Mini Vice

154 8 1
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas mula nagkasakit si Vice. Lahat ng gawain niya ay pinagtulong tulungan nina Vhong,Billy, Karylle at Anne na matapos. Tungkol naman sa business na pinapagawa ng dad niya sa kanya ay tinapos nalang din nito ang nasimulan ng anak.

Tungkol naman sa nararamdaman ni Karylle. Dahil sa naguguluhan siya, napagisip isip niyang ipasintabi muna ito dahil baka makaapekto pa ito sa kanyang pagaaral at syempre sa pagkakaibigan nila ni Vice. Kung ano man itong nararamdaman niya, hindi pa siguro ito ang tamang oras para i-express niya ito.

~

Isang normal na araw para sa Starlington. At dahil Sunday wala silang pasok ngayon. Siesta Time. Lahat sila ay nasa garden, kanya kanya ng ginagawa. Vhong na naka earphone/soundtrip. Anne na nagdo drawing ng mga designs nya sa damit at sapatos. Billy na nagbabasa ng comics. Karylle na kileg na kileg sa binabasa niyang Mortal Instruments. At si Vice na seryosong nagbabasa ng world history.

Para silang bumalik sa realidad mula sa kanya kanyang ginagawa nang dahil sa isang sigaw.

"KUUUYYYAAA!"

Sigaw palang nakutuban na si Vice at di na maganda ang kanyang awra.

Anne : Mini Vice is here. I guess.

Alam na nilang lahat kung sino iyon maliban kay Karylle na walang kaalam alam sa nangyayari. Mabilis pa sa alas kwatro ng makarating sa garden si JK (Josh Kyle Viceral). Walang iba kundi ang nakababatang kapatid ni VIce.

Agad agad itong yumakap sa leeg ni VIce.

JK : Kuya okay ka lang ba? Nagkasakit ka daw? Kinakawawa ka ba nila dito?

Vhong : Wala man lang Hi/Hello?

JK : Im not here for you. Im here for kuya.

Anne : Geez fine. Mataray as always. Magkapatid nga kayo.

Doon palang nagka idea si Karylle na kapatid pala ni VIce ang dumating at ang nasa harapan niya ngayon. Kung titignan ay di niya ito masyadong kamukha pero may anggulo paring magkaparehas. Matangkad din ito at gwapo at gaya nya ng sabi ni Anne. Suplado.

Vice : Why are you here? Alam ba ni dad na nandito ka?

JK : Opo. Pinilit ko talaga siyang pumayag kasi sabi nagkasakit ka daw eh.

Billy : Aww. What a nice little bro'.

Binigyan naman ni JK si Billy ng isang death glare. Napatawa nalang si Billy dahil wala parin talaga itong pinagbabago.

Vice : Well okay na ko. Dont need to worry too much. Okay?

JK is just 10 years old. Dahil sobrang busy ng Daddy nila ay si Vice na ang tumayong tatay at kuya niya kaya ganon nalang siya ka attached dito. Sobrang mahal ni Vice ang kapatid dahil it reminds him of his mother whenever nakikita niya ito, kaso nga lang dahil sobrang attach ni JK sa kanya OA na ito. Kaya medyo naiirita naman siya pero hindi nito nababago ang pagmamahal niya sa kapatid.

JK : Who are you?

Tanong niya kay Karylle dahil ito ang unang beses nilang pagkikita. Di niya kasi alam na may bagong member ang Starlington.

The Starlingtons of The Kingston Academy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon