KABANATA 4
"Offer"···Kris···
A week later...
Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila Sir Arexon. Hanggang ngayon nalulula pa din ako sa laki ng tirahan niya. Parang palasyo sa laki. Parang sa telebisyon mo lang makikita. Sumilip ako sa gate pero walang tao. Bakit wala yung guard? Kahit si Manong driver wala. Nandito ako para tuparin yung mga sinabi ko. Hindi naman komo nailibing na si Lola ay tatakasan ko na yung naging utang ko. Wala man akong pera sa ngayon pero gusto kong malaman kung anong kapalit ang hihingin niya. Kahit ano gagawin ko para makabawi sa kanya. Sa panahon ngayon madalang nalang sa mga mayayaman ang mabilis magtiwala. Kung tutuusin pwede niya akong tanggihan at paalisin pero hindi niya ginawa at binigyan agad ako ng malaking halaga. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. Sa tulong niya naiburol at naipalibing ko ng maayos ang lola ko. Sa pagluluksa ko ay laging nasa tabi ko ang kaibigan kong si Jenny at nagpapasalamat ako sa presensiya niya dahil talagang napakalungkot ko sa pagkawala ng lola ko na siya na lamang pamilya ko. But life must go on ika nga. At marunong akong tumupad sa pangako. Yun nalang kasi ang maipagmamalaki ng isang-kahig, isang-tukang gaya namin. Dignidad nalang ang meron kami. Tinawagan ko muna siya. Mabuti nalang at nasa akin pa din yung calling card niya. Tinext ko naman na siya kagabi na ngayon ako pupunta at nag-okay siya. Pero parang wala siya dito sa bahay. Bakit hindi siya sumasagot? Nakakailang dial na ako ng sa wakas ay sagutin na din niya!
"Hello? Shit baby stop! May kausap ako!" Huh? Sinong kausap niya at bakit parang hinihingal siya?
"Hello? Sir Arexon si Kris po ito nandito na po ako sa tapat ng bahay ninyo."
"Fucking shit! Kris? Kris Asuncion? Damn. Sorry nakalimutan kong may usapan tayo. Wait for me. I'll be there in thirty minutes!"
"Baby sino ba yan? Please stay for a while. Sobrang namiss kita and we're not yet done!"
"I need to go. Kris are you still there? Paalis na ako." Yun lang at pinutol na niya ang linya. Parang alam ko na kung ano ang ginagawa niya. I mean nila! Mukhang may girlfriend na ata siya. Grabe ang swerte naman ng babaeng minamahal niya? Sobrang bait ni Sir Arexon. Sayang. Crush ko pa naman siya. Kahit sino naman siguro magkakagusto sa kanya. Bukod sa gwapo at mayaman. Hmmm mabait at magaan ang loob ko sa kanya.
···Arexon···Shit! Bakit ba nakalimutan kong ngayon darating si Kris? Damn it! Ang kulit kasi ni Chelle ee! I admit she's good when it comes to bed but sometimes nagiging clingy na siya! At lalaki lang ako. Babae ang kahinaan ko. Besides sexy din siya. But I need to hurry. Kahit magalit pa siya sa pagiwan ko sa kanya mas mahalaga si Kris.
"Baby naman. Sino ba yun? Please huwag ka naman umalis!"
"Chelle kahit gusto kong magstay at ituloy ang ginagawa natin a while ago. Pero mas mahalaga itong tawag na ito kahit kanino man. Buhay ko ang nakasalalay." Yeah buhay ko talaga ang nakataya! Ayoko pang maging impyerno ang buhay ko kasama ang isang Jessa Martin na yun. Nagbihis na ako at agad na pinasibat itong big bike ko. I look at my watch and damn. "Fuck! Alas tres na?" Baka umalis at mainip yun. But worst is baka abutan siya ni Daddy at mapurnada ang mga plano ko! Ang tanga ko kasi dapat sa isang restaurant nalang kami nagkita. Sobrang bilis ng takbo ko. Ni hindi ko alam kung ilang minuto ko lang tinakbo itong mansion! Agad akong bumaba ng motorsiklo at nagtatakbo sa loob ng mansion but damn! Napamura nalang ako ng mahina. "Shit!" mahina kong bulong. Paano ba naman? Kaharap na ng daddy ko si Kris ngayon. Dammit sana wala pang naikukwento itong si Kris. Patay ako kapag nagkataon! "Dad! Bakit ang aga niyong umuwi? H-hindi ba alas siete pa ang tapos ng meeting niyo?" I look at Kris. Nakayuko lang siya. Damn I feel so nervous. Pakiramdam ko dinadaga itong dibdib ko!
BINABASA MO ANG
MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)
RomanceDahil sa pagiging iresponsable, playboy, at happy-go-lucky ni Arexon, napilitan ang kanyang ama na si Ramon Alcaraz na makipagkasundo sa kanya. Within one year at hindi pa siya nakahahanap ng babaeng pakakasalan, mapipilitan ang kanyang ama na ipaka...