My Mission and their Lies

134 9 0
                                    

I knew it she's up to something. After that night in the garden, nagiba na ang pakikitungo nya saken. Bumait sya saken. Well mabait naman talaga sya kaso mas mabait sya saken kaysa sa iba. She started to treat me differently, ano ba talaga kasing gusto nyang malaman?

~

Ang hirap talagang pakisamahan nitong tao to. Mas friendly na nga ako sa kanya kumpara kayla Anne ee pero waepek parin. I mean seriously, what's with this guy? But I don't give up that easily so sorry nalang sya kung matigas sya mas matigas ako. Hah. Don't you dare try me and my capability...

At the garden..

Nandito kaming lahat kasi dito lang medyo presko. The rest of the building, grabe parang sauna sa sobrang ineeeet.

Anne : It's so HOT !!!

Totoo naman kasi talagang pagka OA ng inet ngayon. Buti nalang may naisip akong gawin para medyo maprekuhan kami.

"Guys, I'll make a special shake for us."

Billy : I love that idea, K !!

Vhong : Whooo.. Salamat K ! The best ka talaga.

Di ko naman mapigilang hindi matawa sa mga reaksyon nila. Lahat sila excited na sa gagawin kong shake pero as usual si Vice parang may sariling mundo nanaman kapiling ng libro nya.

"Ikaw Vice gusto mo ba?" malumanay na tanong ko sa kanya.

Vice : Malamang Ana Karylle. Alangan namang kayo kayo lang.

Napaka sungit talaga nito. Sya na nga tong inaalok sya pa tong may ganang mag sunget.

"Sabe ko nga ee" bulong ko sa sarili ko.

Vice : May sinasabi ka?

"W-wala aa. Sige gagawa na ko sa loob. Dyan muna kayo"

~

Kitchen area...

"Bakit ba ang inet inet ng ulo saken nun? Mas mainet pa kaysa sa inet ng araw" kausap ko nanaman ang sarili ko.

Habang gumagawa ako ng shake ee kung ano ano ang naiisip ko, kung ano anong tanong ang tinatanong ko. At the same time nagiisip din ako ng strategy kung paano ko magagain ang tiwala ng masunget na yon. Sobrang dami ng iniisip ko na naghahalo halo na sila sa utak ko.

"Waaaa!! Mababaliw na ko sayo, Jose Marie Viceral !!" bigla nalang ako napasigaw, wala namang ibang tao kasi nasa garden silang lahat. Kumuha na ko ng baso para ilagay dun ang shake na ginawa ko nang...

"Sino ba kasing may sabing isipin mo ko ha, Ms. rank number two?"

Booooooom. Nandun pala sya sa likuran ko. Sa dinami dami namang susulpot sya pa? Sa sobrang gulat ay nabitawan ko ang basong tawak ko na nagkadahilan upang mabasag yon.

"Ka-kanina ka pa ba dyan?" sabi ko nang di nakatingin sa kanya kasi pinupulot ko ang mga nagkalat na bubog.

Vice : Not too long. But I clearly heard what you shout just now.

Ramdam kong papalapit na sya ng papalapit saken, kaya nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko.

"Aray!" sa sobrang nginig ay napadiin ang hawak ko sa bugbog kaya nasugatan ito.

"Tsk tsk tsk di ka kasi nagiingat." sabi nya habang hawak ang kamay kong may sugat. Ang bilis nya nasa harapan ko na kagad sya.

Pinatayo na nya ko at dinala ako sa may lababo para hugasan ang sugat ko. Di ko alam pero di ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Naguguluhan kasi ako. Now he's good to me, nawala yung aura niyang masunget.

The Starlingtons of The Kingston Academy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon