KABANATA 31
"Her Kryptonite"···Kris···
"Kris! This is it! Kinakabahan ka ba?" Tanong sakin ni Jenny. I smiled at her. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. It's our big day. Tama kayo, ngayon ang kasal namin ni Arexon at totoo pala yung sinasabing halo-halong emosyon ang nararamdaman mo once suot mo na ang iyong Bridal Gown! Kaba? Nerbyos? Excitement? Takot? Saya? Dalawang linggo matapos mag-proposed sakin ni Arex ay itinakdang muli ang pag-iisa namin. Syempre, katulad ng dati ay sila Mommy at Daddy ang nag-asikaso ng lahat. And now after an hour I will be Mrs. Arexon Alcaraz. Pero aminado akong mas kinakabahan ako ngayon kesa noong una.
"Kinakabahan pero mas lamang ang saya." niyakap niya ako at hindi ko mapigilang hindi maiyak.
"Aissst! Huwag ka ngang umiyak! Masisira ang make-up mo oh? Ang ganda-ganda ee!" Humiwalay ako sa kanya, natawa nalang ako ng bagya bago punasan ang mga luha ko, ang berat kasi siya kaya iyak ng iyak.
"Masaya lang ako Jenny. Masayang-masaya. Akala ko ay hindi na matutupad ang matagal ko ng pangarap."
"Ang alin? Yung pangarap nating makasal sa gwapo at mayamang lalaki?" Panunukso niya sakin. Yeah, but that was before.
"Sira! Kaya ko lang naman pinangarap yun ay noong buhay pa si Lola Elay! Sobra ko siyang mahal na gusto kong mabigyan siya ng magandang buhay. Ang sinasabi kong pangarap ay ang makasal ako sa lalaking pinakamamahal ko. Bonus nalang siguro ngayon ang pagiging mayaman ni Arex, dahil sa totoo lang? Kahit sa barung-barong lang kami tumira ay ayos lang basta kasama ko siya." Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko, sana ay nandito pa si Lola, sana ay nakikita pa niya akong lumakad sa harap ng altar. Missed na missed ko na siya.
"Sssh. I know. Tsk. Tama na nga! Masisira sabi ang make-up ooh? Isa pa Kris, kung nasaan man si Lola Elay ay masaya na siya para sayo. Na nakita mo na ang lalaking mamahalin mo sa habang buhay. Isa pa, nandyan na si Lola Idyong, parang kasama mo na rin ang lola mo." Napangiti ako sa sinabi ni Jenny. Tama siya. Isang linggo kasi bago ang kasal na ito ay sinundo namin si Lola Idyong sa Bulacan at inayang sa mansion na tumira.
"Thank you Jenny at masaya rin ako para sayo, nakita mo na rin ang prince charming mo. Mayaman at Gwapo sa katauhan ni Lucas Mauricio!"
"Thank you Kris, sayo nga ako dapat magpasalamat. Kung hindi mo ako isinama sa bar ni Lucas nung araw na ipinakilala ka ni Arex sa barkada hindi ko makikilala si Lucas. Ikaw ang naging daan para mahanap ko rin ang kaligayahan ko ngayon." Next month kasi ay sila naman ang ikakasal. Masyadong excited si Lucas at takot na makakita pa ng iba si Jenny. Pero para namang maghahanap pa ng iba si Jenny e parang may bituin ang mga mata nito kapag nakikita na si Lucas. My bestfriend is so much in love with him. Nakikita ko yun. Ganun din kayo ako kapag malapit si Arex. Isa pa ang swerte na nga namin ni Jenny. Kahit para kaming si Cinderella, may prince charming pa pala na darating at mamahalin kami ng buong puso. Niyakap ko nalang si Jenny. I can feel my body shaking. This is it. Asawa. Yes, magiging asawa ko na ang lalaking pinakatatangi ko. At totoong napakasaya ko, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sabi nila bawat isa sa atin ay may nakatakdang kabiyak, mamahalin, soulmate. Pero alam kong kapalaran na magkita kami sa ospital. It's Destiny. Destiny ang nag-plano kung paano kami magkikita. Destiny na naging Contract wife niya ako. Destiny na sinubok kami upang tumatag at ngayon? Destiny na kami ang magkatuluyan. Mahal na mahal ko siya na hindi ko lubos maisip na gigising ako isang araw na wala siya sa tabi ko.
"Tayo na sa simbahan?" Tumango nalang ako sa maid of honor ko. Yes. Si Jenny lang naman ang kaibigan ko noon pa man ee. No choice ako haha. "You're beautiful Kris. Mahal kita alam mo yan. Kapag pinaiyak ka ni Arex kung sakali, takbo ka lang sakin uupakan ko yun!" natawa naman ako, talagang ikinuyom pa ang kamao.
"Sira. Mahal ako ni Arex at alam kong hindi niya ako sasaktan. Isa pa, ni hindi na nga yun tumitingin sa ibang babae, maliban nalang kung kinakailangan sa trabaho."
"Tama ka dyan Kris, loyal na loyal e! Sabi ni Lucas dati daw talaga playboy yan, kabi-kabila ang babae pero nung makilala ka? Ibang Arex na daw ang nakita nila. Takot na mawala ka na naman."
"Dapat lang ano! Saktan niya ang puso ko at iuumpog ko ang ulo ko sa pader para magka-amnesia na ako ng tuluyan!" Nagkatawanan nalang kami.
"Hala Kris? Tara na! Male-late na pala tayo!"
"Ha? Nasarap ang kwentuhan natin."
*kringggg*
"Oh Hon? Ha? Hahal papunta na kami. Huwag kang magulo! Sige na! bye."
"Si Lucas?"
"Oo kanina pa daw hindi mapakali si Arex.."
"Ha? Maaga pa naman indi ba?"
"Oo maaga pa, o siya tara na! Hayaan mong mag-hintay ang groom! Baka akala hindi ka na naman sisipot!"
"Na hindi mangyayari, tara na?"
BINABASA MO ANG
MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)
RomanceDahil sa pagiging iresponsable, playboy, at happy-go-lucky ni Arexon, napilitan ang kanyang ama na si Ramon Alcaraz na makipagkasundo sa kanya. Within one year at hindi pa siya nakahahanap ng babaeng pakakasalan, mapipilitan ang kanyang ama na ipaka...