KABANATA 8: "Confession"

2.1K 31 2
                                    

                       "KABANATA 8"
                         "Confession"

···KRIS···

"Arex?"

"Hmmm?" Yakap niya lang ako habang nakahilig ang ulo ko sa mga balikat niya. Kinakabahan ako. Para saan ba ang lahat ng ito. Kahit kinikilig ako hindi ko mapigilang hindi magtaka.

"B-Bakit? May problema ka ba?"

"I just want to hug you." Nagulat ako dahil isinayaw niya ako. Walang tugtog kaya nailang ako.

"Arex. Hindi kasi ako marunong sumayaw. Isa pa wala namang tugtog." Nakagat ko yung labi ko. Nahihiya ako. Naiilang. Nagbaba ako ng mukha.

"Pakinggan mo yung tibok ng puso ko. Yun ang ritmong sundin mo." Hindi ko alam kung bakit sinunod ko yung sinabi niya. Kusa kong isinandal ang tenga ko sa dibdib niya. Yung mga kamay ko ay ipinatong ko rin doon. He grab my waist. Kung may makakakita samin ay iisipang inlove na inlove kami sa isa't-isa. Napangiti ako. Sana totoo nalang ang lahat. Sana totoong mahal niya ako o kahit gusto man lang. Pero napapitlag ako. Yung tibok ng puso niya kinapa ko yung tapat ng puso ko. Halos magkaparehas ang bawat pagtibok. Sobrang bilis! Napatingin ako sa kanya.

···Arexon···

Pagkatapos naming magusap ni Lucas sa phone ay para akong natauhan. Bakit nga ba ako magmumukmok? Dapat ay gumawa ako ng paraan para ipaglaban ang nararamdaman ko. Tama si Lucas, mahaba na ang pinagsamahan nila, hindi ko na mabubura yun pero pwede naman akong gumawa ng sarili naming memories ni Kris hindi ba?

"Dad. Pwede bang utusan mo yung secretary mo? Magpaorder ka ng scented candles and imported roses."

"Why son?" Si Mommy na abot tainga ang ngiti sakin. Parang nanunudyo. Pssh.

"Mom I have a big surprised para sa magiging manugang ninyo."

"Oh? Talaga ha? Nasabi ng daddy mo na dito na pala siya titira?"

"Yes mom, hindi kasi ako mapakali kung malayo siya sakin. May lagnat siya kahapon kaya hindi ko kayo naipakilala."
              
"Sabi na sayo mom, nagbago na yang anak mo buhat ng makilala yang future wife niya." Si Daddy.
       
"I want to meet her." Si Mom habang nakangiti sakin.

"Mom i'm sure you'll definitely love her."

Pagdating palang nung mga roses ay agad ko ng inayos ang guest room na kanyang ginagamit. Matuwa kaya siya dito? Sana naman. Nung narinig ko na yung mga yabag na papalapit at pagtawag niya sakin ay mabilis akong nagtago. Damn. I'm fucking nervous right now! 

"Arexon? Arex? Nandyan ka ba?" Binuksan niya yung ilaw. Napangiti tuloy ako, alam kong nabigla siya pero kitang-kita ko yung amusement at ngiti sa mga labi niya. "Arex, nasaan ka ba? Ano bang meron?" Lumabas na ako upang magpakita sa kanya. Sa pagmamadali ko ay hawak ko pa pala itong bote ng wine. Damn. Natataranta ako.

"Nagustuhan mo ba?"

"Bakit? Para saan ito?"

"Pwede ba kitang maisayaw?" Kitang-kita ko yung pagtataka sa mukha niya. Nung inilahad niya yung kamay niya, ewan ko ba kung bakit niyakap ko siya agad. I missed her damn much! Imagine? Ilang oras lang siyang nawala at hindi ko nakasama? Tapos heto. Damn. I'm under her spell. Arggghh Kris, ano bang ginagawa mo sakin?

"Arex."

"Hmmm?" I love her lovely scent. I know she can hear my heartbeat.

"B-Bakit? May problema ka ba?"

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon