"KABANATA 10"
"Effort"
···AREXON···Damn! First date namin ito pero mukhang mapapahiya pa ata ako. Shit! Ni hindi nga ako nakakapasok sa Jollibee na yun? Sa fine dining restaurant lagi nag-yayaya yung mga babaeng nakasama ko. Damn i'm so dead. Pero hindi ko naman gustong malungkot si Kris. Aissst! Bahala na nga! Ang saya-saya niya, mukhang excited siyang kumain dito. Taena naman. Pagpasok pa lang namin sa loob? Fuck! Ang daming tao! Kaya pala Jollibee e, parang mga bubuyog sa dami ang mga customer dito. Tsk.
"Kris? Ayun may vacant. Umupo ka na dun. Order lang ako."
"Sige." See? Paano kong matatanggihan itong si Kris? Ee isang ngiti niya lang para akong natutunaw. Pumunta na ako sa counter kaso. Arggh! Kaya ayokong kumakain sa fast food e! Pipila ng napakahaba tapos ikaw pa magdadala ng inorder mo! Aisst! Binilang ko pa talaga kung pang-ilan ako. At sa ka-swertehan? Pang-walo ako! Aisst kung hindi ko lang gustong mapasaya si Kris e! Nang sa wakas ako na. Heto naman ang problema, hindi ako marunong umorder dito! Di ako pamilyar sa mga meals dito. Damn nagmumukha akong taga-pluto nito e!
"Good morning sir. Welcome to Jollibee. What's your order?" Fuck! Ano isasagot ko? Nakakahiya pero wala akong alam sa mga meals dito!
"Ah ee ano bang masarap?" Putek pinagtawanan pa ako ng cashier dito! Malay ko bang umorder dito? "Sorry miss ngayon pa lang ako kakain dito. Gusto lang ng fiancee ko na kumain dito kaya pinagbigyan ko." Bulong ko.
"It's okay sir, mamili nalang po kayo sa menu." Tapos tinuro niya yung menu daw sa taas. Haist nagiging engot ako dito sa malaking bubuyog na ito e! Pssh. So ayun, may nakita kong spaghetti, fried chicken, may ice cream, palabok, fries at kung ano-ano pa! Di ko talaga alam kung anong oorderin ko kaya inorder ko nalang lahat! "Ah sir, papa-assist ko nalang po kayo." Tsk. Pinuntahan ko agad si Kris. Langya. Sa dami ng tao ang hirap makiraan.
"Arex! Naka-order ka na?" Parang nawalang bigla yung inis ko. Mukhang excited talaga siya. Sakto naman at nakasunod na pala yung mga inorder ko. "Arex? Sa atin ba lahat yan?"
"Yep."
"Ang dami naman ata, mauubos ba natin yan?"
"Sorry Kris ah? Ngayon pa lang din kasi ako nakapunta dito kaya hindi ko alam ang oorderin." Napakamot ako ng ulo. Tapos bigla nalang siyang tumawa. Aisst nakakahiya! Dapat hindi ko nalang inamin ee.
"Haha, Arex. Haha ano ba yan sorry kasi naman ee. Sa yaman mong yan? Hindi ka pa nakakapunta dito? Totoo?" Tss. Puro bar lang kasi ang madalas kong puntahan and hotels. Pero noon yun. Nung hindi pa kami nagkakakilala. Nung mailapag lahat ng inorder ko? Wala ng space sa table! Kinulang pa nga ng table kaya ipinaghila pa kami ng extra ng isang crew."Kain na tayo?" Alanganing tanong ko sa kanya. Mukha namang masaya siya kaya kumain nalang din ako. Infairness masarap naman pala ang pagkain dito.
···KRIS···
Napapansin ko si Arex kanina pa bago palang kami pumasok dito sa Jollibee, parang hindi siya mapakali. Pero hindi ko nalang pinansin. Excited talaga kasi akong pumunta dito e. Sayang hindi ko kasama si Jenny.
"Arex! Naka-order ka na?" tanong ko agad sa kanya nung balikan niya ako dito sa table. Pero nagulat ako nung dumating yung tatlong crew. Teka hindi naman samin lahat yan hindi ba?
"Arex? Sa atin ba lahat yan?"
"Yep."
"Ang dami naman ata, mauubos ba natin yan?" Waaah samin nga! Paano namin uubusin yan? May fried chicken, spaghetti, fries, burger, may ice cream pa, halos lahat ata inorder niya!
BINABASA MO ANG
MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)
Любовные романыDahil sa pagiging iresponsable, playboy, at happy-go-lucky ni Arexon, napilitan ang kanyang ama na si Ramon Alcaraz na makipagkasundo sa kanya. Within one year at hindi pa siya nakahahanap ng babaeng pakakasalan, mapipilitan ang kanyang ama na ipaka...