kong mabubuhay ako sa karangyaan. Twenty eight na ako pero hindi parin ako tumutulong sa pagma-manage ng mga negosyo namin. Ang tanging hilig ko ay ang uminom sa mga bars kasama ng barkada ko. Flirt with the bitches. Dating o kung sinuswerte ay ikama ang mga babaeng nakakasalamuha ko. With my looks? Sinong hindi mahuhumaling? At sa dami ng pera ng pamilya ko maraming babaeng magkakandarapa para makasama ako. Wala pa sa isip ko ang pagaasawa kaya naiinis ako tuwing babanggitin yun ni Daddy. Hindi pa ako sawa sa buhay binata for fvcking sake! Pero napasubo na ako sa deal namin ni Daddy. Fuck pero huwag lang akong makasal sa babaeng yun? Gagawa ako ng paraan para hindi ako matali sa Jessa Martin na yun! Pangalan palang niya kinikilabutan na ako makasal pa kaya sa kanya?

*AT THE BAR*

Nakababa na ako sakay ng bigbike ko. Hinanap ko agad ang pamilyar na mukha na siyang may ari nitong Cutie Bar. I know ang weird ng name ng bar nitong kaibigan ko. Bahog ee. Pssh. Ipangalan ba naman sa tawag niya sa ex-girlfriend niya? Ee tinangkilik ng marami. Kaya hayan! Hindi na mapalitan ang pangalan! Nakita ko na siya kaya agad ko siyang kinawayan.

"Lucas! Bro!" Siya si Lucas Mauricio. Ang pinakamatalik kong kaibigan sa barkada. Twenty eight years old at siyang bukod tanging may sariling pinagkakakitaan sa aming limang magbabarkada. At hanggang ngayon bitter parin sa ex-girlfriend/fiance niyang si Claris. Yeah, her only cutie na iniwan siya sa isang bigtime na Australiyanong Bussiness man na si Jimmy Mc Kenley. By the way that's history!

"What brings you here?" Inakbayan ko siya agad.

"Iinom gago!" Asar ko sa kanya.

"Gago ka din haha tara sa VIP room!"

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon