Save me

121 9 3
                                    


Pagkauwing pagkauwi ng dalawa ay agad silang sinalubong ng mga kaibigan.

Karylle : Sorry pinagalala ko kayo.

Vhong : San ka ba galing?

Billy : Ayos ka lang ba?

Anne : Wag ka na ulit aalis ng di namin alam ha.

Habang kinakamusta naman ng mga kaibigan si Karylle. Napansin naman ng huli ang biglang pag alis ni Vice na nagtungo sa kung saan.

Sa kabilang banda naman di maintindihan ni Vice kung bakit ba siya nagagalit dahil ba pinagalala siya ni Karylle o dahil kay Neil na ramdam nyang may kakaiba dito.

-

Nagdaan ang oras na di parin pinapansin ni Vice si Karylle, di siya galit di rin siya nagtatampo pero di rin niya alam kung ano talaga ang nararamdaman niya. At yon ang dahilan kung bakit di niya magawang pansinin ang kaibigan.

Tanghali. Pagkatapos na pagkatapos kumaen tumayo na agad si Vice sa mesa at umalis. Nagtataka naman ang lahat sa kanina pa nito inaasal pero alam nilang may problema.
.
.
.
At alam na alam ni Karylle na siya ang problema, kaya after lang na umalis si Vice ay agad niyang sinundan ito.

Samantalang dumiretsyo si Vice sa balcony ng bahay upang magpahangin dahil buong araw na siyang ginagambala ng nararamdaman. At para makalayo narin kay Karylle ngunit bigo ang kanyang plano dahil sinundan pala siya ng taong iniiwasan niya.

Karylle : Vice sorry na.

Palambing na bungad ni Karylle sa kausap. Pero tinignan lang siya nito at dineadma.

Karylle : Dahil ba to sa nangyari kanina? Di ko naman sinasadya na pagalalahanin kayo, di na ko nakapagpaalam kasi tulog pa kayo.

Vice : Eh bat di mo man lang nasabi na may kakilala ka dito?

May bakas ng galit ang tono ni Vice.

Karylle : Ha? Si Neil ba? Ngayon ko lang siya nakilala, tinulungan nya kasi ako kanina pa--

Natigilan naman si Karylle dahil may biglang sinabe si Vice na hindi niya talaga inasahan.

Vice : Layuan mo muna ako.

Huli na ng mapagtanto ni Vice, na dapat di niya sinabe ito kay Karylle pero dahil nga sa naguguluhan siya kaya nya nagawa ang bagay na yon.

Karylle : Pa..pasensya na.

At tuluyan ng iniwan si Vice... Si Vice na gustong sapakin ang sarili niya dahil sa nagawa.

-

Di alam ni Karylle ang gagawin nya sa kanyang narinig, ganun ba kasama ang nagawa niya. Nasasaktan siya, pero kakaiba ang sakit na kanyang nararamdaman.

Lumipas ang buong magdamag ng napaka awkward ng aura sa loob ng bahay dahil sa di parin pagkikibuan nina Vice at Karylle, na kahit magtinginan man lang saglit ay di nila magawa.

Pinipilit naman nila Vhong napagaanin ang atmosphere ngunit mas nananaig talaga ang pagka awkward ng paligid.

Pagdating ng hapon, palubog na ang araw. Tahimik na nakatayo sa balkonahe si Karylle habang tinititigan ang mala orange na kalangitan.

Nang biglang may kotse na pumarada sa tapat ng bahay, nagtaka naman si Karylle kung sino iyon pero ng ibinaba ng kotse ang bintana nun na nalaman ni K kung sino iyon.

Karylle : Neil?

Bigla namang lumabas mula sa bahay si Anne kasabay ng paglapit ni Neil kay Karylle.

Anne : Ahmm K who is he?

Sasagot sana si K kaso naunahan siya ni Neil.

Neil : Im Neil. Neil Perez, new friend ni Karylle.

The Starlingtons of The Kingston Academy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon