KABANATA 28: "Simon"

977 14 0
                                    

KABANATA 
"Simon"

···KRIS···

Alas tres na ng hapon ng makauwi kami ni Arex. Pagkaparada niya ay agad niyang hinawakan yung kamay ko.

"Mahal, nag-enjoy ka ba?" Tumango nalang ako at nginitian ko siya.

"Mahal pwede ba ulit tayong lumabas bukas?"

"S-Sige."

"Thank you Kris. Tara na bumaba na tayo. Nasa loob na daw sila Lucas." Inalalayan niya ulit akong bumaba. Infairess ah? Ang sweet talaga ni Arex. Sweet naman na siya dati pero mas sweet siya ngayon.

"Kris! Oh my! May naghahanap sayo!" Si Jenny na niyakap agad ako bago pa ako makapasok sa mansion.

"Huh? Sino naman?"

"Ako."

"SIMON? Wow! Paano mo akong nahanap? I missed you!" Naging kaibigan ko si Simon sa Bulacan. Mabait siya, gwapo. Pero may tinatagong lihim. Nagkasundo kami agad. Nag-click kami sa isa't-isa. Ang totoo ay alam niya na wala naman talaga kong amnesia. Alam niya kung bakit ako napadpad sa lugar nila.

"Haha grabe naman Kris. Ang higpit naman niyan parang isang linggo mo lang akong hindi nakita? Haha."

"Paano mo nga ako nahanap?"

"Binigay sakin ni Lola Idyong yung address mo. Ano ba yan pagbalik ko wala ka na?" Natawa naman ako nung ngumuso pa siya! Kahit kailan talaga siya lang ang nakakapagpatawa sakin. Ang pangit kasi niyang mag-pout haha ang OA!

"Wala ba akong pasalubong?"

"Syempre meron.."

"Ehemmm." Nakalimutan ko na si Arex. Nung lingunin ko siya? Tsk. Nagseselos na naman ito!
                                                                   
"Ah ee ano Simon siya si Arex. Arex, si Simon pala." Bakit ba kinakabahan ako? Grabe bakit ba ganyan sila magtinginan? Okay naiintindihan ko si Arex pero si Simon? Anong pinaglalaban nito?

"Ah hehe Kris, Arex, Simon? Tara na sa loob? Nandoon na sila Jaypee inaantay na kayo." Mukhang naramdaman din ni Jenny yung meralco sa gitna ng dalawa. Waaah kinakabahan ako!

···Arexon···

Damn it! Ayos na ee! Ang saya na nung date namin ni Kris, ramdam kong kahit papaano may naaalala na siya. O kung hindi man ay, naaalala na ako ng puso niya pero bigla may eeksenang epal? Pssh. Simon? Tsk. Pangalan ko palang mas gwapo na e! Tae! Nakakainis yung yakap ni Kris sa kanya! Napakahigpit na parang ayaw na niyang pakawalan yung lalaking ito! Pakiramdam ko magwawala na ako sa selos kaya tumikhim na ako. Peste! Nung una si Jaypee, ngayon naman itong Simon?

"Oh? Arex hinay-hinay naman sa pag-inom obvious ka magselos e. Kaibigan nga lang hindi ba?" Si Lucas. Oo sabi ni Kris kanina kaibigan lang pero bakit kailangan nilang lumayo samin para lang makapagusap sila? Nandun sila sa garden ngayon at tanaw na tanaw ko kung paano umakbay ng gagong ito sa mahal ko! Peste, isa nalang talaga. Bi-bingo na itong kolokoy na ito sakin!

"Haha, ano ka ba? Sa halip na maglasing, abay galaw-galaw baka maungusan hehe. Manok pa naman kita, forever KrisArex ako no!" Si Jenny. Tsk. Sige pagtulungan ninyo pa ako!

"Oo nga naman pare ano ba kasing ginawa ninyo at mukhang wala man lang kahit anong naalala si Kris?" Si Kevin.

"Oh baka naman palpak manligaw itong si Arex? Hindi marunong manligaw yan hindi ba?" lokong Bladd ito!

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon