KABANATA 5: "Agreement"

2.9K 39 0
                                    

   KABANATA 5
   "Agreement"

···KRIS···

Nagkasundo kami sa ilang mga bagay. Dahil pumayag ako sa tulong na hinihingi niya ay may ilang kondisyon akong hiniling tulad ng bawal kaming magtabi sa isang kama at walang pakialamanan sa kanya-kanya naming lakad. Hiniling ko din na hindi niya ako pwedeng halikan nalang kahit kasal pa kami na kinontra niya dahil hindi daw maiiwasan yun lalo at nagpapanggap kami. Pumayag n din ako basta kapag hiningi lang ng pagkakataon. Magpapakasal lang naman kami dahil sa daddy niya ee. Para maiwan yung Jessa Martin na yun. Pero kaiba sa ibang mga kontrata wala kaming papel na nagsasaad ng kontrata namin. Sabi niya mainam na raw na walang ebidensiya at okay lang naman sakin yun. Hindi ko naman siya sasamantalahin gaya ng ini-expect niya sa mga babaeng naalok na niya before. May isang salita ako at kung kailan niya gustong ipa-annul ang kasal na magaganap ay papayag ako. I am now his Contract Wife. Kunyari lang. Walang emotional attachment. Just a contract wife.

Number one. Kailangang walang makaalam na kahit sino tungkol sa kontrata namin pero hiniling kong baka pwede kong sabihin yun sa bestfriend ko. Okay lang naman daw yun sa kanya dahil alam din ito ng mga kaibigan niya dahil ideya pala ito ng mga yun.

Number two. Gaya nga ng sinabi niya baka hingin ng pagkakataon na maakbayan, mahalikan o magpakita kami ng sweetness sa harap ng ibang tao na natural lang naman sa isang couple. Naiintindihan ko naman pero kung maiiwasan ay baka pwedeng iwasan.

Number three. Tatagal ang kontrata namin ng tatlong taon para walang magtaka kung bakit agad kaming maghihiwalay kung mapagpasyahan naming ipawalang bisa na ang kasal namin. Pwede daw naming palabasin na hindi nagwork-out ang relasyon namin na wala namang problema sakin. Pabor pa nga dahil hindi ko poproblemahin ang kakainin ko sa loob ng tatlong taon.

Number four. Halos mapatalon naman ako sa tuwa ng sinabi niyang may allowance akong 30k a month! Aba okay na yun ano? Makakaipon ako ng walang kahirap-hirap! Natupad ko na ang pangako ko natulungan ko pa siya at kung sakaling maghiwalay na kami may magagamit akong panghanapbuhay. Pwede akong kumuha ng pwesto sa palengke para naman may mapagkunan ako after naming maghiwalay. Ang kinatakot ko lang ay kung paano kung itanong ng mga magulang niya kung paano kami nagkakilala. Ni wala nga kaming alam tungkol sa isa't-isa. Pero tsaka ko na siguro yun itatanong sa kanya. Nung magkasundo kami sa lahat ng bagay ay lumabas na kami ng kwarto niya. Pababa na kami papuntang sala nila pero nagulat kami parehas ng may wedding planner ng kasama ang daddy ni Sir Arexon!

"Oh yari na ba kayong dalawa? I'm sure may apo na ako this time haha. Kaya naman pinatawag ko na itong wedding planner para mai-set na ang kasal niyo. Gusto ko by next month maikasal na kayo!" Nabigla ako pero pati si Sir Arexon nabigla din. Ramdam kong namumula na rin ako.

"Dad kakikilala niyo palang ni Kris. Ni hindi pa siya nakikilala ni mommy! Tapos kasal agad?" Mukhang napu-frustrate na tanong ni Sir Arexon.

"Alam mong gusto na kitang makitang ikasal Arexon at ngayong nakita mo na ang babaeng ihaharap mo sa altar bakit patatagalin pa natin? Isa pa tama na ang buhay binata!" Ang balak kasi namin ay sasabihin palang namin sa daddy niya ang tungkol sa balak sana naming pagpapakasal pero wala na kaming nagawa! Hindi ko naman magawang magprotesta dahil tuwang-tuwa ang daddy niya. Hindi ko naman pwedeng kontrahin ang gusto nila. Isa lang akong tauhan sa bahay na ito. Isa pa ang lola ko lang ang tanging pamilya ko at alam ko ang pakiramdan ng masaya ang mahal mo sa buhay. Wala ng mas sasaya pa na makita mong masaya ang pamilya mo.
After ng kung ano-anong katanungan ng wedding planner hinatid na ako ni Sir Arexon pero halatang nabigla siya sa itsura ng tirahan namin. Sa antas ng pamumuhay nila, natural lang ang reaksyon niya. Isang malakas na bagyo nga lang ata at liliparin na ang bahay namin. Hindi ko nga alam kung ano magiging reaksyon ng Daddy at Mommy niya kapag nalamang hindi ako galing sa maganda at mayamang pamilya.
Inalok ko siyang pumasok muna pero tumanggi siya. May lakad pa raw sila ng mga kaibigan niya. Nung makaalis siya ay siya namang pagdating ni Jenny. Ikinwento ko sa kanya lahat at halatang nagulantang din siya sa mga pangyayari sa buhay ko. Pero tuwang-tuwa naman siyang sa isang mayaman at gwapo daw ako makakasal kahit na nga Contract wife lang ako. Buti pa raw ako at matutupad ko na ang pangarap namin. Pero isa lang ang tanging nasa isip ko sa ngayon. Paano kung magkagusto ako sa kanya? O kung mahalin ko siya? Kakayanin ko kaya na makipaghiwalay pa? May paghanga ng namumuo sa damdamin ko para sa kanya what more kung makasama ko pa siya? Isang malaking problema yun kapag nagkataon. Mas mainam na hanggat maaga rendahan ko na ang puso ko para sa kanya. Sana lang talaga hindi ko pagsisihan ang desisyon ko ngayon.

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon